KABANATA 27 HANGOVER Pinilit kong dumilat kahit pa ramdam ko ang matinding hilo. Napagtanto kong nakasakay na ako sa sasakyan. Humilig ako't inaninag ang daan ngunit madilim at walang ilaw sa nadaraan namin. Halos punong kahoy kasi ang naroon. "Where are we?" I whispered. Again, I shut my eyes firmly. Ramdam ko pa rin ang matinding hilo at mas lalo 'yon umaatake dahil sa pag-alog ng sasakyan at kapag nalulubak. "Will you please stop the car!" wika ko habang nakapikit. Ngunit tila hindi n'ya pinakikinggan ang aking sinasabi dahil patuloy pa rin sa pag-usad ang sasakyan. Sa puntong 'yon ay tila gusto nang bumaliktad ng aking sikmura. Nilingon ko ang driver ng sasakyan at agad itong nakilala kahit pa hindi patay ang ilaw sa loob at hilong hilo ako. His features, and his damn jaw line.