CHAPTER 06
*
*
*
(꒦໊ྀʚ꒦໊ི )
Napahinto ako matapos kong marinig ang mga sinabe nito!.
Sandaling napaisip.
Parang alam kona ang pinupunto nitong sabihin. Akala siguro nila isa lang akong normal na babae at walang ka alam alam. Na hindi nila nalalaman na isa pala akong wanted killer din.
Siguro may ginagawa ang mga ito na labag sa batas at baka isang malaking sindikato ang napasukan kong trabaho.
Pero sayang naman din kung iiwan ko itong trabaho nato lalo't malaki ang buwanang pasahod sakin. Sayang talaga, siguro kailangan ko lang makapag ipun. Bago ako umalis dito.
Nagpanggap akong hindi na uunawaan ang mga sinasabe nito, para hindi halata.
" Ano po ba yung mga pinupunto po ninyo, hindi ko kase maintindihan!.." kunwaring saad ko naman na umaarte pa na hindi ko na ge'gets ang ibig sabihin nito.
" Wala!.. hwag mo nalang pansinin ang mga sinabe ko. At tama lang na sumunud ka sa lahat ng mga rules dito. para hindi ka mapahamak. Lalo na pagkasama mo si Yung Master!.." Mahinang saad nito, na napatango na lamang ako.
" Tara ituturo ka sayo ang magiging kwarto mo. Lahat tayo ay may tag iisang kwarto dito. Kaya wala kang magiging problema, dahil solong solo mo ang kwarto mo iha!.."
Ika nitong saad na ikinangiwi ko naman,
Nako mag isa pala ako sa kwarto ko. Masmaganda sana kung may makakasama ako, para naman kahit papano hindi ako basta basta ma a'alarma pag may narinig na ako.
"Eh matanong lang po bakit kaylangan ang mga katulong pag 9pm na ng gabi kaylangan nandun na sa kwarto!, At ano pala yung mga ingay na maririnig na dapat baliwalain at hwag papansinin!.."
Takang tanong ko naman para makakuha ng maliit na impormation sa mga tao sa paligid ko. Alam kong may alam ang matandang ito sa mga nangyayare, pero nadadala lang ito ng takot, kaya ayaw mag salita!.
" Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Ikaw nalang ang mag observe, basta h'wag kalang magpapahuli dahil malaking pagkakasala ang mag imbistiga, at kawawa ka sa Yang Master pag nahuli ka!.."
Sumeryoso naman ang muka ko ng muli ko na naman marinig ang tinatawag nilang Yang master. Sobrang na curious talaga ako sa lalakeng iyan at hindi kopa ito nakikita.
" Hmmn. Marami pa po sana akong itatanong, pero baka naman po pwede sa kwarto nalang po tayo mag usap!.." Sabi ko naman na bahagyang nakangiti.
Tumango naman ito at hinila na ako papasok ng kwarto.
Malawak at malinis sa loob kompleto narin ito ng gamit.
Naupo ako sa malambot na kama at si nanay telma naman ay naupo sa maliit na bangko.
" Hindi ko alam kung dapat ko ba sayo talaga ito ipaalam, pero mas maganda narin lalo't isa ka panaman sa magiging personal na alalay ni Yang master. Kaya nararapat lang na malaman mo!.."
Tumango naman ako at hinintay itong mag salita ulit.
" Alam mo bang lahat ng nagiging katulong oh na ninilbihan dito sa loob ng Mansion ni Yang master ay wala ng kalayaan!. kapalit ng pagpirma ng kontrata, ay ang kalayaan mo mismo. Dahil mahigpit sila sa siguridad ng pangalan nila at mga negosyo, kaya kung sinu man ang lumabag ay mapaparusahan!.." Napa angat naman ako ng ulo, at may pananabik akong makinig sa mga kuwento nito.
" Ano naman pong parusa!.." Tanong ko naman.
" Kamatayan!, yan ang parusa sa sinu manglalabag at magtatangkang tumakas, alam kong hindi mo rin binasa ang iba pang mga naka sulat na Kontrata mo, gaya ng mga katulong dito!..
Pero masasabe kong suwerte sila kay'sa sayo iba ang position nila sayo. Ikaw kase na nga'ngam ba ako sa siguridad mo. Lalo't bata kapa naman din at napaka innocente mo. Sa murang idad mong yan mapapasabak kana sa ganito..." Saad nito na ikinangiti ko naman.
" Hindi naman po siguro, kase ang bilin nung kanang kamay ng Yung Master nyo eh sumunud lang ako sa ipinag uutos at sundin ang limang rules!.." Saad kong nakangiti dito n ikinagulat naman nito at tila may pagtataka ang mga matang nakatitig sakin.
kita ko naman ang pagkamangha sa mukha nito matapos kong sabihin ang mga iyun. At natanaw ko ang pag asa sa muka nito.
Pano naman ako matatakot sa kanila eh halos pareho lang kami ng gawain siguro!..
" Bakit parang hindi ka manlang na sindak sa mga sinabe ko. Hindi kaba natatakot para sa asarili mo!?..." Pangamba nitong saad na mas lalo ko namang ikinatawa pa at ngumisi ako ng parang demonyo sa harap nya.
" hindi ho ako natatakot sa mga kagaya nila, basta wala lang akong lalabagin wala naman magiging problema nang telma!.."
Nakangiti kong wika dito, na hindi man lang ako natinag sa mga nakakatakot nitong pahayag.
" Alam mo ba!, kadalasan sa mga nagiging personal maids ng Yung Master, ay hindi nakakatagal, wala pang isang buwan gusto ng umaalis. Tapos mababalitaan nalang namin sa kapamilya nito na missing daw. At ilang araw ang lumipas natagpuan na itong wala ng buhay!.."
Duon lang ako medyo kinabahan at nagtaka dahil ano naman ang magiging dahilan bakit gusto na agad umalis ng Personal maids nito!.." We.Medyo kinabahan ako duon.
" Alam nyo po ba ang dahilan bakit umaalis agad ang mga personal maids ng Yung monters nyo. Ay este Master pala!.." Takng tanong ko dito, habang nababakas sa muka ko ang labis labis na pagtataka.
" Ang katwiran nung huling personal maid ng Yung Master ay successobrang masungit daw at palaging na ninigaw, tapos pag hindi nya nagustuhan ang trabaho mo, ipapaulit. malala kase ang nangyare sa huling personal mids nito, May nalaman kase ito tungkol sa mga negosyo at trabaho ni Yung Master , natakot siguro kaya nagpasyang umuwe, kaso naka uwe nga ito pero bangkay na!.." Napahugot ako sandali ng hininga matapos ko malaman ang lahat at ang nangyare sa huling nanilbihan sa Yung Master.
" Matanda na po ba yang tinatawag nyong Yung master!?.." Siguro u'ugod ugod na ito kaya, mainitin ang ulo.
" Hindi, ang totoo bata pa ito, nasa 23 ages palang!.." Napamulagat ako ng mata ng malaman kong ilan taon na ito.
Tang*na matanda pa ako ng dalawang taon duon ahh.
" Bata pa pala sya, bakit parang mukang ang dark naman ng pinag gagawa nya!?.."
" Mana mana ito ng kanilang lahi, at kinalakihan na niya ito, kaya na kakaya nya ang mga ganitong gawain.
Parang hindi naman ata kapani-paniwala ang sinasabe ng matandang ito. Baka nag u'ulyanin na ito, at kung ano ano na ang mga pinagsasabe. oh baka nababasa lng ito ng romance story kaya nailalagay nya ang misteryosong pangyayare na nagaganap sa buhay ng mga nakatira dito.
" Am nandito po ba ang Yung Master!?.." Biglaam kong sabe dahil simula kanina pa ay hindi ko pa ito nakita.
" Wala ngayon dito ang Yung Master. Nasa ibang bansa at may inayos sa kanilang Negosyo!.." Saad na ika nito.
Bukas pa makalawa ang dating kaya pansamantala ka muna tutulong samin habang wala ang Yung Master.
" Pero hindi mo malalaman na dumating na ito. Bagkos ay magugulat ka nalang isang araw nakaharap mona pala ito!.." Ani nito.
Ano yun parang kabuti lang na bigla nalang sumusulpot!..
Pero hindi mawala sa isip ko yung pang limang rules dito. Yung wag maiinlove sa Yung Master!..Bakit kaya!. nako para na akong ate nun. Bahala sya dyan hindi ako papatol sa kagaya nyang bata.