Chapter 6
-Miguel-
Umaayon ang lahat sa plano ko ngayon araw, mabuti na lang at close kami ni Whanalyn at ito ang nagiging tulay ko para mapalapit sa Ate nitong si Firstcy. Ang totoo ay matagal ko na itong gusto, matagal na akong nagpapapansin dito pero sadyang hindi ako nito nakikita. Kahit na anong gawin ko ay bulag ito pagdating sa lalaking tulad ko.
Well, kaya lang naman ako nagiging babaero dahil meron akong pangangailangan pero oras na maging asawa ko na si Firstcy ay ititigil ko na ang lahat lalo na ang babae. Ito lang naman ang gusto ko mula pa noong high school kami at maging college ay nakasunod na ako dito na parang aso, Nguni’t hindi nito nakikita kung sino ako noon.
Alam ko rin ang tungkol dito, maging ang paborito nitong brand ng damit, sapatos at sa alahas ay alam ko rin. Hindi ito maluhong katulad ng kanyang kapatid na sina Whanalyn at Yunah o ni Dos na kuya nito. Basta ang gusto lang nito ay magpakabusy sa pagnenegosyo at umiwas sa mga lalaki.
Sa tuwing nakikita ko itong mag isang kumakain sa mga restaurant na pinupuntahan nito, ay gusto ko itong samahan pero alam kong magagalit lang ito at siguradong aalisan lang ako. Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit ayaw nito sa lahat ng lalaki, tinanong ko naman si Whanalyn pero maging ito ay walang alam kung bakit ganoon ang kapatid.
Hanggang sa dumating ang araw na ito, nakasabay ko itong kumain at hindi lang isang beses kung di dalawa pa. Nagulat pa ito ng makita ako nito sa loob ng kanilang mansion ng umagang lumabas ito mula sa kanyang kuwarto. Natuwa pa ako ng makita ko itong napatulala at dahil don ay nagawa ko itong asarin pa lalo. Ito ang isang paraan ko para mapansin ako nito at kahit papaano ay gugulo ko sa isipan nito.
Pagkatapos nitong kumain ay umalis na rin pala ito ng hindi ko nalalaman, may sa palos din pala ang mahal ko at nagagawa nitong umalis ng hindi ko nalalaman. Nang araw na yon ay kinausap ako ng Daddy nito sa library, hindi na ako nakatutol pa dahil alam kong kaylangan ko rin itong harapin napaaga lang nga.
“I know you have feelings for my daughter Firstcy.?” Tanong nito sa kalmadong boses, hindi na rin ako magtataka kung paano nito nalaman dahil kilala ito ng lahat na maging kumilatis ng tao.
Isa itong magaling na agent sa kanyang henerasyon, magpa hanggang ngayon ay kinikilala sa mundo ng underworld ground.
“I really like your daughter. The truth is that I have loved her from afar for a long time.” Walang takot na mababakas sa boses ko ng sumagot ako dito. Tahimik lang ito at mukhang binabasa ang aking isipan.
“Then I will not be an obstacle to how you can soften my daughter's heart.” Sagot nito habang nagsasalin ng alak sa baso. Napatingin ako dito dahil mababakas dito ang pagiging totoo sa kanyang mga sinasabi.
“Thank you very much Mr. Patterson. I promise I won't hurt your daughter Firstcy and when it's time for her to be mine I won't hesitate to marry her as soon as possible.” Matatag kong sambit dito at pinakita ko dito ang pag-asang magiging sa akin ang anak nito at ako ang magwawagi sa puso nito. Pero nawala ang ngiti ko ng marinig kong tumawa ito ng malakas, inabot nito sa akin ang basong may lamang alak habang tumatawa pa rin.
“Do you know that in my whole life I rarely laugh like this? I can't believe you're also a joker Mr. De Asis.” Natatawa pa rin nitong sagot sa akin. Napataas pa ang kilay ko dahil sa sianbi nito.
“I'm sorry Mr. Patterson but I don't understand what you are saying? About what you said I'm a joker?” Nagtata kong tanong dito.
“I'm sorry, I just laughed that my daughter Firstcy is marrying you. Do you know how much of a hater you are? But I'll let you show her how much you like and love her like you say. But when my daughter doesn't really like you, I hope you respect her decision and I don't want to know that you will force her into something she can't give you. That way we won't be in trouble in the end.” Bumalik sa pagiging seryoso ito at ngayon ko lang nakita ang mga mata nitong matatalim na hind imo rin gugustuhin na makita.
Nang araw na yon ay nagsimula na akong gawin ang lahat para tuluyan ko ng maligawan si Firstcy, gusto ko talaga ito at papatunayan ko sa lahat na magagawa nitong mahalin din ako. Gumawa ako ng plano kung paano ko ito makukuha ng hindi ito pinipilit pa.
Hanggang sa tinulungan ako ni Whanalyn para mapalapit man lang sa Ate nito. Nang hapong yon ay nalaman kong kakain ito sa isang restaurant at nagulat pa ako at nakaramdam ng saya dahil ang restaurant na gusto nitong kainan ay ang pagmamay-ari ko. Kaya naman dito ko sinimulan ang lahat.
Nang araw na yon ay sinarado ko ang buong restaurant at kinausap ko ang lahat sa kung anong dapat gawin pag dating ni Firstcy sa loob ng restaurant. Mabuti na lang at hindi nito naisipang umalis dahil siguradong sira ang plano ko.
Seryoso akong kumakain at sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang palinga-linga nito sa kin. At napapatulala pa ito kung minsan, lihim naman akong natawa ng makita ko itong nakatingin sa labi ko ng punasan ko ng dila ko ang labi kong napuno ng sauce.
Nagtaka naman ako ng bigla itong umalis at nagtungo sa restroom sinundan ko ito at inabangan ko itong makalabas. Masama ang tingin nito sa akin ng lumabas ito ng restroom. Alam kong aalis na ito kaya naman ginawa ko ang lahat ng paraan para manatili muna ito kahit sandali pa.
“Wait, maybe we can talk for a while.?” Pigil ko dito nang tangka nitong kukunin ang naiwan nitong bag.
“And what should we talk about Mr. De Asis?” Mataray naman nitong sagot sa akin at namewang pa sa harapan ko. Wala naman akong maiisip na dapat pag-usapan kaya naman hindi agad ako nakasagot dito.
Pero nang taka naman itong aalis ay mabilis kong hinawakan ang kamay nito, pero naikot ito sa akin at mabilis ang pagkilos kong hinawakan ang maliit nitong bewang at saka nailapit sa akin.
Nang laki ang mata nito at dahil sa halos magkayakap na kami naririnig ko ang kabog ng dib-dib nito at maging sa akin ganoon rin. Nakita ko kung gaano kaganda ang mata nito lalo na ngayong malapitan, sobra ganda niya at ang ganda nito ay hindi nakakasawa kahit magdamag ko pa itong titigan.
Pero nabitaw ako dito at napailing ng bigla na lang ako nitong sinampal ng mabilis at bigla na lang ito umalis sa harapan ko ng hindi ko na rin namamalayan pa.
Napahimas pa ako sa panga ko dahil sa sumakit iyon at mukhang magkakapasa pa ito. Totoo pala ang usap-usapan na masakit manampal ang mga Patterson. Yan ang narinig ko kay Edison ng minsan na rin siyang nasapak ng asawa nito.
Pero sab inga nila hindi daw masarap ang pag-ibig kung walang sakit, kaya ayos lang na nasampal ako dahil alam kong magkikia kaming muli dahil sa nakita kong isang bagay na tiyak kong nahulog nito kanina lang. Napangiti pa ako habang hinihimas ang pangang masakit.