Jacob POV: Matapos kong malaman ang lahat ay pilit akong nagpapakatatag para sa babaeng mahal ko si Ruby. Narito ako ngayon sa labas ng kwarto niya sa hospital habang hinihintay ko ang mga magulang niya sa loob. Pati sila ay hindi makilala ni Ruby at masakit para sakin na makita siyang nagkakaganon. "Jacob ayaw mo bang puntahan si Ruby?" Tanong sakin ni Sofie. Magkasama lamang kami habang si Nikko at ang mga magulang ni Ruby ay nasa loob. Kagaya nga ng sinabi ni Tito Conrad ang Tito ni Nikko ay pinabayaan lamang namin na makasama niya si Nikko dahil dito lamang ito sumusunod. "Hindi na Sofie. Ayoko munang lalong maguluhan si Ruby alam kong nahihirapan na siya at ayoko ng dumagdag pa." "Hindi ka naman makakadagdag Jacob. Tutulungan mo lang siya para maalala ang lahat. Ikaw ang fiance