Chapter Thirteen
-Camille-
Maaga akong gumigising dahil gusto kong ako mismo ang nag-aayos ng pagkain ng mga anak ko halos isang taon na rin ako dito sa Maynila at nagtatrabaho sa restaurant ni Albert.
Naging maayos naman ang pamamalagi ko sa trabaho at wala akong naging problema maging sa mga kasamahan ko ay kasundo ko silang lahat kaya lalo ko pang pinagbutihan sa trabaho.
Nagpapasalamat ako kay Albert dahil sa pagtitiwala nito sakin na gawin ako nitong isa sa mga cook. Nung una ay hindi ko tinanggap dahil alam kong hindi naman ako ganon kagaling. Pero pinaturuan ako nito sa isang chief ng kanyang restaurant, at dahil gusto ko ang pagluluto ay pinagbutihan ko ang lahat para matuto ako.
Nakaupo ako ngayon dito sa kusina at nagkakape ng maisip ko si Khen at kung kamusta na ito ngayon.
Napapailing na lang talaga ako ngayon dahil sa mga nangyari sa aming dalawa. Pero nagkakaroon ako ng pangamba dahil nasa malapit lang ako at madali niya akong makikita. Nasa ganoon akong pag-iisip ng makita ko si Albert na tumatawag sa aking phone.
“Hello good morning! Sir Albert?” Pagsagot ko sa tawag nito.
“I'm here outside your apartment, maybe I can come in.” Sagot naman nito sakin, muntik ko naman mailuwa ung kapeng iniinom ko dahil sa aking narinig.
Nagmamadali ko naman ito pinagbuksan ng pinto at nagulat pa ako sa dami nitong dalang mga laruan at iba’t-ibang pangangailangan ng mga anak ko. Napatulala naman ako dahil sa marami talaga ang dala nito ngayon, nangtataka ko itong tinignan pero nagtungo lang ito sa kuwarto ng kambal at ngayon pala ay gising na at naglalaro sa kanilang crib.
“Good morning twins.” Masigla nitong sambit sa kambal at sabay na kinuha ang dalawa at dinala sa kitchen at pinaupo sa kani-kanilang baby chair na siya din mismo ang bumili para sa mga ito.
Sinundan ko ang ginagawa nito at masasabi kong masuwerte ang mapapangasawa nito dahil sa mapagmahal ito sa mga bata.
“Sorry Camille, I forgot to tell you that Nanny Sabel won't be able to come because she had an emergency last night and had to go home to the province.” Seryosong sambit nito sakin habang sinusubuan si Kendal.
“Ah, kaya ka ba nagpunta dito sana itinawag mo na lang para hindi na rin kita maabala pa.” Nahihiyang sagot ko dito at inayos ang pagkain para kay kenjie.
Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa ng tumunog ang cellphone nito. Lumayo ito para sagutin ang tawag, napabuntong hininga naman ako dahil sa nahihiyang nararamdaman ko. Nagpunta pa ito para lang sabihin na hindi makakarating si Yaya Sabel.
Medjo matagal ito bumalik kaya naman inasikaso ko nalang muna ang kambal dahil siguradong isasama ko ito sa trabaho ngayon dahil sa walang magbabantay sa dalawa. Naisama ko na rin naman ang mga ito dati, at office ni Albert nag stay ang kambal nakakahiya man pero wala akong magagawa dahil kaylangan kong magtrabaho para sa kanila.
Pero laking gulat ko ng sabihin nito na huwag daw muna ako pumasok ngayon dahil may meeting siya at walang titingin sa kambal sa office nito. Gusto ko pa sa nang magprutesta pero nakita ko mata nito ang pagkaseryoso, kaya tumango nalang ako dito para sa pagsang-ayon.
Malaki ang utang na loob ko kay Albert kaya naman sumusunod na lang ako dito sa nais nito. Napapangiti ako sa isiping makakasama ko ang mga anak ko ngayong araw. Madalas kasi ay wala akong naging day off dahil sa palaging maraming tao sa restaurant nito.
Siya na rin daw ang bahala sa lahat. Kaya napabuntong hininga na lamang ako at muling inasikaso ang mga anak ko. Buong araw akong naglinis ng bahay habang naglalaro ang dalawa sa crib nila. Mababait ang kambal at kahit kaylan ay hindi nila ako pinahirapan sa pag-aalaga.
Malulusog din ang mga ito at kahit papaano ay hindi pa ito nagkakasakit ng malubha na labis kong pinagpapasalamat. Halos dalawang taon na rin ang mga ito at makikita na rin dito ang malaking pagkakahawig kay Khen.
Totoo nga ang kasabihan na malakas ang dugo ng mga De Lana. Dahil sa pagiging xerox copy iyo ng kanilang Ama. Napaupo ako sa sopa dito sa sala at muli kong pinagmamasdan ang mga Anak kong naglalaro pa rin.
Pero minsan ay labis akong napapisip kung anong buhay namin ngayon kung alam ng kanilang Ama ang tungkol sa kanila. Pinaliguan at pinatulog ko ang mga ito ng tanghalian, at dala ng pagod at nakatulog din ako sa tabi ng aking mga anak.
Naalingpungatan ako ng may maamoy ang masarap na niluluto sa kusina. Kinapa ko ang dalawang bata pero napabalikwas ako ng wala sila sa tabi ko. Mabilis ang pagkilos ko ng lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.
Pero laking gulat ko ng mabungaran ko si Khen na naglukuto habang nilalaro ang kambal sa baby chair ng mga ito. Natulos ako sa aking kinatatyuan ng tumingin ito sakin ng nakangiti pero makikita sa mata nito ang galit dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, gusto kong hilingin na sana ay lumubog na lang ako sa lupa para hindi ko makita ang galit nito ngayon sakin. Wala na akong kawala ngayon dahil naririto na ito ngayon sa aking harapan at malalim ang pagkakatingin nito sakin.
Muli itong bumalik sa kambal at na ngayon ay masayang nakikipaglaro sa kanilang ama. Nang matapos itong magluto ay inayos nito ang kambal para pakainin at bumalik ito ng tingin sakin at inilahad ang kamay nito sakin, para palapitin ako sa kanya.
"Come and we will eat, help me feed our children and we will talk later." Malamig nitong sambit sakin, mas lalo naman ako kinabahan dahil don.
Nanginginig akong lumapit dito at halos ayaw humakbang ng mga paa ko. Pero wala pa rin akong nagawa bagsak balikat akong lumapit sa kambal at pinakain ko si kenjie, si Khen kasi ang nagpapakain may Kendal.
Pinagmamasdan ko ang mag-ama habang kumain at hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman ngayon. Gusto kong magsalita pero walang gustong kumawala sa bibig ko. Tanging takot at kaba ng dib-dib ang nararamdaman ko.
Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito at paggising ko ay normal lang ang ulit sakin. Aminin ko man ay natatakot akong kauspin ito o makarinig ng pagsusumbat nito dahil sa pagtatago ko sa anak namin.
Nang matapos kami ay normal lang din ang naging pagkilos nito. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapit nito sakin. Sa ngayon kasi tulog na ang kambal at nasa loob ng kuwarto.
Muli akonh nabalot ng kaba dahil sa nararamdaman ko habang nakatingin lang sa mata nitong alam kong maraming matanungan.
"Why?" Isang tanong po binalot ako ng sobrang takot at kaba ang puso ko. Ito pa lang ang simula pero wala agad ako masagot, nawala ang tapang na inipon ko sa mahabang panahon. Naisip kong ito na siguro ang araw para harapin ko ang lahat ng takot sa dib-dib ko.
Naisip ko ang kambal at ang kinabukasan nito. Alam kong darating din ang araw na magkakaharap ang mag-ama, pero hindi ko akalain na ganito kabilis ang lahat at ganito ang piling ng nang isang taong magpapaliwanag.