C1

1302 Words
BETTINA Napabalikwas ako ng bangon ng mapanaginipan ko na naman ang lalaking 'yon. Two years ago na pero sariwa pa rin sa ala-ala ko ang mukha niya. Siya ang naka kuha ng kabirhenan ko. Bumangon na ako para sa next branch launched na bagong branch ko. Ayokong ma-late at nakakahiya sa mga tao, baka sabihin nila ako ang owner tapos ako pa 'tong un-professional. Kinuha ko ang mga kakailanganin ko para sa events. Pagkatapos ko kasing maligo at mag bihis lalarga na ako. Kunting sipat lang sa salamin ay okay na ako. Lumabas na ako ng bahay para buksan ang gate, never naman kasi akong kumuha ng maid para may makasama sa bahay, dahil palagi naman akong wala at nasa restaurant lang ako naglalagi. After namin mag break ng gagong cheater na 'yon mas nilaan ko pa lalo ang oras ko sa business ko. Well in-fact napalago ko ito, dahil sa determinasyon ko at sipag. Hindi ko sinayang ang oras at panahon ko para magmukmok sa gagong 'yon. The last time na nagpaka tanga ako nabigay ko ang puri ko sa taong 'di ko naman kilala. That' s bull sh*t! Isa yan sa bangungot na ayaw kong maalala pa. Yan rin ang araw na nahuli ko sila sa bar na may VIP room at ang pagkawala ng virginity ko kayo sagad sa buto ang galit ko sa cheater na 'yon at kahit kailan hinding hindi ko siya mapapatawad kahit lumuha pa siya ng dugo sa harapan ko. Lintik lang ang walang ganti. Bweset siya! At bago pa niya masira ang araw ko umalis na ako ng bahay gamit ang bago kong sasakyan na may model na chevrolet. Isa ito sa bunga ng pagsisikap ko sa restaurant. Sa ngayon binabaybay ko na ang kahabaan ng EDSA sa Quezon City kasi ang next branch ko. Medyo malayo sa dati kong branch sa Makati at Manila, but for me it is all worth it, because I work for it by myself ofcourse with the help of my assistant, staff and secretary. Pagkarating ko sa Bettina's Restaurant binati kaagad ako ng mga staff ko at ilang bisita ko para masaksihan ang ribbon cutting ko. Syempre proud ako sa sarili ko sa mga achievements na nagawa ko at sa mga gagawin ko pa lang. After I cut the ribbon hinagis ko ito at isa-isa silang lumapit sa akin at nag congratulate. Ngiti lang at pasasalamat ang naisagot ko sa kanilang lahat. Bago matapos ang events pinapasok ko sila sa restaurant at pinakain for free para makuha ko rin ang mga feedbacks nila sa restaurant ko. "Congrats, Bettina, super duper mega sarap ng dish niyo dito." OA na pagkakasambit ni Charice. She is one of a kind person na na meet ko sa bar. Siya 'yong naging taga salo ng hinaing ko sa buhay ng gabing 'yon kaya doon nag simula ang friendship namin. Siya na lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko, sapagkat after ng friendship over namin ni Shayne. Haixt! Letse bakit ko ba siya ini isip pa. Iwinaksi ko na lang ang ini isip ko at nag focus ako sa mga bisita ko. "Salamat, teka bakit ikaw lang. Nasaan ang jowawee mo?" tanong ko ng makitang nag-iisa 'to. "Jowa? Sinong may jowa? Single yata 'to." proud na sagot niya na ipinagtaka ko at taas ng kilay. "Ano bang pinagsasabi mo dyan, last time lang may jowa ka tapos ngayon." "Ah siya ba, wala 'yon break na kami. Ang gagong 'yon nahuli ko na naman na niloloko ako. Kaya ayoko nang magpakatanga sa kaniya. Tang-na niya!!" sigaw nito. Mabilis kong tinakpan ang bibig nito. "Gaga! Bakit ang ingay mo, baka maka istorbo ka sa mga bisita ko. Mamaya na tayo mag usap mukhang mahaba habang kwentuhan yan. Sige na maiwan muna kita dyan at aasikasuhin ko muna ang mga bisita ko." Tumango lang ang gaga kaya iniwan ko na siya. Pabalik na ako sa mga guest ng biglang may nahagip akong bulto ng tao at mukhang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko lang talaga matandaan kong saan ko nga ba siya nakita. Susundan ko sana ang taong 'yon ng harangin ako ni Mrs. Buenavista. "Congratulations for the successful of your new launched brach. I'm so proud of you Bettina and if your Dad alive I'm sure he will proud of you too." wika nito na hindi ko naman maiwasang mangilid ang luha sa mga mata ko. Kapag nababanggit kasi ang parents ko especially si Daddy nagiging emotional ako sobra. Hindi ko pa rin kasi matanggap na they both died when I was a kid. Kaya lumaki na ako sa abuelo/la ko. Kaya medyo conservative akong kumilos at manamit or should I say ayon sa kanila 'Manang raw ako' kaya siguro pinagpalit ako ni Denver kay Shayne na in sa lahat ng bagay. Ewan ko ba, sa mas comfortable ako sa mga suot ko at kinikilos ko. Hindi ko rin maibigay ang matagal ng hinihiling nito sa akin tapos maibibigay ko lang sa strangers pa. Ang masaklap niyan hindi ko man lang alam ang pangalan nito. "Bettina, are you ok?" tanong ni Mrs. Buenavista. Nang mapansing tulala siguro ako. "Ahmm! I'm sorry, Mrs. Buenavista, medyo nawala ako. Tama ka! If my parents here. I'm sure they'll proud of me." sagot ko at pasimple ko munang pinahiran ang luha sa mga mata ko at baka magtuloy tuloy pa. "I think you're too emotional. I'm sorry if I brought it up to you. Well, hindi na rin naman ako magtatagal pa. Once again, congratulations, Bettina." wika nito sabay beso beso sa akin. Tumalikod na ito at sinundan ko na lamang ng tingin palabas ng restaurant. Binalikan ko 'yong taong nakita ko kanina kaso bigla naman itong nawala na parang bula kaya hinayaan ko na lang siya at nag asikaso pa ako ng mga bisita ko. Two hours Later.. Nang magsipag uwi na ang bisita at naiwan na lamang ang mga staff ko. Nag meeting muna kami para next day tuloy tuloy na ang trabaho nila. Masaya ako na sila ang kasama ko sa araw-araw. Alam kong hindi madali magpatakbo ng isang business kong walang katuwang sa pagmamanage nito. Naisipan kong dito muna mag focus since gamay na rin naman ng mga staff ko sa Makati at Manila. Siguro papasyal na lang rin ako sa ibang araw. Matapos ang meeting kaniya kaniya na sila balot ng mga pagkain na pwede pa nilang maiuwi sa kani kanilang pamilya at ako naman ay binalikan si Charice na nagsesenti pa rin sa gilid kong saan siya naka upo. "Hoy! Problema mo? Kanina ka pa talaga malungkot." tanong ko dito. Totoo naman kasi kanina pa siya malayo ang tingin. "Ako malungkot, ul*l wala sa bokabularyo ko ang malungkot gagang 'to. Basta break na kami at single na ako." sagot niya. "Oh siya sige, tara iinom na lang natin yan. My treat!" yakag ko dito para naman makabawi ako sa kaniya sa mga panahong dinamayan niya ako ng walang direksyon ang buhay ko. Lumabas kami ng restaurant at naghanap kami ng bar. Medyo malayo layo na rin ang dina drive ko bago kami naka kita ng bar. Medyo okay naman ang lugar at mukhang safe na rin. Pagpasok namin sa bar sinalubong kami ng ingay at usok parang gusto ko na lang mag back-out, pero ang kulit nila at gusto nila akong damayan raw. As if naman dadamayan nila akong talaga, e' alam ko naman na gusto lang rin nila ng libre. Habang nag kakasiyahan ang mga kaibigan ko at ako naman ay panay lagok lang ng alak na inorder namin, dahil wala talaga ako sa mood na makipag sayaw o mag sayaw man lang. Kaya kahit anong pilit nila sa akin ay hindi nila ako napapayag, bagkus nakuntento ako sa pag-ino na mag-isa. Natatakot kasi ako na baka maulit na naman ang kagagahan ko noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD