Matapos ang rebelasyon ni sweety. Para pa rin akong nasa alapaap. Mabuti na nga lang rin ay na pag usapan namin ito. Kundi para lang akong tanga na iniiwasan siya at natatakot na baka makasakit ako ng damdamin nito. Habang naka higa ako sa lap niya siya naman ang tinanong ko sa nangyari kanina at bakit niya hinayaan na batuhin at saktan siya ng mga ito. Isa lang ang sagot niya sa akin na ikina hanga po pa rito ng lubos. "Sweety hindi naman kasi sa lahat ng oras ya paiiralin ko ang init ng ulo. Mas okay pa rin na kausapin ng maayos at baka sakaling makinig." "Hmmm! Kaso nakinig ba sila sayo. Paano kong napahamak ka don. Next time hwag mong hahayaan na saktan ka na lang nila ng ganon. Alam mo bang nasa media ka kanina kaya napasugod agad ako dito, dahil hindi rin naman kita ma contact man