Nagpaalam s'ya saglit kay Manang Nena na may bibilhin. Wala kasi s'yang damit maisusuot para sa party kanina, kailangan n'yang magpabongga para mapansin ni Lance, ramda n'ya unti-unti na s'yang napapansin ni Lance, dahil sa ganda n'yang ito namasukan s'yang kasambahay. Pinayagan naman s'ya ni Manang Nena at sinabing bilisan n'ya, baka kasi umuwi na daw si Sir Lance at madatnan na kulang ang kasambahay. Nangako nama s'yang agad babalik, at nagpaturo kung paano mag tungo sa Mall. May konting pera pa naman s'ya 'yung hiniram n'ya sa kaibigang si Geraldine, at kung maubusan na tatawagan na lang n'ya ang Kuya Dylan n'ya para makahingi s'ya ng pera. Hindi naman ganoon kalayo ang Mall mula sa asyenda. Nag tricycle lamang s'ya at narating n'ya ang mall. Kaya mabilis s'yang pumasok sa mga boutiq