CHAPTER 1

1753 Words
Narinig ako sa lakas ng alingawngaw ng bombero. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko sa ako tuluyan bumangon. “Bakit ganito ang grades mo puro palakol! Balak mo bang magbungkal ng lupa kaya ganito ang mga grades mo! Nagpapakahirap kami ng Papa mo sa pagtatrabaho pagkatapos ganito lang ang isusukli mo sa amin!”malakas na sigaw ni Mama dahil pinapagalitan niya si Kuya Melvin. Hindi pala tunog ng bombero ang narinig kong ingay kung hindi ang bunganga ni Mama. Alas-siyete pa lang ng umaga pero bunganga niya nag maririnig ko sa buong bahay namin. Sinilip ko si Kuya Melvin. Nakayuko siya na parang maamong tupa na nagpapaawa kay Mama. “Online games pa,” sigaw ko para marinig ni Mama. Pinandilatan ako ng mata ni Kuya Melvin at sumenyas na susuntukin niya ako. Sa halip na matakot ako ay pang-asar akong ngumiti sa kanya. “Bleh!” “Ano? Naglalaro ka ng online games?” Umusok naman ang ilong ni Mama dahil sa sinabi ko. Kulang na lang ay tumaas ang blood pressure niya sa sobrang galit. “Huwag po kayong maniwala kay bunso. Hindi totoo ang sinabi niya. Tanong n'yo pa kay Kuya Marco nag-aaral akong mabuti.” Humarap sa akin si Mama. “Halika ka nga rito Sienna at may sasabihin ako sa iyo,” sabi ni Mommy. Patawa-tawa ako dahil siguradong magtatanong sa akin si Mama tungkol kay Kuya Melvin. “Marie Sienna, anong araw ngayon?” Nakataas pa ang kilay niyang tanong sa akin. Tumingin ako kay Kuya Melvin. Sinisenyasan naman niya ako sa mga sasabihin ko. “Monday po ngayon?” “Monday ngayon. Alam mo naman siguro na bukas ang exam para sa scholar ng Saint Paul International Academy? Ilang beses ko na sa iyong sinabi na mag-take ka ng exam sa kanila.” Napakamot ako sa ulo ko sabay simangot ko. “Ayokong mag-aral ng college sa school na iyon mas gusto kong mag-aral sa school for the girls para ganahan akong mag-aral.” “Mama, huwag kayong pumayag na mag-aral siya sa school for the girls dahil ang gusto niya lang ay makakita ng mga magagandang babae.” “Hindi ‘yan totoo,” kong sagot. Tama si Kuya Melvin. Gusto kong mag-aral sa school for the girls para marami akong makitang magaganda at sexy na estudyante mas nagkakagusto sa mga babae kaysa lalaki, pero siyempre hindi ko iyon aaminin kay Mama. Dinuro ako ni Mama. “Ikaw! Tigil-tigilan mo ang panliligaw sa mga babae. Hindi ko gustong maging tomboy ka.” “Mama, huwag kayong pumayag sa gusto ni Bunso dahil hindi ‘yan mag-aaral ng mabuti kung sa school for the girls ‘yan,” ani Kuya Rasco. Nabaling sa akin ang inis ni Mama. Sinadya iyon ni Kuya para hindi na siya pagalitan ni Mama. “Bukas kailangan mong mag-exam ng scholarship! at kapag hindi ka nakapasa. Ipadadala kita sa Singapore sa bahay ng Tita Sally mo para doon ka mag-aaral ng kolehiyo.” Ayaw na ayaw kong pumunta sa ibang bansa dahil bukod sa wala akong kilala doon. Magiging tagapag-alaga pa ako ng mga pinsan ko habang nag-aaral. “Bakit ang unfair naman kondisyon mo sa akin. Ano naman ang reward ko kung magkakapasa ako?” “Abah? Bakit kailangan mo ng reward? Tumigil-tigil ka Maria Sienna!” Nakita ko si Kuya Rasco na paalis kaya ibinalik ko ang topic sa kanya. “Si Kuya Rasco ang pagalitan n’yo. Hindi ‘yan pumapasok sa school kasi puro online games ‘yan, tambay ‘yan sa computer shop.” Napangiti ako nang binaling ni Mama ang tingin kay Kuya Rasco. Sumenyas naman si Kuya para takutin ako. “Ikaw Rasco! Akala mo ba makakalimutan ko ang kalokohan mo?” Nagsimula ng bungangaan si Kuya Rasco. Bago pa muling ibaling sa akin ang atensyon ni Mama ay nagmadali akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. Mahirap ng madamay ulit sa galit ni Mama sa akin. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kuwarto ng mga kuya ko upang kumuha ng damit. Hindi ko gusto ang damit na binibigay sa akin ni Mama, na damit pambabae kaya damit ng mga kuya ko ang kukunin ko. Mabuti na lang at wala sila. Binuksan ko ang cabinet nila at naghanap ako ng damit nila na mga bago pa. Marami silang damit na hindi na halos ginagamit kaya iyon ang kukunin ko. “Anong ginagawa mo diyan?” Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Mama. “Mama, lilinisin ko lang sana ang da— aray!Mama ang tenga ko!” Piningot ako ni Mama habang palabas kami ng silid ng mga Kuya ko paglabas namin ng pinto nakita kong nakaabang ang dalawa kong kuya na tawa nang tawa. “Kumukuha ka naman ng mga damit ng mga kuya mo? Bakit hindi mo suotin ang mga damit mo!” Halos umusok na ang ilong ni Mama sa galit sa akin. Sumimangot ako. “Mama, ang sikip naman kasi ng binibili n’yo sa akin halata ang dibdib ko.” Nameywang si Mama sa akin. “Abah! Yung iba nga nagpaparetoke para magkaroon ng malaking dibdib samantalang ikaw kinakahiya mo?” “Ma, hindi naman kasi babae kumilos si Bunso. Tomboy siya kaya ayaw niyang magsuot ng damit pambabae,” ani Kuya Melvin. Sumimangot ako. Ako naman ang napagtripan nila lagi na lang ako. “Hindi ka ba titigil ka kabaliwan mo na ‘yan gusto mo ipakasal kita kay Cardo.” Tumawa ng malakas ang dalawa kong kapatid. Ang tinutukoy kasi ni Mama na Cardo ay yung may-ari ng water station sa kabilang kanto namin. Matandang binata si Mang Cardo. “Ma, naman, para mo na rin sinabi sa akin na pangit ako.” Dinuro niya ako. “Kung hindi ka titigil sa kalokohan mo talagang ipapakasal kita doon.” “Oo, hindi na ako kukuha ng damit nila.” “Kumilos ka na at baka mahuli ka pa sa exam para sa scholar ng SPIA (Saint Paul International Academy).” Kamot ako sa ulo nang bumalik ako sa silid ko. “Nakakainis si Mama, gusto ko sanang kumuhang ng damit ni Kuya Rasco para isuot pagpunta sa school. Sigurado kasing marami akong makikitang magagandang babae.” Naligo ako at nagbihis ng damit pagkatapos ay pinuntahan ko si Mama para humingi ng pamasahe. “Galingan mong sumagot sa exam para magandang school ang pasukan mo.” “Paano kung hindi ako pumasa?” “Kailangan mong pumasa dahil kung hindi ay palalayasin kita.” “Ma, kapag pumasa ako magpapagupit ako ng katulad kay Kuya Rasco Army cut.” “Ano?!” halos magkasya na ang dalawang daliri ko sa laki ng butas ng ilong niya.” “Ma, para naman ganahan akong sumagot sa exam.” “Pagbigyan mo na ang bunso mo,” sabat ni Papa na kagagaling sa trabaho. Lumapit ako kay Papa at hinalikan sa pisngi. “Pumapayag kayo na magpagupit ako ng gupit lalaki” “Bakit hindi? Kung doon ka masaya.” “Ma, pumayag ka na, si Papa nga pumayag sa akin.” “Siya, sige, siguraduhin mo lang na makakapasa ka.” Ngumiti ako. “Ipapasa ko ang exam ‘wag kayong mag-alala. Aalis na po ako.” Tumalikod ako saka umalis ng bahay. Sumakay ako ng taxi papunta sa school ng SPIA pagdating ko roon ay nakita ko ang mga estudyante na nag-aabang sa labas ng gate. Lumapit ako sa security guard upang magtanong. “Excuse me, anong oras po ang exam para sa scholar?” “Nagsisimula na ang exam.” “Ho?” sabay tingin ko sa mga babae sa labas. “Yan, yung mga hindi pumasa kaya nasa labas. Mag-e-exam ka ba?” “Opo, late na po ba ako?”Ipinakita ko ang oras ng exam ko. Batay sa oras na binigay sa akin ay maaga pa ako ng isang oras.” “Second batch ka.”Binuksan niya ang malaking gate para makapasok ako sa loob. “Diretsuhin mo lang ang daan na ‘yan pagkatapos ay kumanan ka. Pagkatapos hanapin mo ang Section A.” Tumango ako saka umalis. Habang naglalakad ako ay may isang lalaki na tumatakbo. “Ashley, wait!” Huminto ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. Nang lumingon ako ay bumangga siya sa akin. Una ang puwet ko nang bumagsak ako sa lupa. “Aray ko!” “Ashley!” sigaw ng lalaki na bumangga sa akin. “Aba’t gago ‘yon.” inis kong sabi. Hindi na nga humingi ng sorry tinakbuhan pa ako. Bumangon ako at kinuha ko ang bag ko. “Hoy, Gago! Bumalik ka rito!” Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko siya. “Gago!” tawag ko sa kanya. Huminto siya at matalim na tumingin sa akin. “Wala akong panahon makipag-usap sa fans.” Kasing taas na yata ng building sa makati ang naging pagtaas ng kilay ko sa sinabi niya. “A-Anong sinabi mo?” “Bingi ka ba?” sabay talikod niya. “Sandali lang!” ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa, hinawakan ko ng braso niya. “Don’t touch me!” Sabay tulak niya sa akin. Bumagsak ako sa lupa. Nagdilim ang paningin ko kaya tumayo ako at tumakbo para harangin ang dadaanin niya. “Don’t block my way!” utos niya. “Eh, Gago ka pala, eh, ikaw na nga ang nakabangga ikaw pa ng galit.” Dumukot siya sa pitaka niya ng isang libo at pinirmahan niya iyon saka hinagis sa akin. “Bumili ka ng kausap mo.” “Siraulo ka pala.” Hinawakan ko ang kuwelyo niya saka sinuntok ko siya. “Gago ka! Akala mo kung sino ka!” Halos patayin naman niya ako ng tingin. “You don’t know me?” “Wala akong pakialam kung sino ka, kailangan mong humingi ng sorry sa akin.” Galit na galit siya nang lumapit sa akin. Nakita kong kuyom ang kamao niya at nanginginig ang panga. “Magpasalamat ka at may hinahabol ako, dahil kung hindi baka hindi ka na nakalabas ng buhay.” “Hindi ako natatakot sa iyo.” Nakipagititigan ako sa kanya. “Tandaan mo ang pangalan ko. Dylan Wyatt Santiago.” Pumihit siya patalikod saka umalis. “Bakit ko naman tatandaan ang pangalan mo? Ano ka Kpop member para tandaan!” sigaw ko pa. Kung hindi ako nag-aalala na baka mahuli ako sa exam, baka sinundan ko siya at nakipag-away sa kanya. Sanay na sanay akong makipag-away sa mga taong kupal. Akala siguro matatakot ako sa pagbabanta niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD