KABANATA 25 THANKSGIVING "Wow, you are stunning!" ani Pabo buhat nang makababa ako ng hagdanan. "You look good too!" Napakamot ito sa kaniyang batok na tila nahiya naman sa aking sinabi. "Shall we?" wika ko bago pa mauwi kung saan ang usapan. Sa totoo lang ay gutom na ako at gusto kong tikman ang delicacy ng mga Palaweno. Dala namin ang isa sa mga pickup truck na gamit sa hacienda ay tumungo na kami sa kalapit bario kung saan sakop pa rin ng mga Guerrero ang lupain. Sa bahay raw ng isa sa mga katiwala sa hacienda gaganapin ang pa thanks giving party ngayong taon. Kasama namin sa byaheng ito si Merceditas na nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan. Habang daan ay hindi ko na naiwasang magtanong ng ilang bagay tungkol dito. Gaya nang kung saan ba siya nakatira at kung ano ba ang busi