( CHAPTER ONE )
*
*
*
d(゚ー゚@)
Bata palang si Ara ng parehong wala na kanyang mga magulang dahil sa isang trahedya. Dahil nga sa sobrang bata palang nito at hindi pa kaya mamuhay ng mag isa kaya kinupkop siya ng kanyang tiya Ening. malayong kamag anak ng kanyang ina.
Simula ng tumira siya duon ay puro pasakit at mag mamaltrato ang natanggap nya mula sa mag iinang Ening, chona at mildred.
Kaya ng magkaroon ng muwang ay naisipan nyang tumakas, at napadpad sa maynila na kung saan naging palaboy laboy ito, sa idad na 12 anyos ay ang tanging naging sandalan lang niya ay ang kanyang tirahan na kariton na nasa ilalim ng tulay.
Sa umaga ay pamamalimus ang kanyang ginagawa para may pang kain s'ya, at sa dapit hapon naman ay mangangalakan ng mga plastik na bote at ibinibenta nya ito sa halagang uno betsingko sentavo's. Tuwang tuwa na siya pag may nalilikom siyang 15 pesos at ibinibili niya ito tinapay at ice water. Nakasanayan na nya ito hanggang sa mag dalaga na nga siya at tumuntong ng 18 years old.
Na kung saan mas lalong natuto siya kung papano makikibagay sa takbo ng langsangan at naging matinik ito at sakit sa ulo ng mga pulis na humahabol sa kanya, bukod sa pamamalimos ay natutunan din nya ang pagnanakaw sa tulong ng mga nabarkada nyang ganun ang gawain, kung minsan naman ay dahil sa kagipitan sumusugal ito ng panunulis, at maging snatcher, at mangdurukot.
( POV- Abigail )
" Oy.. Alam mo bang wanted ka ngyon Ara!?, Ikaw ba naman manulis ng mayamang matanda sa loob pa talaga ng Mall, hindi ka manlang lang nakaramdam ng natakot?, Ang tinik mo talaga, walang ka pinipiling lugar!.." Saad naman ng kanyang nakababatang kaibigan na si Abigail.
" Panong hindi ko siya madadali Abi, eh ang manyak ng gagong matanda nayun, ang totoo hindi naman sya talaga yung target kong pagnakawan ng araw nayun! kaso naka alis na yong super hot na binatang CEO ata ng ewan, saang Kompanya ba!. kaso ngalang nawala nalang bigla, kaya ayun yung matandang kanina pa tingin ng tingin sa akin ang napag diskitahan ko. Sorry nalang sya wala akong awa sa mga kagaya senior na kagaya nya!..." Sabay halakhak nito habang naglalaro ng kutsilyo na ibinabato sa puno ng saging.
" Ay! ikaw na!?, bongga ka girl lahat nalang talaga pinasok mona. Sali mo pa yung pagiging play mate mo sa gabi at pag nauto mo talaga ang taxi driver or pangpasaherong motor, nako uuwing luhaan ang mga ito dahil sa tinik mong mangdukot ng pitaka!..." Muling panghanga na pahayag ni Abigail kay Ara.
"Shempre ako pabah!, Iba yata to walang pakong nakakaharap na hindi ko nauuto. Sus yang mag pulis patola nayan, walang sinabe sakin dahil pag ako nakahawak na ng baril dila lang nila walang latay!..." Mayabang na pahayag nito.
Umiling lang ang kaibigan nito kasabay ng pagtunog ng kanyang dila na hindi sang ayun sa lahat ng pinag gagawa ng kanyang matalik na best friend.
" Oh pano, saan na naman ang target mo mamaya Atara!..." [inshort Ara!.] Seryosong tanong na naman ulit ni Abigail.
Ngumisi nalang ito bigla at parang may hindi magandang binabalak.
" Hmmn, Parang mas masarap mag nakaw sa Quipo!, sa simbahan!, bz ngayon ang mga tao sa pag hingi ng kapatawaran sa kanilang kasalan!..." Nakangisi nitong sabi.
" Hoy walang hiya ka talagang babae ka!, grabe ka walang kang patawad, pati ba naman sa simbahan mag hahasik ka ng kadiliman!, Matakot ka naman Ara!,, Pambihira kang babae ka. Ang luwag luwag ng kalye sa simbahan mo pa talagang naisip na mag nakaw!. Nako Buhay ka panga pero sinusunog na yang kaluluwa mo sa impirno, magkakutchaba talaga kayo ni Satanas!..." Naiinis na pahayag ng kanyang kaibigan.
Natawa lang ng bahagya si Ara sa mga sinabi ni Abigail.
" Alam mo, hindi na uso ngayon yang banal banalan, alam mo kung bakit?, Kase mga tao ngayon plastik, pagkalabas nila ng Simbahan, ayan mas masahol pa kay Lusifer!!.." Sabay tawa nitong mapang asar kay abigail.
" Hay nako!, bahala ka nga sa buhay mo. Sana makaharap ka ng katapat mo, yung killer sana!..." Pang iinis nitong saad,
na agad lang nginisihan ni Atara.
" Wow!!, fantastic!!., Why not?!, Im ready to died, but before me, eh siya muna ang unang ipapadala ko kay satanas, kita nalang kami duon!.." Muling halakhak nitong saad na ng aasar.
" Alam mo di kalang buang noh, may saltik karin sa utak kang babae ka,siguro dapat mong Pagnakawan eh yung mental hospital, kase duon maraming gamot na puwede mong ipaslak sa utak mong nababaliw na Atarajoice!.." Muling saad nito na iinis. " Tigas din ng ulo mo kase, pag ikaw nahuli huli ng mga pulis nako ewan ko nalang sayo kung hindi ka lumuha ng dugo. Patong patong na ang kaso mo. Una pagtutulak ng bawal na gamot, tapos ngayon pag nanakaw, pag hahablot ng bag, panunulis at yung pagiging damn play mate girl mo sa gabi. Yung pick up girl bayun!.." Takang pagkutkut nito ng ulo.
" Atlis virgin pa!.." nakangisi na naman nitong saad kay abigail.
Pero maya maya pa ay naging biglang nagseryoso ito bigla at tumingin kay Abigail.
" Kung hindi ako, magiging matatag at matapang, nga-nga parin tayo hanggang ngayon, malamang wala tayong makain at hindi tayo makakatira sa ganitong paupahan na kuwarto, baka nga nasa langsangan parin tayo nakatira hanggang ngayon. Kaya my little muting bestfriend, please support me okay!.." mapang asar nitong sambit at nag pa beautiful eyes pa.
" Eh kung sipain kaya kita sa muka. masgugustuhin ko nalang manirahanulit sa kalye kaysa mawalan ng kaibigan na baliw at na tinurin ko ng kapatid. Oo naiintindihan ko naman na ginagawa mo ito para sa atin, at sa mga bata, pero sana naman isa alang alang mo ang sarili mo, kahit na malakas ka marunong ka sa lahat, matalino, babae ka parin na may belat, at konting sipa nga lang sa muka mo panigurado tulog kana agad!..." Nalulungkot na pahayag ni Abigail kay Atara.
Tinuruan nga kita kung papano maka survived sa gitna ng hirap at pakikipag sapalaran sa langsangan, pero hindi ko naman akalain na magiging ganito ka!.
Hindi na nagsalita pa si Ara at tinungo ang banyo.
" Maliligo nako abi, ikaw na muna bahala sa mga bata!.." Seryoso nitong sabe.
" Teka itutuloy moba talaga yang pinaplano mo!..." Alalang tanong nito.
" Oo pero slight lang naman, titignan ko lang si Father at mag kukumpisal narin ako ng feelings ko sa kanya!.." Hagighik nitong tawa bago pumasok sa banyo.
" Ewan ko sayo, talagang malala kana Atara!..." Inis na sambit at umirap lang ito kay Atara.
Ng matapos na ito maligo.
" Oh!, saan lamay ka ba makikiramay huh Atara!.." Masungit na tanong ulit ni Abigail.
Dahil napansin nitong naka all black si Ara ng kasuotan, na kung naka leggings ng itim, at naka black fitted vnect pa ito na kung saan naka opend ang gitnang bahagi ng kanyang dibdib at angatna angat ang pinagpala nitong dibdib. at naka sumbrero at may slings bags na black. Simole lang ang dating pero dahil sa ganda ng katawan mapapanganga ang makakakita sa kanya.
" Bakit muka bakong aatent ng lamay huh?!.. Inis na sigaw ni Atara kay Abigail.
" Ay oo, simbahan nga pala yung pupuntahan mo, tama bagay yang suot mo best!, pares na pares sa kaitiman ng gawain at nako sana hind I ka masunog pagpasok mo!.." Pang iinis nitong pahayag ulit kay Atara.
" Ang dami mong dada, maglinis kana lang. Oy sayo bayun?!, panti mo ata yung tinatangay na ng aso!..." Pagbibiro nitong sambit sabay halakhak, at nagmadaling umalis dahil binato na siya ng tinelas ni Abigail.
" Masunog ka sana pag pasok mo sa simbahan!, letche kang babae ka!..." Inis na nitong pahayag.
" Pero mag iingat ka Atara!..." Sigaw nito sa papalayong Ara.
Ng makalabas na sya sa may maliit na iskinita, bahagya na itong nagsuot ng facemask at nakayukong naglakad, habang patingin tingin sa paligid.
Matangkad ito at maputi, sabayan pa ng mahabang buhok na straight, maganda ang mukha at katawan. Nasa saktong idad na ito. Kaya dalagang dalaga na siya. Ngunit sa kabila ng kagandahang taglay nito ay nakakumbi ang maduduming gawain na hindi mo aakalain dahil sa mahinhin nitong galaw at mala dyosang kagandahan.
Naka make up din ito na kung saan mas lalong na aangat ang gandang taglay nya at sabayan pa ng pula nitong lipstick. At mapupungay na matang nilalagyan palagi ng mascara. Ay may matang nakaka akit kung tumitig kaya kahit sinung lalake talaga ay hindi mahihindian ang ganda nya.
Ilang minuto pa ng makarating na sya sa tapat ng Simbahan. At tanaw na tanaw nya mula sa kinatatayuan nya ang isang itim na mercedes na bahagyang paparking palang sa tapat ng Simbahan.
Napangisi sya ng makita ang kotse ng may biglang may maisip na kalokohan.
" Ahuh! , pag sunuwerte ka nga naman,at dito mo pa talaga napiling mag punta huh, lagot ka sakin, tyak na tiba tiba na naman ako nito. At mukang galante ang ating costomer, chill kalang dyan kung sinu kamang nag mamay ari ng sasakyan nayan, panigurado hindi mo. mahihindihan ang magandang kagaya ko!..." Sabay hagighik na pag ngiti nito sa tabi.
Hindi niya nilubayan ng tingin ang sasakyan hanggang sa may bumabang apat na lalaking maskolado at nakasuot ng al black na polo shirt at pant.
" Uy mukang bigtime ang boss nila, may mga buddy guard pang kasama!.." Sabay patunog nito ng kanyang dila at tila na eexcite na gawin ang binabalak.
ilang minuto pa ay lumipas ay bumama na ang gusto nyang makita.
Isang matangkad na lalaking naka suit na damit, at board itong tumingin sa paligid, na kung saan angat ang gandang lalake nitong taglay at ganda ng katawan. Sumasabay rin ang hair style nyang buhok na bagay na bagay sa kanya!...