FIGHTING

1135 Words
Chapter Four -Camille- "Teka nga pla Camille sigurado kabang wala na tayong nakalimutan kasi malayo pa naman ang bayan, mahirap kung babalik pa tayo." Tanong sakin ni Karen. "Oo, nacheck ko rin naman ang lahat ay ok naman. Kaya sure na wala na akong nakalimutan, tara uwi na tayo kasi gutom na ako eh. Nagkape lang tayo ng umalis kanina. Andito kasi kami sa bayan para mamili ng mga isda at karne. Maaga kaming pinaalis ni Nana Mila para daw sariwang isda at karne pa ang mabili namin. Papasok na kami sa gate ng makita ko ang bulto ng isang lalaking kilalang kilala ko. Sinamaan ko ito ng tingin pero ngumisi lang ang manyak. Akala yata nito nakalimutan ko na ang ginawa nitong manghahalik sakin kagabi, pwes mamaga sakin ang nguso niya kapag inulit pa nya ang bagay na yon. "Karen mauna na ako sa loob." Sabi ko dito at mabilis na kinuha ang isang basket ng karne. Nang makaalis na ako dun ay nagukat pa ako ng may biglang humili sakin sa gilid at kinuha ang dala kong basket. "I will bring it." Salita nitong at kumindat pa sakin. "Ikaw magdala kung gusto mo, bahala ka yan buwist talaga ang lalaking yon." Sambit ko na lang at nagtungo na lang muna sa kuwarto dahil masakit ang paa ko dahil sa haba ng nilakad namin kanina. Ilang minuto pa ako sa loob ng may biglang pumasok ng wala man lang katok na ginawa. Napabangon pa ako dahil sa gulat. "Anong ginagawa mo dito ha, bawal ka dito." Pasigaw kong salita dito. "Why didn't you follow, I looked like a fool when I said that you were not behind earlier." Inis nitong salita sakin. "Di ba sabi mo ikaw na magdadala so binagbigyan lang kita. Saka may sinabi kabang sundan kita ha, hindi ikaw ang Amo ko kaya bakit kita susundin aber?" Mataray ko namang sagot dito at bumababa ng kama para sa lumabas pero mabilis lang ako nito nayakap sa bewang at pilit na ininilapit sa kanya. Pero hindi na ako papayag na muli akong mahahawakan nito. Mabilis kong inapakan ang paa nito, at sinuntok ulit ito at mabilis ako nagtatakbo sa labas para makahingi ng tulong. Hinihingal akong nakita nila Nana Mila at Karen ng makarating ako sa kusina. Nagtataka ang dalawa na tumingin sakin, kaya naman magsasalita na sana ako ng biglang dumating si manyak at hinila ako paalis sa harap ng mga ito. Narinig ko ang pagtawag ni Karen pero nakita ko ang pagpigil ni Nana Mila dito. Makikita sa Matanda na masaya pa siya sa nangyayari ngayon kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Nagpupumiglas ako pero malakas ito at basta na lang ako pinilit na pinasok sa loib ng kotse nito at mabilis na pinaandar. Tinignan ko ito ng masama at nakakaramdam na ako ng takot dito. "Sino ka bang talaga at ginagawa mo to ha? Mahirap lang ako, katulong lang ako dito kaya wala makukuha sakin pera." Naiiyak ko ng salita dito. "Stop, let's just talk. Then I have no intention of taking money from you, because I am rich." Mayabang pang turan nito sakin. "So, dahil mayaman ka pwde mo ng gawin ang lahat ha? Dapat ba kapag mayaman nanghahalik at basta ka na lang manghihila ng babae at dadalhin mo kung saan ha?" Pikon ko nang sambit dito. Napapakamot naman ito sa kanyang batok at nakikita ko paggalaw ng panga nito dahil sa inis na ring nararamdaman nito. Eh, anong pakialam ko sa galit nito. Bahala siya sa buhay niya siya ang may kasalanan nito. Huminto kami sa harap ng isang malaking bahay napatingin ako dito dahil sa ganda at lawak din nito. Pero nang bumukas ang pinto sa tapat ko hindi ko lang ito pinansin at bumababa na ako. "Oh, anong pag-uusapan natin.? Mataray ko pa rin salita dito. "Let's go inside first." Seryosong sambit nito at nauna nang maglakad. Wala akong balak na sumunod dito kaya naman nagmasid muna ako sa paligid kung paano ako makakatakas. "I have no plans to do anything to you yet, I'll bring you back to the mansion later after we talk inside." Dag-dag pa nito napabuntong hininga naman ako dahil sa pakiramdam ko ay wala na rin ako magagawa. Sumunod ako dito at mapapansin ang katahimikan ng bahay, hanggang sa marating na namin ang loob at naluluwa ang mata ko dahil ganda at laki tapos sobrang linis pa ng sahid. Siguradong maraming katulong dito dahil sa laki ba naman nito hindi kaya ng dalawang tao, kung ganito ang lilinisin ah. "What kind of food do you want, I will prepare for you." Tanong nito sa akin sa mababang boses. "Wala." Tipid kong sagot dito. Pero tumingin lang ito sakin at naupo na lang sa kabilang bangko. Nasa sala kami at nakatingin lang ito sakin. "Ano bang sasabihin mo, para naman makauwi na ako marami pa kaming dapat gawin sa mansion." Inis ko pa rin turan dito. "I want you to take care of my house." Seryoso nitong sambit na kinatingin ko rin dito. "Ano? Ang laki ng mansion dapat ako lang ang maid dito. Ayoko saka may trabaho na ako, malaki magpasahod si Senyorito at saka mabait pa. Hindi ka kagaya mong manyak." Sagot ko dito sa inis na boses. "Double or triple the salary you want is fine with me, as long as you work here, is that clear?" Mayabang na naman nitong sagot sakin. "Kahit isamg million pa ang sahod isang buwan, hindi pa rin ako papayag. Hoy mister na manyak kung sino ka man wala akong pakialam sa pera mo. Mas lalo wala akong interes sayo, kaya mabuti pauwiin mo na lang ako dahil wala kang mapapala sakin." Mataray kong sagit dito at saka naglakad papalabas na sana pinto, pero ayaw nito magbukas. "Buksan mo ang pinto, kung ayaw mong wasakin ko to." Matapang kong salita dito. "Just destroy it if you can." Mayabang din sagot nito sakin. Napangisi pa ang gago at naglakad papunta ng kusina ata. Hinahamon mo akong talaga ha, sige tignan natin kung sino ang unang susuko. Kumuha ko ng malaking base sa gilid at ipinukol ko yun sa may bintana at dahil sa lakas ng pagbukol ko ay malaki din ang pagbasag non. Nagulat naman ko na maraming kalaalkihan ang pumasok at tinutukan ako ng baril. Parang bigla nawala ang kaluluwa ko sa katawan ko ng makita ko ang mga ito. "What happened?" Mabilis na tanong ni manyak sa kanyang mga tauhan, nakita nito ang basag na bintana at tumingin sakin ngayon na lalong nanggigigil dahil sa ginawa ko. Tinaasan ko lang ito ng kikay, bago ako nagsalitang muli. "Pakawalan mo ako dito kung ayaw mong ubusin ko lahat ng base mo dito." Lakas loob kong sabi dito, pero ang totoo ay nangangatog na rin ang tuhod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD