BACK TO SCHOOL

1077 Words
Chapter Six -Camille- Nasa malalim akong pag-iisip ng bigla na lang ako kalabitin ni Karen andito kaai kami sa garden at nag-aayos ng mga bulaklak. Sa nagdaang halos dalawang linggo ay hindi nagpakita sakin si Khen De Lana na yon. Hindi ko rin alam pero nagagalit ako sa tuwing nasa tabi ko siya pero kapag wala naman ay hinahanap ko ang presenya nito. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon pero ayokong masaktan lalo na kung hindi pa ako siguro sa nararamdaman nito para sakin. Mayaman ito at madali lang para dito ang magpalit ng mga damdamin, at iyon ang bagay na iniiwasan ko. "Ang lalim naman ng iniisip mo?" Kalabit sakin ni Karen habang nagdidilig ng mga halaman. "Ah, wala naman iniisip ko lang kung habang buhay na lang ba tayong katulong. May pangarap din kasi akong umasenso kaso mukhang malabo na yon pinsan." Malungkot kong sagot dito. "Alam mo may good news ako sayo." Nakangiti nitong turan sakin. "Ano sinagot mo ni si Senyorito Zandro?" Panunukso ko dito. "Malabo yon, ano ka ba hindi mangyayari na maging kami non. Dahil alam kong may nakalaan na mas karapat dapat para sa kanya." Malungkot din na salita nito sakin, alam kong may nararamdaman din ito kay Senyorito Zandro pero tulad ko ay natatakot din itong ipakita ang tunay n'yang nararamdaman. " So, ano ang good news mo sakin?" Pag-iiba ko dito. "Kinausap ako ni Nana Mila at sinabi n'yang pwde tayong mag-aral kaso hindi tayong pwdeng magsabay na wala dito sa mansion dahil kaylangan niya ng makakasama." Masaya nitong sambit sakin. "Talaga, makakapag-aral ka na?" Masaya ko ring sambit dito. "Gaga, sabi ko tayo kaya pati ikaw ay mag-aaral din, tulad ko ay matutupad mo rin ang pangarap mo na magkaroon ng sariling restaurant. Alam kong noon pa man gusto mo na magkaroon ng business. Kaya dapat ay galingan natin para sabay tayong aasenso sa buhay natin." Nakangiting pahayag sakin ni Karen. Nag-apir pa kami at sabay na tumawa dahil sa parehong kaligayahang nararamdam. Para kaming mga batang naglalaro pagkatapos, basa na rin ang suot naming damit dahil sa hose ng tubig na pinaglalaruan namin. Para kaming mga bata na naglalaro ng tubig sa gripo, sabay din kaming napapasayaw at nagtatalon dahil sa saya na meron kami ngayon. Pero naputol ang sayang yun ng tawagin na kami ni Nana Mila para sabihing magpalit na daw kami ng damit. Dahil sa basang-basa na rin kami at maraming lalaki ang nakatingin sa aming dalawa ni Karen. Wala kaming nagawa ng tawagin na kami nito. Pero laking gulat ko ng pagpasok namin sa bahay ay dalawang bulto ng lalaki ang nakatayo at nakapamewang pa sa amin at makikita ang galit na aura ng mga ito. Nagkatinginan naman kami ni Karen at sabay din napayuko at niyakap ang sarili dahil sa hiyang nararamdaman ngayon. "Sige magsipasok na kayo sa kuwarto ninyong dalawa para kayong mga bata sa ayos n'yo. Pagalit na sita sa amin ni Nana Mila. "Opo." Sabay at nahihiya naming sambit ni Karen. Mabilis naman ang pagkilos na nagpunta kami sa kuwarto at naligo. Pagkalabas ko ng kuwarto at wala na si Karen pinatawag daw ni Senyorito sa library. Ako naman ay nagtungo sa kusina para tumulong sa pag-aayos ng hapunan. Malapit na kaming matapos ni Nana Mila ng dumating si Karen at malungkot ang mukha nito. "Pinsan, ayos ka lang ba?" Tanong ko dito habang inaayos ang mga pagkain. "Wala sabi lang ni Senyorito na ayusin daw natin ang pag-aaral at huwag daw haluan ng kalokohan." Inis pang sambit nito. "Hayaan mo pinsan ipapakita natin yan sa Senyorito mo na mararating mo ang mga pangarap na meron ka at isasampal mo sa kanya ang diploma na nakamit mo." Pagmamayabang ko pa dito Natawa naman ito sa naging aksyon ko dahil para akong nakikipagbuno, dahil nakataas pa ang aking kamao. Sabay kaming natawa ng may mapagtatanto kami. Kanino lang kami ni Camille sa tuwing nalulungkot ang isa, gumagawa ang isa sa amin para maging maayos kami. Mabuting tao si Camille ang kaso lang ay mahina ito, hindi nito kayang ipagtanggol ang sarili mas gusto nito ang nagkikimkim ng sama ng loob kaysa ang ipakita nito na nasasaktan siya. Kaya madalas ay ako ang nagtatanggol dito, ako ang gumagawa ng paraan para gumanti para dito. Dahil ayaw ni Karen ang gumaganti, ayaw nito ng may kaaway o kaalitan man lang. "Naku tama na nga yan, baka makita naman tayo ni Nana Mila at mapagalitan na naman tayo, tara na at ayusin na natin ito sa labas at ng makakain na sila." Utos sa akin ni Karen, ngumiti na lang din ako dito. Nagsimula na ang pasukan at nakapag enroll na rin kami ni Karen. Masaya ang naging unang linggo namin ni Karen. HRM ang kinuha ko habang si Karen naman ay Teacher, noon pa man ay ito na ang kanyang pangarap. Kaya masayang-masaya talaga ito dahil unti-unti niyang nakakamit ang lahat. Panghapon ang kinuha kong pasok dahil kaylangan ko kumuha ng other subject na culinary sa panggabi. Gusto ko talagang mas gumaling pa sa pagluluto kaya naman isinabay ko na ito sa pag-aaral ko. Sa dalawang buwan ko pagpasok ay maging maayos hanggang sa isang araw paglabas ko sa gate ng school ay maraming tao dun at parang may pinagkakaguluhan na artista dahil nagtitilian pa ang mga kababaihan. "Grabe ang gwapo niya sissy" Tili ng isang babaeng at tinuro pa kung nasaan ang lalaking binabanggit nito. Nilingon ko kung sino ang tinutukoy nito, pero nanglaki lang ang aking mata ng makitang kung sino ang lalaking nakasandal sa kotse at naka shade pa. May dala din itong bulaklak at kung titignan ay para talaga ito supermodel sa tindig at ayos nito. Napailing naman ako dahil sa kayabangan nitong taglay. Lalapitan ko sana ito kaso napaattras ako ng makita ko ang magandang babaeng lumapit dito at humalik sa kanyang pisngi. Napayukom naman ang aking kamo dahil nakikitang paglalandian ng dalawang to. "Ang kati-kati talaga ng manyak na to, kahit sa kalsada kayang makipaglandian, mga walang hiya talaga ang mga mayayaman." Sambit ko sa aking sarili. Naiinis akong umalis sa lugar na yon at naglakad na lang muna pabalik sa library mamaya na lang ako uuwi dahil baka makita ko pa ang manyak na to sa mansion. Makalipas ng dalawang oras ay nagpasya na rin akong umuwi dahil nakakaramdam na ako ng pagod at maaaga pa akong gigising bukas. Papalabas na sana ako ng biglang humila sa akin sa dilim na labis kong ikinagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD