Chapter Ten
-Khen-
Halos ibalibag ko na ang lahat nang gamit namahawak ko dito sa loob ng library ko. Magpa hanggang ngayon kasi hindi ko pa nakikita si Camille at kung bakit umalis ng ganon-ganon lang.
Hindi man lang ako nito hinayaan na makapagpaliwanag kung bakit ko iyon nagawa sa kanya ng gabing yon.
Labis ang galit ko ng magising ako ng wala na sa tabi ko si Camille, alam kong may kasalanan ako dito pero hindi ko iyon sinasadya dahil may naglagay sa inumim ko ng s*x drug habang nasa isang bar ako ay umiinom kasi ang ibang mga tauhan ko.
Meron kasi kaming sinusundan na tao pero hindi ko alam na ang iniinom ko ay may halo ng drug. At nang makaramdam ako ng iba sa katawan ko ay mabilis akong umuwi sa condo para maligo sana, pero nakita ko ito na nakahiga sa kama ko at natutulog.
Nilapit ko ito at hindi ko mapigilan ang aking sarali na hindi ito angkinin ng oras na yon. Naging mapusok ang mga halik ko dito ay walang pag-iingat na ginamit ko ang katawan nito.
Alam kong virgin pa ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko matikman agad ito, dala na rin ng drug sa katawan kaya ko nagawa ang bagay na yon sa babaeng pinakamamahal ko.
Sa ngayon ay halos ilang taon ko na rin ito hinahanap pero sadyang ayaw nito magpakita sakin, pero hindi ako tumigil na hanapin ito dahil alam kong magkikita kaming dalawa at gagawin ko ang lahat para muli itong bumalik sa piling ko.
Lahat ng connection ko ay ginamit ko na para lang mahanap ito pero bigo akong makita ito. Halos maubos na ang oras ko sa kakahanap lang dito, pati ang ilang business ko ay napapabayaan ko na.
Kaya lagi na lang muna ako sa offive para sana ayusin kung ano man ang problema dito. Pero sadyang wala akong magawa sa kakaisip ko kay Camille at kung nasaan na ito ngayon.
Galit na galit akong lumabas ng office ko ng makita kong paparating si Lolo Jacinto kasama sila Uncle Jax at Uncle Jamil. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa tuwing pupunta dito si Lolo sa office ko.
“Grandpa” Mahina kong tawag dito.
“In your office now” Mautoridad na utos nito sakin. Napatingin naman ako kila Uncle pero blangko ang tingin ng mga ito sakin at naglakad kasunod ni Granpa.
Si Lolo Jacinto ang naupo sa swivel chair ko habang sila uncle at naupo na rin malapit lang sakin.
“Now explain why and what is the reason why your three businesses are losing money?” Seryoso tanong nito sakin.
“Sorry granpa, I will try to rebuild the businesses I have.” Kinakabahan kong sagot nito habang nakayuko at hindi ako makatingin dito.
“Raise yourself first before you raise your business.” Sagot naman ni Uncle Jax.
“Then the girl won't come back to you if you're poor. You might be surprised that what you are looking for is richer than you.” Salita naman sakin ni Uncle Jamil.
Nagtataka man ay binaliwala ko na lang muna ang sinsabi nila Uncle sakin, dahil nakikita ko ang galit sakin ni Lolo Jacinto ko.
Ito ang isang bagay na iniiwasan naming magpipinsan ang makitang nagagalit si Lolo. Nakita kong nagpipigil na ito nang galit kaya naman mas lalo lang ako nahiya sa aking sarili.
“I will give you one month to fix all your lost businesses or you will lose everything you have. I don't have a grandson to lose, remember that.” Nakatitig nitong pahayag sakin.
Tumango na lang ako dito at hindi na pa sumagot. Dahil ayaw nito nang nangangatwiran sa kanya, kaya marami kaming mga Apo nito ang umiiwas sa kanya maliban lang sa mga babae kong pinsan na madalas ay pinagbibigyan nito.
“Yes, Granpa, I will do everything to rise again.” Sagot ko na lang dito.
“You should just fix your life. If you want to see your girl?” Salita ulit ni Uncle Jax.
“So you should be prepared because your opponent will be strong? Nakangisi namang sambit ni Uncle Jamil. Mas lalo akong naguluhan dahil dun tinignan ko ang mga ito ng may pagtataka pero parehong ngumisi lang din ang mga ito.
Pagkatapos ng pag-uusap na yon at umalis din sila Lolo at mga Uncle ko. Naiwan na naman akong nag-iisa at hindi pa rin ako makapag-isip ng tama.
Pinatawag ko ang lahat ng staff ko para mag karoon ng emergency meeting. Nagpokus ako sa gagawing strategy ng mga ito para maiayos ulit ang mga sales ng ibang company na bumababa dahil na rin sa kakulangan ko.
Napapahilot ako sa aking sintido dahil sa hindi pumapasok sa utak ko kung ano ang mga pinagsasabi ng mga ito. Pero nanatili pa rin ako dun para makinig kahit ayaw ng utak ko.
Nakabalik na ako sa office ko at tinitignan ang mga ibang proposal para iba ko pang business. Nang pumasok si Tina ang secretary ko
"Sir, I'm sorry, I was just asking if you need anything else. Because I'm going home if you don't have anything else to order Sir?" Magalang nitong sambit sakin.
"You can go home now." Walang ganang sagot ko dito. Hindi ko na ito pinansin at nagpokus na lang ako sa ginagawa ko.
Hanggang sa naramdaman kong may pumasok pero hindi na ako nagabala pang tignan ito dahil baka isa lang ito sa mga tauhan ko.
Pero nagulat ko ng magsalita ito sa harapan ko.
"Masyado mong pinapagod ang sarili mo magpahinga ka naman mhal ko." Nakangiti nitong sambit sakin. Para naman ako natulos sa aking kinauupuan ng makita ko muli ang babaeng laman ng aking isipan ng mahabang panahon.
"Camille" Mahina kong sambit dito. Mabilis akong tumayo at niyakap ko ito ng mahigpit habang patuloy lang sa pagluha dahil sa sayang nararamdaman ko na bumalik na ito sakin.
"Are you happy to see me today?" Malambinh nitong salita sakin, pero tumango lang ako dito at niyakap ko lang ito ng sobrang higpit ayaw kong mawala muling mawala ito sa mga bisig ko.
"Huwag mo sa nang pabayaan ang sarili mo mahal ko, promise mo na aayusin mo ang sarili mo at gusto ko sa pagkikita na ting dlawa ay ok na ang lahat sayo." Malungkot nitong sambit sakin.
Napahiwalay naman ako dito at nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot. At dahan-dahan na itong nawawala sa paningin ko. Bigla naman nagwala ang puso ko at nakakaramdam na naman ako ng takot sa aking dib-dib.
Lumayo ito sakin at unti-unti na itong nawawala hanggang napaluhod na lang ako at napahagulgol dahil sa muli naman itong nawala sa piling ko.
Hanggang isang tapik sa balikat ang gumising sakin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling umiyak dahil sa sakit na meron ako ngayon. Hindi ko pinansin ang taong nasa tabi at patuloy lamg ako sa pag-iyak.
Alam kong nakakabakla at nakakahiya kung makikita ako ng iba. Pero wala na akong pakiaalam sa kanila dahil hindi nila alam ang sakit at hirap ng pinagdadaanan ko.
"Big boss, rest first and your body is too tired from thinking and searching for Madam Camille." Malungkot na sambit sakin ni Mike.
"Lord Zandro has also deployed personnel in various countries to speed up the search for Madam." Sambit naman ni Jack.
Wala akong naging kibo sa dalawa dahil, hindi alam ang sasabihin ko. Ganito pala kahirap ang iwan ng taong mahal na mahal mo. Oras na makita at makasama ko ito hindi ko na hahayaan na mawala pa ito sakin.
Sana lang bigyan pa ako ng pagkakataon na makahingi ako ng tawad at ipapangako kong hindi na ito muling masasaktan.