KABANATA 29 PHOTOSHOOT Habang naglalakad sa mahabang kalsada patungo sa mansyon ng mga Guerrero ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang ginawa ni Pablo kanina. Hindi naman n'ya gagawin 'yon nang walang dahilan, o baka gusto niya lang laliman ang magkakaibigan na meron kaming dalawa. Masasabi kong palagay ang loob ko sa kanya dahil siya lang ang unang lalaking nakausap ko nang matino sa mansyon bukod sa Don. Kaya hindi ko pa rin inaalis sa isip ang bagay na 'yon. "Saan ka galing?" Nilingon ko ang boses na nagsalita. Nakilala ko agad si Tunner na siyang palapit sa'kin. Marahil ay sa kwadra ito galing at papasok na rin sa mansyon. "Sa may palengke may binili lang." Pagsisinungaling ko. Napansin kong bumaba ang tingin n'ya sa aking kamay, siguro'y naghahanap ng bagay na binili ko sa p