Umuwi s'ya sa bahay para magpalit lang ng damit at babalik s'ya sa mansyon para mag trabaho. Wala na si yaya Flor ng makarating s'ya ng bahay nasa gulayan na ito marahil para magtrabaho. Pagpasok sa loob agad na s'yang naghanap ng pampapalit sa suot na dress. Magpapalit na sana s'ya ng damit ng may marinig na pumasok sa loob ng bahay, hininto n'ya ang paghuhubad at hinawi ang kurtinang tumatakip sa silid. Kumunot ang noo n'ya ng may makitang lalake sa may kusina, agad n'ya itong nakilala ang pamangkin ni yaya Flor, binubuksan nito ang mga kaldero sa kusina marahil naghahanap ng makakain. Kailangan n'yang makaalis agad sa bahay, sa itsura ng lalake mukha itong manyakis at walang magandang gagawin. Bumuntong hininga s'ya at bitbit ang damit na pamalit lumabas s'ya ng silid. Tutuloy na s