TREVOR Bumangon na rin ako at sinundan ko siya sa kitchen. Naabutan ko siyang nagluluto ng breakfast namin. Niyakap ko siya patalikod at sumandig ang ulo niya sa dibdib ko. "Thank you sweety." bulong niya. Hindi ko alam para saan ang thank you niyo kaya sumagot na lang ako ng; "I love you sabay kiss sa labi niya ng mabilisan at baka mapunta pa kami sa kong saan. Pinatay niya na ang induction cooker at ako naman kumuha ng lalagyanan at inabot rito. "Salamat." wika niya sabay ngiti sa akin at kuha ng plato. Pagkatapos niyang isalin ang mga ito inutusan niya akong ilagay ito sa lamesa na sinunod ko naman kaagad. Maya maya lang rin sumunod na siya sa akin at naupo sa tabi ko. Habang nakain kami ng breakfast na niluto niya para sa amin na omelette at bacon Inasar ko pa nga siya na baka nag