Ruby POV:
"Hon bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ko kay Jacob.
Kasalukuyan kaming nasa isang mamahaling restaurant. Makikipagkita kasi kami kila mama at papa dahil magbabakasyon ang mga ito sa pinas.
Ngunit umorder na ako dahil nadelay ng 1hr ang flight nila.
Tumingin sakin si Jacob at ngumiti. Ngunit alam kong pilit lang ito at may bumabagabag sa isipan niya.
"Hon tell me may problema ba sa kompanya?" Muling taong ko dahil hindi naman ito sumagot.
Pinisil niya ang kamay ko at hinalikan ito. Muli ay tumingin siya sakin at nagsalita.
"No. Okay lang ako trust me hon. Ayos lang ako kompanya ko wag kana mag alala."
Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na sina mama at papa.
Tulad ng dati ay nakipag kamayan si Jacob sa papa ko at hinalikan naman niya ang kamay ng mama ko. Galanteng tao talaga si Jacob at siya ang gumastos sa lahat ng pagkaing inorder ng mga magulang ko.
"So Jacob kamusta naman kayo ng anak ko?" Unang tanong ni papa. Unica hija kasi ako kaya naman ay talagang mahal na mahal ako ng mga magulang ko.
"We're planning to get married next year Tito Ed." Sabi ni Jacob.
Tumango naman ang papa ko. Ang mama ko naman ang nagtanong.
"Hindi ba pasaway si Ruby dito?" Tanong niya nagtawanan silang tatlo habang ako ay nakanguso lang.
"Mama pati ba naman yan? Mabait kaya ako dito." Sabi ko.
"Totoo Tita, mabait at maalaga si Ruby." Sabi ni Jacob.
Totoo namang inaalagaan kong mabuti si Jacob dahil mahal ko to at pagsisilbihan ko siya ng buong puso ko.
Natapos na ang dinner namin at umuwi din sila mama sa bahay namin. Ako naman ay kay Jacob padin tumira dahil pabor naman ang mga magulang ko.
Ng makauwe kami ay hinubad ni Jacob ang coat niya at tinanggal ang necktie tsaka upo sa malaking sofa ng sala niya. Halata ang pagod dito kaya naman ay ikinuha ko siya ng malamig na tubig at minasahe ko ang balikat niya.
"Okay ka lang ba hon? Napapansin ko palaging malalim ang iniisip mo." Sabi ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko habang minamasahe siya kaya napagil ako. Hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya.
"I'm okay hon. Pasensya kana kung ganito ako stressed lang to sa sobrang daming trabaho."
"Sabi ko naman kasi sayo na tutulungan kita mag manage ng kompanya mo eh. Kaya nga ako nag resign sa US para magkasama din tayo sa pagtatrabaho." Mahaba kong sabi sakanya.
Umiling lang ito at muling nagsalita.
"No hon ayoko ng pati ikaw mapagod. Mas maganda kung dito ka nalang at ikaw ang pagsisilbihan ko."
Piningot ko ang matangos na ilong nito.
"Napaka guwapo mo talaga. Alam ko madami nagkakagusto sayo diyan pero sorry nalang sila at sakin kana." Sabi ko.
Natulala siya sa sinabi ko. Hindi ko mawari kung bat tumingin ito ng malayo at malalim nanaman ang iniisip.
Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nito at initapat ko sa direksyon ko.
"Uy ayan ka nanaman ang lalim ng iniisip mo nagaalala nako."
Tumawa nalang siya bigla at siniil ako ng isang malalim at masarap na halik.
Pagkatapos ay nagsalita siya.
"Pagod lang ako hon. Tara na sa taas please paligayahin mo ako."
Niyakap ko siya at tumingin sakanya.
"Gusto mo ba?" Sabi ko at binuksan ang mga botones ng suot kong damit.
Tumingin ito sa malulusog kong dibdib at napakagat labi.
Tumango tango ito at parang batang nagmamakaawa.
"Habulin mo muna ako!" Sabi ko sabay takbo paakyat ng kwarto.
Agad naman akong hinabol nito at para kaming mga batang nag hahabulan sa taas.
Nagtititili ako dahil sa maaabutan na niya ako at mabilis siyang tumakbo.
Hinawakan niya ang bewang ko ng mahuli ako at binuhat papasok ng kwarto niya.
Pinagsaluhan namin ni Jacob ang mainit na gabing iyon. At naulit ng naulit ng naulit pa ito hanggang sa parehas na kaming kunin ng antok.
Kinabukasan....
Wala na si Jacob sa tabi ko. Alam kong pumasok na ito sa kompanya niya.
Nagpasya akong dalawin siya sa trabaho at sabay kaming maglalunch para naman mawala kahit papano ang problema niya.
Gusto ko siyang surpresahin ng mga oras na yun kaya naman dali dali akong naligo at nagpatuyo ng buhok. Nag ayos nadin ako ng sarili ko dahil gusto kong maging maganda sa paningin niya.
Bumaba na ako at nakita ko si Marie na naglilinis ng bahay. Napatulala ito sakin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman ito pinansin dahil nagmamadali na ako at mag aalas dose na ng tanghali.
Agad kong inistart ang kotse ko at pinaandar ko na ito.
Nakarating na ako ng kompanya ni Jacob at nakita ko si Jane ang secretary niya.
"Hi Jane" bati ko dito. Para siyang nakakita ng multo at gulat na gulat ito. Pinigilan pa akong makapasok sa opisina ni Jacob ngunit huli na siya dahil nabuksan ko na ang pinto at tuluyan nakapasok sa loob.
Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa nasaksihan ko.
"Ahhhh f**k Jacob please f**k me harder." Paulit ulit na ungol ng babae habang nagses*x sila ni Jacob.
"Mga hayop kayo!" Sigaw ko at tuluyan ng nagsipagbagsakan ang mga luha ko.
Nataranta si Jacob at itinulak ang babaeng kasiping niya at nagzipper agad ng pantalon.
"Hon let me expla-" hindi ko siya pinatapos at sinampal ko siya ng mag asawang sampal. Tumingin ako sa babae at tinandaan ko ang mukha nito. Mukhang ito ay hindi makapaniwala at natulala lang sakin.
Naguguluhan ang babae na magpalipat lipat ng tingin samin ni Jacob.
Agad akong niyakap ni Jacob.
"Ruby please mag usap tayo. Patawarin ako. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka."
"Hayop ka! Napakababoy niyo! Wag mo akong mayakap yakap baka mapatay pa kita!"
Tinanggal ko ang pagkakayakap nito ngunit lumuhod ito at nagmakaawa sakin habang nakayakap sa mga binti ko.
"f**k you! Umalis ka sa dadaanan ko! Wala ka ng dapat pang ipaliwanag dahil kitang kita ko Jacob! Kitang kita ko ang kahayupan at kababuyan mo!"
Inalis ko ang pagkakayakap nito at patakbo akong lumabas ng opisina niya. Wala na akong pakialam kung magtinginan ang mga empleyado niya samin dahil umiiyak ako habang patuloy na hinahabol ni Jacob.
Lumabas na ako ng kumpanya at tatawid na ako ng kalsada ng biglang.......
Biglang mandilim nalang ang paningin ko at tanging sigaw nalang ni Jacob ang naririnig ko.
Pilit kong binubuksan ang mga mata ko at nakita kong duguan ang ulo ko at bugbog ang katawan ko.
"Ruby!!!!!" Sigaw ni Jacob habang papalapit sakin ng bawian na ako ng malay.