TREVOR Pagka hatid ko sa bahay ni sweety hindi muna ako dumiretso ng Mansyon o nang company. Tinawagan ko si Dom para ayain sa Elite bar gusto kong mag open-up sa kanila sa mga napapansin ko lately. Ayokong mag conclude sa nakikita ng mga mata ko, dahil hindi ko naman nakita sa simula. All though nagbanta ang gago kong anak sa akin, mas malaki pa rin ang tiwala ko sa fiance' ko na hindi niya ako lolokohin. Iba si Bettina sa lahat ramdam ko 'yon simula pa noong una. Hindi siya kagaya ng iba na magpapadala sa pang-aakit ng lalaki kahit na sa anak ko pa. 'Di siya kagaya ng ibang babae na dumaan sa akin na nagpadala sa pang-aakit ni Denver. Kahit na may nakaraan pa sila. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa Elite bar na pala ako. Nag park lang ako ng kotse sabay baba na. Pagpasok