bc

THEIR EMPRESS

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
adventure
billionaire
revenge
alpha
dark
forbidden
love-triangle
contract marriage
BE
one-night stand
reincarnation/transmigration
family
HE
escape while being pregnant
time-travel
teacherxstudent
love after marriage
system
age gap
fated
forced
opposites attract
second chance
friends to lovers
pregnant
arranged marriage
shifter
curse
playboy
arrogant
badboy
kickass heroine
powerful
sporty
neighbor
stepfather
mafia
single mother
gangster
heir/heiress
blue collar
drama
tragedy
sweet
bxb
bisexual
transgender
lighthearted
serious
kicking
mystery
scary
bold
loser
lucky dog
single daddy
werewolves
vampire
detective
game player
campus
city
highschool
medieval
mythology
office/work place
pack
small town
apocalypse
magical world
high-tech world
another world
ABO
cheating
childhood crush
disappearance
enimies to lovers
lies
rejected
secrets
sentinel and guide
soul-swap
superpower
rebirth/reborn
dystopian
harem
kingdom building
poor to rich
war
musclebear
virgin
ancient
love at the first sight
affair
friends with benefits
polygamy
surrender
addiction
assistant
actor
prostitute
wild
substitute
Pharaohs
like
intro-logo
Blurb

Tanggap na ni Orchidia ang kahihinatnan niya balang-araw ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan niya ang sarili sa gitna ng pagmamahal ng pitong mapagnasang mga lalaki—bawat isa'y handang isakripisyo ang lahat upang makuha ang kanyang puso. Ngunit sa halip na magpatali sa isa, siya’y pumili ng kakaibang landas. Sa mundong humuhusga sa kanyang mga desisyon, natutunan niyang mahalin ang bawat isa sa kanila sa kanilang sariling paraan. Isang kuwento ng damdamin, kasakiman, at pagnanasa—kung saan ang tunay na pagmamahal ay hindi palaging sumusunod sa mga hangganan ng tradisyon at pamantayan.#polyamorous#polygamy#MorsAndMore

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Disclaimer Ang nobelang ito ay isang likhang-isip na akda at hindi tumutukoy sa anumang tunay na tao, lugar, o pangyayari. Ang mga kaganapan, karakter, at sitwasyon ay produkto ng imahinasyon ng may-akda at nilikha para sa layuning aliwin ang mga mambabasa. Hindi ito sumusuporta o nagsusulong ng anumang iligal na gawain o hindi kanais-nais na pag-uugali. Trigger Warning Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga sumusunod na sensitibong tema na maaaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa: •Polyamorous relationship (relasyon na kinasasangkutan ng higit sa dalawang tao) •Mature content at s****l scenes •Karahasan at mga eksenang may pagpatay •Tema ng pagpapakamatay •Foul language at hindi angkop na pananalita •Mga eksena ng paggamit ng droga •Graphic violence at brutal na eksena ng pananakit o pagpatay Ipinapayo ang pag-iingat para sa mga mambabasa na may sensitivity o trigger sa mga nasabing tema. Kung ikaw ay may pinagdaraanan o may kahinaan sa mga nabanggit, mas mabuting lumapit sa isang propesyonal o huwag nang ipagpatuloy ang pagbabasa. **•••** PROLOGUE Nakikisabay sa tingkad ni haring-araw ang ingay ng kantina ng paaralang MOREMORS HIGH SCHOOL. Ang mga tiling umaaging-ing sa tenga mula sa mga bibig ng mga estudyanteng halos mangisay na sa kilig kapag mapadaan o mapasulyap sa kanilang mga hinahangaan. Iyong kahit hindi nila nakikita ay napapahiyaw sila at kapag napansin ng isa sa kanila ay maglulupasay na. “Seven Mors! They're all handsome!” “Super! I want to uwi them to our mansion.” “When are they going here? So tagal nina Kon, I want to see them pa naman. Nakakawalang gana kapag wala sila rito—Oh mmyy gooshh! Si Ios my loves!” “Akala ko ba doon tayo sa Mors Cousins bes? Sabagay crush ko rin si Ios and Nika. Weird ng name nila but I love it. Kinikilig ako bes ko!” “It's cute not wierd. Duhh?” “Oo nga 'no. Hihihi! Aahh! I'm so in looovee!” “Don't me kinindatan ako ni Troye bebe kahapon!” “Heh! Napuwing lang iyon 'no! Walang Mors na papatol sa'yo!” Ilan lamang ang mga iyan sa mga palaging bukambibig ng nakararami. Ngunit, ano nga ba ang mapapala nila kung ang pinakahahangaan nila ay may nakatakda ng kapareha? Isa nga bang kabaliwan ang maniwala sa tadhana, sa pag-ibig o sa isiping higit sa pagnanasa ang nararamdaman ng isang tao para sa isa? Imposible bang tumibok ang mga puso para sa iisang irog? Paano kung ikaw pala—nag-iisang ikaw ang nakasilyo sa puso ng higit pa sa dalawang lalaki, handa ka ba o kaya mo bang tanggapin silang lahat at ang mga lihim sa likod ng kanilang pagkatao? Jenni, Kon, Aiko, Mizo, Ander, Troye, Luzon. Pitong mga binatang kabilang sa nagtataglay ng mga asul na mga mata, mga pinaulanan ng: kagwapuhan, tikas, talino, yaman pati na rin pag-ibig na kinakukublihan ng isang sumpa. “Bar tayo mamaya?” biglang suhestiyon ni Luzon na ipinatong ang braso sa silyang inuupuan ni Kon at nakisilip-silip sa pinagkakaabalahan ng huli, may hawak itong tablet at nagtitingin ito ng larawan ng mga babaeng malalaki ang mga nilalaman. “Ayoko sumama masama pakiramdam ko. Nag-iinit ang katawan ko,” matamlay na ani Aiko na ang mukha ay nakadukdok sa desk sa harap ng mga monitor. Nasa pribadong silid sila ng SOC na talagang inilaan para maging tambayan nila. “Kaya nga magpapalamig tayo! Ngayon ka pa ba naman aayaw, ngayong tigang na tigang na ako bro?!” frustrated na bulyaw ni Luzon, hindi naman natinag si Aiko. “Chill ka lang Luzon kahit hindi ka si kuya Chill,” natatawang si Mizo dahil sa hitsura nito. “Paano ba naman kung kailan mo trip ay aayaw. Arte, grabe.” Natawa ang mga nasa silid maliban kay Aiko at sa nakapikit na si Jenni sa tila'y batang hindi mabili ang gusto. “Hindi ka ba makatiis at gusto mo nang umuwi? Pupunta rin naman tayo ron di mo na kelangang mag-aya.” Kahit matamlay ang pagkakasabi niyon ni Aiko ay mararamdaman mo ang pagngisi nito na ang tinutukoy ay ang kanilang inuuwian. “Yeah. Palagi nga tayo sa Bar. Apir—” maang na napakurap-kurap si Ander nang hindi nakipaghi-5 si Aiko rito dahil bago iyon. “Anong trip iyan Aiko? Nagmamalaanghel ka na ba?” kunwaring kunot-noong tanong ni Troye na may nang-aasar na kinang sa mata. “Shut up.” Napangisi ang mga ito dahil mukhang wala ngang gana ang isa. “Yaan niyo na at nag-eemo,” kunwaring seryosong suway ni Kon. “Asshole. Hindi ako nag-eemo sadyang wala lang akong gana.” “Bakit? Masama ba iyong pukiramdam?” biglang tanong ni Kon na bahagyang umangat ang gilid ng labi. “Tss,” si Aiko at iniangat ang mukha mula sa pagkakadukdok sa desk. Matamlay na nilingon niya ang nakadilat nang si Jenni at nakatitig sa kaniya na animo'y pinag-aaralan ang mukha. “Hitsura mo? Tumitira ka ba?” walang halong pagbibiro at walang ganang untag ni Jenni kay Aiko dahil napansin niya na namumutla ito at namumula ang mata. Natawa ang mga nakarinig. “What kind of question is that? Natural, tumitira iyan. Mapaharap man o mapatalikod.” si Kon. “Gago. That's not what I mean,” walang gana pa ring asik niya ngunit mababakas ang pag-aalala para rito. “You're not feeling well...I guess.” Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay naglapitan ang mga ito upang suriin at salatin ito. Umiiwas lamang ito kapag lalapat ang mga palad nila sa balat nito. Agad naman napapalatak si Luzon sa kaartehang ipinakikita nito. “Paano ba naman? Hindi pa iyan nakapaglalabas ng init ng katawan kaya nanghihina.” Nanunulis na ang nguso ni Luzon at umiirap-irap sa hangin kunwaring hindi nag-aalala. “You have a fever brother. You should go home and take a rest or you want us to bring you to the hospital,” si Mizo na umakbay kay Luzon na agad namang iwinaksi ng huli. “Maarte ka rin 'no? Haha aarte ninyo,” tatawa-tawang komento niya kaya nakatanggap siya ng matalim na tingin mula sa mga ito. “I'm fine. No need to see a doctor. No need to go home too.” “You sure? Baka mapaano ka dyan. Magsabi ka pag mamamatay ka na ah.” si Troye. “Gusto ko pang magkaanak bro kaya wag kang mamamatay intayin mong magkaroon tayo ng mga apo sa tuhod bago ka magba-bye!” si Ander na umiwas sa akmang pag-akbay ni Mizo. “f**k you!” “We love you too brotha!” malakas na ganti nila kay Aiko at nagtawanan. Matapos ang tawanan ay nagtatalo na ang mga ito kung ano ang nararapat para sa nilalagnat. “Dapat Robust kasi!” si Luzon. “Baka kelangan niya lang ng s*x alam niyo na...” si Kon. “Sampong bilaong pancit, pampahaba ng buhay!” si Ander. “Kumukulong mantika bro baka sakaling mawala lagnat mo!” si Jenni. “I suggest you 16 glasses of cold water!” si Mizo. “Idiots! He should drink cobra! O-Oh ba...kit? Mga bobo! I'm referring to the energy drink!” Sabay-sabay na napa-ah ang mga ito nang makuha ang tinutukoy ni Troye. Matamlay na itinuon na lang ni Aiko ang tingin sa monitor. Mas sumasakit ang ulo niya sa mga walang kwentang suhestiyon ng mga ito. Nag-ooverreact ang mga ito. Takot lang nila na mawala ang isa sa kanila. Naiiling na pinasadahan niya ng mata ang mga monitor kahit wala namang interesante roon. Pinagmasdan niya ang nagkalat na estudyante, mga guro, staffs at kung sino-sino kesa intindihin ang anim. Sa isang iglap ay maang na napatitig siya sa sunod na nakita. Saglit na huminto ang kaniyang paghinga na agad pinalitan ng malakas na pagkalabog ng dibdib. Namilog ang kaniyang bibig nang may kakaiba at bagong pakiramdam na dulot iyon. Awtomatikong bumaba ang kaniyang tingin sa pagitan ng kaniyang mga hita. Tila nakaset na clock ang paglingon ng anim sa gawi niya at gayon na lang ang pagkagulantang ng mga ito sa iba't ibang pakiramdam habang inaaninaw ang bulto ng isang babae sa monitor. Sabay-sabay pang bumaba ang kanilang tingin sa sari-sariling sandata na ngayon ay buhay na buhay at parang handang manaksak. Nagkatinginan sila, iisa lang ang nasa isip. Animo'y mga robot na nagsituwid silang lahat ng tayo at magkakasunod na lumabas ng silid. That girl, it's her and theirs. Sa kanila lamang!

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook