DE LANA MANSION

1208 Words
Chapter Two -Camille- Hinihingal akong pumasok sa loob ng bahay namin ni Karen, pero nakita ko na itong sinasaktan na naman ng aming tiyuhin. “Mga wala kayong silbi sakin, sayang lang na pinalaki ko kayo mga tamad kayo at wala kayong kuwentang tao. Dapat kasama na lang kayo ng mga magulang ninyo na namatay para ng sag anon wala na akong iintindihin pa mga buwisit kayo.” Salita nito habang pinapalo si Karen sa katawan. Napatakbo naman ako ng muli nitong hahampasin si Karen ng malaking kahoy. “Hmmm,,,,,impit kong daing ng sa likod ko tumama ung kahoy na dapat ay kay Karen. “Camille” Mahinang sambit sakin ni Karen. “Bagay lang sa inyong dalawa ang masaktan wala naman kayong mga kuwenta eh.” Salita nito at umalis sabay hagis ng kahoy kung saan. Napaupo naman ako dahil sa naramdaman kong sakit, umiiyak naman akong niyakap ni Karen. Ganito kaming dalawa sa tuwing bubugbugin kami ni Tito dahil sa wala kaming maibigay ditong perang pang-inom. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan naming ni Karen sa fast life at ganito ang hirap na pinag-dadaanan naming dalawa. Sabay kasing namatay ang mga magulang naming at naubos ang lahat ng lupain ng aming mga magulang dahil sa pinagbebenta lahat iyon ni Tito. Pero pareho pa rin kaming bata ni Karen ay wala kaming nagawa kaya napilitan kaming sumama dito sa Maynila, dahila ang sabi nito ay pag-aaralin kami nito pero grade-six lang ang natapos naming pareho ni Karen at huminto na rin kami sa pag-aaral. Hindi na rin kami kayang pag-aralin ni Tito kaya naman maaga kaming namulat sa pagtatrabaho. Madalas ay naglalaba kami sa isang bahay na mayaman, dinadaal kami dun ni Tito para maglaba pero wala kaming naiuuwing pera dahil sa nakuha na agad ni tito ung perang bayad sana sa amin. Kapag naman hindi kami pumayag ay makakatikim kami dito ng pangbubugbog bata pa lang kami ay lamog na ang pareho naming katawan sa paghahagupit nito minsan ng sinturon o di kaya kahit na anong kahoy ang mahawakan nito. “Kaylan kaya tayo makakaalis sa bahay na to, malaki na tayo pero nakatikim parin tayo ng pasa. Ang mga kasing edad natin make-up ang pinapahid sa mukha. Samantalang tayo ay bulak na may betadine para gamutin ang pasa sa pisngi natin.” Malungkot na samabit ni Karen sa kawalan. Nakaupo kasi kaming dalawa sa may kusina at parehong ginagamot ang mga sukat na meron kami ngayon. Sabay pa kaming napabuntong hininga ng wala kaming paherong makuhang kasagutan. Habang nababalot kami ng katahimikan ay naalala ko ang mga nangyari kanina at kung paano ko nahalikan ang isang lalaking hindi ko man lang kilala. Grabe naalala ko pa rin ang lambot ng labi nito at ang gwapo din nito, siya ung tipo ng lalaking ang sarap yakapin at halikan magdamag. Napapangiti ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang tagpong naghalikan kaming dalawa ng hindi sinasadya. Kinabukasan ay maaga kaming umalis ng bahay dahil maglalaba kami sa kabilang barangay kahapon pa dapat dun ang kaso ay walang tao doon. Kaya naisipan naming balikan na lang ngayon, papalabas na kami sa kanto ng masalubong naming sila Mimi,Ton-ton at Joy napapauwi na rin siguro. “Ate Camille, Ate Karen” Tawag sa aminn nila Joy apat na taon wala na ring pamilya Lolo at Lola na lang ang kasama nito sa buhay. “Ate Camille, salamat po pala sa pagtulong samin kahapon kung hindi po akyo dumating siguradong hindi naming maiuuwi ung masarap na pagkatin.” Sambit sakin ni Ton-ton pitang gulang wala na itong Ina pero may Ama ito kaya lang may sakit sab aga, kaya hindi pwdeng maghanap-buhay. “Wala yon, basta lagi kayong mag-ingat ha, saka kung pwde huwag na kayo tumambay dun sa restaurant na yun hindi naman masarap dun. Pangako kapag ako yumaman ibibili ko kayo ng Jollibee ung until chicken.” Masayang pahayag ko sa mga ito. Natuwa naman ang mga ito at nagpaalam na saming dalawa ni Karen. Napatingin naman sakin si Karen at makikita sa mukha nito ang pagtataka. “Naku wala lang yun tinulungan ko lang sila sa mga guard na ibigay ung pagkain na binigay sa kanila ng customer kahapon. Saka kilala mo naman yang mga batang yan hirap din yan sa pagkain kaya alam mo sa sabik sa masasarap na pagkain.” Paliwanag ko dito. Napabuntong hininga lang ito at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Halos dalawang linggo ang lumipas at sa mga araw na nagdaan ay palaging maraming pera si Tito kaya naman hindi kami nakakatikim ng pananakit nito. Hanggang isang gabi ay nalaman naming binenta pala kami ni Tito sa isang club para gawing G.R.O at isasama daw kami sa biding para sa mga gagawing asawa ng mga mayayaman. Sa sobrang takot namin sa club mabilis pa sa alas-kuwatro na nag-ayos kami ng mga gamit naming, wala na kaming sinayang na sandali at umalis kami sa lugar na yon ng puno ng takot sa dib-dib kung san kami pupunta dahil gabi na rin non. Naging palaboy kami sa isang palengke nagbabaka sakali kaming meron kumuha sa amin kahit na tindera ko silbidora sa isang kainan don. Hanggang sa nakilala naming si Nana Mila isang mayordoma sa mansion ng mga De Lana. Hindi na ako nakatutol pa dahil nakapagdesisyon na ri si Karen, sumama kami kay Nana Mila at nakarating kami sobrang laki at ganda ng mansion. Nakakalulu ang lawak nito maging sa labas ay para itong malaking hacienda na sa mayaman mo lang talaga makikita. Naging maayos naman ang pagtira naming sa loob ng ilang linggong panantili naming sa mansion, napapansin ko rin ang pagtingin ni Sir Zandro sa pinsan kong si Karen. Hindi man ako sigurado sa nakikita ko pero may kutob na rin akong meron itong paghanga o masasabi kong pagmamahal. Nung una nakakatakot ito dahil lagi s’yang nakasuot ng maskara, pero sabi naman ni Nana Mila ay may problema lang daw ito sa sikat ng araw kaya madalas itong nakamaskara. “Karen, sigurado kabang gusto mo pang magtagal dito?” tanong ko sa kanya habang nag-aayos kami sa pagtulog. “Oo, naman bakit? Maayos naman ang trabaho natin dito saka isa pa libre pa tayo sa lahat. May problema ka ba kung mananaliti tayo dito Camille?”Sagot naman nito sakin. “Wala naman, ang totoo nga nyan masaya ako dahil dito tayo napunta kaya lang iniisip ko parin ang pangarap mong makapagtapos. Kapag tumagal lang tayo dito siguradong hind imo matutupad ang pangarap mong maging isang guro. Sa ating dalawa ikaw lang itong matalino kaya ayoko sa nang masayang ang mga pangarap na kaya mo namang tuparin. Pahayag ko dito sa malungkot na boses. “Kung aalis man ako dito sisiguraduhin kong magkasama pa rin tayo, ayukong magkalayo tayo. Saka ano man ang marating ko sa buhay sigurado naman akong kasama pa rin kita habang inaabot ko ang lahat ng yon.” Masaya naman nitong turang sakin. “Ganito na lang baka pwde nating sabihin kay Nana Mila na babalik tayo sa school, sakin kahit hanggang high school lang ayos nay un sakin. Tapos ikaw mag-aral hanggang makapagtapos ka tapos saka mo abutin ang pangarap mo.” Masayang sambit ko dito, napatango naman ito sakin at masaya kaming napangiti sa isat’isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD