EPISODE 1
ALESSANDRA
Napansin ko ang pagbabago ni Philippe magmula nang dumating sa isang out of town meeting sa isang investor. Hindi ko naman tinanong sa asawa ko kung babae o lalaki ang naging kasama niya roon.
Kailan lang natapos ang kaarawan ko, sinorpresa ako ng asawa at mga anak ko ng isang simpleng umagahan. Hidi ko akalaing gagawin nila sa akin iyon. Iyon na yata ang pinakamasayang kaarawan ko sa tanang buhay ko.
Ganoon ba talaga kapag sobrang saya ay may kapalit na kalungkutan?
Dahil sa panlalamig ni Philippe sa akin ay nagkaroon ako ng agam-agam. Sinubukan kong iwaksi ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko ngunit mas malakas ang pwersa ng negatibong kaisipan kaysa sa positibo. Sino'ng hindi makakapansin sa mga kilos niya? Ibang-iba na siya ngayon.
Napatingin ako sa salaming nasa harapan ko. Malaki ang ipinagbago ng katawan ko magmula nang manganak ako. Nadagdagan ang timbang ko nang hindi ko namamalayan. Naging busy ako sa pag-aalaga sa mga anak ko at kay Philippe, na pati ang sarili ko ay nakalimutan ko na. Wala naman kasi sa akin noon na kahit tumaba ako ay ayos lang. Pinanghawakan ko kasi ang sinabi sa akin ni Philippe na kahit tumaba ako ay mahal niya pa rin ako. Sexy pa rin daw ang tingin niya sa akin.
Napasulyap ako sa buhok ko na lagi kong tinatali. Hindi ko na nga magawang magpunta sa parlor para magpagupit. Nagbuntonghininga ako. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Napalingon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Philippe.
“Hon!” Bati ko. Napatingin lang sa akin si Philippe na ipinagtaka ko. Gayon pa man binalewala ko ang naging reaksyon niya. Lumapit ako sa kaniya at saka hinagkan ang pisngi. Sa ginawa kong iyon ay wala siyang naging reaksyon. Sinundan ko na lang ng tingin nang dumiretso siya papuntang banyo. Nagtataka man ay pinagkibit balikat ko na lang ang naging reaction niya.
Dumiretso lang ito papuntang bathroom. Takang napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Dati hinahagkan niya ang pisngi ko o di kaya naman ay maglalambing siya. Pero ngayon ay iba. Hindi ko mawari kung ano'ng problema niya sa akin. Lumapit ako sa pinto ng bathroom.
“Hon, ipaghahain na kita, ha?” sabi ko. Hindi siya sumagot. Lumabas na lang ako ng silid. Nang maisara ko ang pinto ay agad akong umalis ngunit hindi pa ako nakalalayo nang makita ko ang anak kong si Leandro na nakatayo sa tapat ng pintuan ng silid niya. Seryoso ang tingin sa akin na pinagtaka ko. May problema ba ang anak ko?
“Nasaan ang kakambal mo?” Tanong ko sa kaniya. Lumapit ako sa kanya at binigyan ng halik sa pisngi. Binata na ang anak ko. They are now 16 years old. Kailan lang ay baby pa sila.
“He was in his room.” Walang ganang wika ng anak ko.
I smiled. “Maghahain na ako nang makakain ninyo dahil mukhang gutom ka na,” sabi ko sa aking anak. Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako ng isang tanong.
“Why Mom?”
Nangunot ang noo ko. “What do you mean why?”
Nagtataka ako sa kinikilos ng anak ko. Kagaya ni Philippe nag-iba ang anak ko. Naging aloof na siya sa amin lalo na sa Daddy niya. I don't know why? Hindi kaya dahil binata na sila kaya hindi na sila kagaya ng dati na malambing at palaging nasa tabi namin?
“Bakit nagtitiis pa kayong makisama kay Daddy. He's just hurting you, he’s not worth to be with you.” Naging matapang ang mukha ni Leandro. I gulped. May alam na kaya siya sa panlalamig ng ama?
“Anak, mahal ko ang Daddy niyo. Alam kong busy lang sa trabaho kaya wala na siyang. . .” Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto ng silid, iniluwa niyon si Philippe, nakabihis na siya ng pantulog. Napatingin si Philippe sa anak namin. Nagttitgan ang dalawa. May alam na ba ang anak ko sa nangyayari sa amin ng kanilang ama? Kaya ganito ang trato niya sa kanya?
“Sumabay ka na sa amin anak.” Pag-anyaya ko sa anak ko.
“I don't want to eat.” He said then turned away from us. Napatingin ako sa anak kong pumasok sa silid nito. Ano'ng nangyayari sa amin?
“I will work in the library, pakidala na lang doon ang pagkain ko.” Utos ni Philippe sa akin.
Napapansin kong hindi na niya ako tinatawag na hon. Pinagsawalang bahala ko iyon, pero ngayon ay wala na talaga. Kung puwede nga lang pangalan ko ang banggitin niya ay iyon ang babanggitin niya.
“S-Sige.” Napasulyap ako sa silid ng anak ko. May problema kaya ang anak ko? Sa sobrang busy ko sa bahay ay hindi ko na sila nakakausap ng sarilinan.
Nang matapos kong maihanda ang pagkain ni Philippe ay dinala ko na sa library. Pagkapasok palang sa loob ay naririnig ko na ang boses ni Philippe at boses ng isang babae.
“Hon, ito na ang food mo,” sabi ko. Napalingon si Philippe.
“Ilapag mo na lang diyan,” sabi niya at saka hinarap muli ang kausap sa cellphone. Inilapag ko ang tray at isa-isa kong nilagay sa lamesa ang pagkain niya.
Dahil sa curiosity sa hitsura ng babae ay bahagya kong sinilip ang kausap ni Philippe sa cellphone. Kandahaba pa nga ang leeg ko upang makita ang mukha ng babae. Nagsisi ako dahil maganda ang babae at bata pa. Mukha lang ang makikita mo ngunit kita ang kagandahan ng babae at bata pa. Bigla akong nanliit sa sarili ko. Hindi na kasi ako balingkinitan at mas lalong hindi na ako maganda. Nagse-self pity na ako na hindi ko naman dapat maramdaman.
Tumalikod na ako nang magsimulang mangilid ang luha ko. Ayaw kong makaramdam ng ganito. Sa labing apat na taong pagsasama namin ay ngayon ko lang naramdaman ang panliliit sa sarili ko. Hangga't kaya kong kumapit para sa mga anak ko ay kakapit ako. Sila ang dapat paghugutan ko nang lakas. Kahit nasasaktan na ako nang sobra sa pakikitungo niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko.
Nagising ako na walang katabi sa kama. Napakunot noo ako. Napasulyap ako sa orasan naming nakasabit sa dingding. Alas dos ng madaling araw. Hindi pa natutulog ang lalaking ‘yon? Bumangon ako para tingnan siya sa library. Kinuha ko ang pamatong ko sa pantulog. Pinuntahan ko ang library ngunit wala siya roon. Nandoon pa ang pinagkainan niya na may kaunting tira. Kinuha ko na lang upang ibalik sa kusina.
Lumabas ako sa bahay upang i-check ang sasakyan ni Philippe. Umawang ang labi ko dahil wala roon ang sasakyan. Saan naman pupunta sa ganitong dis-oras ng gabi ang asawa ko? Malamang pinuntahan ang babae niya. Singit ng isip ko.
Ayokong mag-isip ng negatibo. Ayokong pag-isipan siya ng masama. Alam kong nagbago siya, pero naniniwala pa rin akong mahal niya ang pamilya niya. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil niloloko ko lang ang sarili ko. Nag-init ang sulok ng mata ko. Hindi ko maiwasang kabahan na baka nga meron na siyang iba. Tumulo ang luha ko at sa nanginginig na mga kamay ay napakapit ako sa hamba ng pintuan.