TREVOR Nang malaman kong safe na ang mag-ina ko nagpasalamat talaga ako sa itaas at nang sabihin ng doctor na sa recovery room ko na lamang siya hintayin nakahinga na ako ng maluwag kahit papaano lalo na nang sabihin ng nurse na pwede ko na itong puntahan sa recovery room. Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa pinuntahan ko agad ito at naabutan kong tulog na tulog pa kaya hinayaan ko na lang muna siya matulog at babantayan ko siya ng buong magdamag. Hinaplos haplos ko ang buhok niya nang biglang nag mulat ito ng mga mata. Kinamusta ko ang kalagayan niya hanggang sa natanong niya ang bweset kong ate na si Allyson. Nagtataka ako kong bakit niya natanong ito at hinahanap gayong ito ang dahilan kong bakit siya nasa ospital ngayon. "Hindi niya ako tinulak, sadyang nadulas ako sa hagdan at