Chapter Eight
-Khen-
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Kasama ko si Camille dito sa condo ko dito ko muna siya pinatulog dahil sa napagod na rin ito kakaiyak kanina.
Pero s'ympre behave muna ako ngayon dahil, hindi ko pwdeng biglain ito dahil nagsisimula pa lang ung lovelife naming dalawa.
Pinagmamasdan ko ang maamong mukha nito at kinikilig pa rin ako sa isipin nasa tabi ko lamg ito. Alam kong darating din ang araw na makakasama ko ito sa buhay ko, at titiyakin kong hindi ako nito pwdeng hiwalayan.
Nasa ganon akong pag-iisip ng makita kong gumalaw ito at mukhang magigising na rin ito. Nag-inat ito at dahan-dahan ng mulat ng mata nakangiti naman akonh tumingin dito. Pero napayuko lang ito sakin.
"Don't be shy with me love, are you ok now can we talk properly. I also want to explain something to you love." Mahinahon kong salita dito at hinawakan ang kamay nitong naglalamig na.
"Love please listen to me, do you know you were my first kiss? From the day you met and kissed me, you never left my mind. I don't know but my heart beats fast only for you. So you must accept my heart because otherwise it won't beat love." Naka ngusong paliwanag ko dito.
"Ang kapag ng mukha mo, mahal mo ako pero iba ang sinusundo at binibigay mo ng bulaklak, nakakainis ka umalis ka nga yan at uuwi na ako." Inis na sagot nito sakin pero hindi ko hinayaan na umalis ito sa tabi ko niyakap ko ito ng mahigpit at hindi ako papayag na hindi kami nagkakaayos dalawa.
"love, that's all for show. I'm just really jealous of you because I want to see if you get hurt so I know if you love me or not. But now I promise I'll only pick you up and give you flowers, and of course I'll only kiss you. Because I love you so much Camille." Mabilis na paliwanag ko dito. Kunot-noo naman akong tinignan nito pero hinalikan ko lang ito sa noo at pinagdikit ang aming mga mukha.
"Don't you have an answer to that, love? I confessed to you a while ago, so maybe you can confess your feelings to me?" Malambing kong sambit dito. Napayuko naman ito pero hinawakan ko ang baba nito para maiharap sakin.
"I love you Camille" Madamdamin kong pahayag dito.
"Sure ka ba? Ayokong pinaglalaruan ang damdamin ko at mas lalong ayokong masaktan dahil baka makapatay pa ako." Matigas nitong sambit sakin kasabay ang luhang umaagos. Nararamdaman ko ang sakit na iniisip nito.
"Mahal din kita kaya sana huwag mo akong saktan pakiusap." Umiiyak nitong sambit sakin, niyakap ko lang ito ng mahigpit at pinadama dito ang pagmamahal na meron ako.
Lumundag naman ang puso ko sa sobrang saya dahil sa nalaman kong mahal na rin ako ng unang babaeng nagpatibok ng aking puso. Sa ngayon ay pipilitin kong maging maayos ang relasyon na meron kami ni Camille.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpahatid na ito dahil tiyak daw na nag-aalala sa kanya ang kanyang pinsang si Karen. Sinabi ko naman dito na nakatawag na ako kay Nana Mila para ipaalam na kasama ko ito.
Pero mapilit itong ihatid ko siya at may trabaho pa daw ito bukas sa mansion. Napapahanga talaga ako nito dahil talagang gusto niyang makapagtapos ng sa sarili nitong pagsusumikap.
Sinabi ko kasi sa kanya na ako na ang bahala sa tuition fee nito pero ayaw itong pumayag dahil mas gusto daw nitong makapagtapos sa sarili niya at pinaghihirapan ang bawat sentimo na kaylangan niya.
Nagpaalam na rin ako dito na mawawala ako ng ilang araw dahil sa business trip ko sa ibang bansa. Pumayag naman ito pero sinamaan ng pangbabanta.
Ganito pala ang feeling na may nag-aalala sayo. Kaya naman naglabaon ako ng mapusok na halik dito. Dahil ilang araw ko itong hindi makikita ay naglaan ako dito ng mga bantay para alam ko parin kung ano at saan ito nagpupunta.
Madalas akong tumawag dito sa cellphone na binili ko para dito. Gusto ko kasing kahit anong oras ako matuwag ay masasagot agad nito. Para kahit nasa malayo ako ay nababantayan ko rin ito ng maayos.
Papasok na ako sa hideout namin at naririnig ko na ang mga daing na nagmumula sa basement kung san dinadala ang mga taong dapat parusahan. Kung mararating mo lang ang lugar na ito ay matatakot ka dahil sa madilim ang lugar at mabaho dahil sa mga dugong natuyo na.
Dito ko pinadadala ang mga taong unti-unti kong pinapatay. Lalo na kung malaki ang nagawa mo sa pamilya ko. Pero sa ngayon ay mabait pa ako dahil hanggang ngayon ay buhay pa si Gomez ang nagtatangka sa buhay ko.
"How are they treating you well here Mr. Gómez.? Just say if you're not ok with this and I'll send you to hell." Pang-aasar ko dito.
"Yes, I will go there, but I will make sure that I will be with you, De Lana." Nanggigigil na sagot nito sakin.
"Ah, is that so! How come he just texted me? And they said you should go there first because my name is not on the list yet. I will consume more people like you in this world, then I will not go to the empire because I am kind.....hahahahh" Natatawa kong tiran dito.
Nagpupumiglas naman itong makakawala pero matibay ang kadenang nilagay dito kaya kahit na anong pagtatangka nito ay hindi siya makakatakas dun.
Dahil sa gusto ko na rin matapos at naiinip na ako ay pinaputukan ko na rin ito sa ulo para hindi ko na rin marinig ang kaingayan ng boses nito. Papalabas na ako ng makasalubong ko si Jack.
"Big boss, I'm sorry but we haven't found Perez yet. He and his son escaped but don't worry, all our staff are on guard at the airport and at the pier." Kinakabahang pagsasalita nito. Ganito talaga makipag-usap sakin ang mga tao, malaki ang takot nila sakin dahil kahit maging sila ay hindi ko sinasanto. Lalo na kapag nalaman kong traydor ang mga ito.
"Just look for it and don't stop until you find it because it's time for him to get ahead of us. You and your staff will be responsible for me, is that clear?" Mautoridad kong utos dito, yumuko ito at umalis na sa harapan ko. Kilala ako ng halos lahat ng tauhan ko kaya naman nagiging maingat ang mga ito sa mga bagay na pinag-uutos ko sa kanila.
Halos apat na araw na ako dito at hindi pa rin ako makauwi dahil kaylangan ko pang bumisita sa bahay nila Lolo Jacinto, nalaman kasi ni Lola Marta na dumating ako kaya naman pinatawag agad ako nito.
"Kung hindi pa kita ipatawag hindi ka pupunta dito para bisitahin ako ano." Pagtatampo sakin ni Lola Marta habang naglalakad kami sa hardin nito.
"I'm sorry! I just finished what I had to finish and I'm going to see you right now, Grandma. Then I missed you so I really won't go home if I don't see you." Paglalambing ko naman dito at hinalikan ko pa ang noo nito.
"Ikaw talaga puro ka biro. Teka maiba pala tayo, balita ko eh may girlfriend ka na daw. Dapat sinama mo para naman makilala ko siya, sabi na kasi akong may makasamang apo na babae eh" Pagtatanong nito sakin. Napakunot noo naman ako dito dahil na laman nito.
"Wow, my Grandma is really good that the news reaches here? Who is your reporter and the one I know." Pang-aasar ko dito, nahampas naman ako nito sa braso kaya mas lalo lang ako natawa dito.
"Hindi ako sayo nagbibirong bata ha, sinasabi ko sayo na ang babae ay hindi laruan na kapag ayaw muna ay iiwan mo lang kung saan. Sinasabi ko sayo kapag nalaman kong naglalaro ka lang sa babae mananagot ka sakin Khen." Pagpapayo nito sakin.
Ganito tlaga si Lola Marta, ayaw niya kasing may nakikitang babaeng umiiyak ng dahil sa niloko ng lalaki. Mabait si Lola Marta sa lahat sa amin kahit na naiinis o galit na ito ay hindi mo basta makikita sa kanya.
Idol ko si Lolo Jacinto dahil ganitong kabait na babae ang minahal nito. Dahil ang pagkakaalam ko ay maraming anak sa labas si Lolo pero buong puso nitong tinanggap ni Lola. Kaya naman sobrang mahal na mahal din siya ng mga Tito ko.