Pagpasok sa library napahugot s'ya ng malalim na paghinga at nahilamukos ang mga kamay sa mukha. Hindi n'ya maintindihan kung bakit tila nababagabag s'ya ng bago nilang kasambahay na si Julia. Oo maganda ang babae, may magandang katawan at hindi ito mukhang kasambahay lang, masyadong maganda ito para maging kasambahay lang. May maganda itong mukha, magandang hubog ng katawan na paniguradong mapapalingon ka pag nakasalubong mo, isama pa ang makinis na kutis nito. Sinong magsasabi ang babaing 'yon ay namamasukan sa kanyang kasambahay. Even Claire pinagdudahan s'ya ng sabihing isang kasambahay lang ang nakita nitong babae sa loob ng silid n'ya. Napansin nga din n'ya ang insecurities kay Claire. Hindi naman na s'ya nag explain pa kay Claire, dahil alam ni Claire ang rules n'ya. Nalipat ang