KABANATA 11 BRANDNEW DAY Dahil sa nangyari ay halos isang linggo na akong nagkukulong sa aking condo. I don't want to talk to any body except kung may kailangan papirmahan si Monic at Sam na mga sekretarya ko. Hindi pa kasi nila tinatanggap ang pagbibitiw ko bilang CEO ng kompanya. I own the 70% of the company, kasama na doon ang share ni Lolo na 30% na binigay na n'ya sa'kin kaya ako pa rin ang may pinakamalaking shares sa kompanya. Hanggang ngayon din ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag mula kay Lolo. Alam kong masama ang loob n'ya sa desisyon ko pero mas mahalaga sa'kin ngayon ay ang sarili ko at ang pagnanais kong magsimula muli. "Finally, sinagot mo rin ang mga tawag ko, ano bang pumasok d'yan sa kokote mo't maging ako ay pinagtataguan mo, ha?" Kulang na lang ay lumabas s