Chapter 2:Encounter the b***h

939 Words
Zhivzie Pov: "Anak!!" Napatigil ako sa pag akyat ng hagdan at lumingon kay mommy. "Bakit po?"Nakikita ko ang pag aalala sa mukha nito. " Hinay hinay lang ha!?.Wag mong pabayaan ang sarili mo!.Nandito parin kaming tunay na nagmamahal sayo."Wala sa sariling napahawak ako ng mahigpit sa aking braso.Ganito ako kapag kinakabahan at nasasaktan.Naghahanap ng makakapitan.Tumango lang ako rito. "Salamat po!" Iyun lang ang nasabi ko at agad pumunta sa kwarto.Napahilamos nalang ako sa mukha ng walang dahilan.I felt frustrated. Para bang hindi ko na kaya.Nang mapagtanto ko kong ano ang akong iniisip ay agad kung sinampal ang aking sarili. Napakagat labi nalang ako ng maramdaman ko kung gaano kasakit ang pagkasampal ko.Tumulo nalang ang aking luha.Lumapit sa aking study table na puno ng mga larawan namin ni khiel. Nanginginig na kamay na dinampot ko ito.Noon..napakasaya pa namin na para bang nasa isang fairytale ang aming relasyon.But reality hits me,fairytale doesn't exist.Nasaksihan ko kung paano sinira nalang ng isang bagay ang masaya naming pagsasama. Kung paano nalang ito basta bastang nasira na para bang isa lang itong pangkaraniwang bahay ng mga langgam and it hurts like hell.Hindi ko matangap.Napaupo nalang ako at niyakap ito ng mahigpit. "Kasalanan ko!!!I know.It's my fault.I'm sorry!!"Iyak lang ako ng iyak.Tatayo na sana ako ng bigla nalang sumakit ang puso ko.Muntikan ko ng nabitawan ang litratong hawak ko.Napabuga nalang ako ng hangin ng mawala din kaagad iyun.Inayus ko ang pagkakapatong nito sa lamesa at pabagsak na humiga sa kama. Tama na zhiv!.Kakasabi lang ng mommy mo.Wag mong pababayaan ang sarili mo.Pero kahit anong pigil ko.Kusa nalang lumabas ang luha na sa tingin ko ay wala ng katapusan.Hanggang sa naramdaman ko nalang na dinapuan na ako ng antok. --- Kasalukuyang nakaupo ako ngayun at nagsusulat ng notes na pinag-aralan namin kanina ng biglang tumayo si sy at pumunta sa harap ko.Ibinalik ko nalang ang tingin sa ginagawa ko. " Let's ditch!!"Nagtatakang tiningnan ko ito.Umiiling ako rito. "May quiz tayo mamaya kay Ma'am Querts." "Ano ngayun!?Tara na.Gusto ko lang pasayahin ang bf ko." Napahimas naman ako sa noo ng kumirot iyun. "Alam mo bang hindi mabuti ang inaalok mo sakin?" Inayus ko ang aking gamit at inilagay sa bag. "Pero sige,let's ditch!!" Ngumisi naman ito.Umiling iling nalang ako.Hindi din kasi pumapasok sa utak ko ang mga tinuturo ng mga guro namin mula kanina pang umaga.Ewan ko ba. Tinawag ni zy si thea at suminyas ito sakin.Ngumiti lang ito saka tumango.Mukhang alam na nito kung ano ang gagawin namin ni Suzy. Kailangan kasi naming magpaalam muna rito dahil sya ang class president namin.Which is pinayagan naman nya kami. "Let's go!" Hinila nito ako palabas at kumapit sa braso ko. "Anong oras kang natulog kagabi zhiv?" Mahinang tanong nito.Para bang nawalan ng enerheya. "Hindi ko alam."Tinampal nito ang braso ko. " Kumain ka malang ba!?"Tumango lang ako kahit hindi ko naman nagawa iyun kagabi. "Talaga ba!?Kumain ka ng marami zhivie dahil tingnan mo oh..Malapit ka ng maging buto't balat." Ito naman ang tinampal ko. Tumawa naman ito ng malakas.May krong krong talaga itong kaibigan ko.Pailing iling nalang ako habang nakangiti. "Kahit hindi mo sabihin alam kong iniyakan mo na naman ang fiancée mo.Kilala kita zhiv,hindi mo sakin maipagkakaila iyun."Lumingon ako rito saka ngumiti. " Hays!!Ang swerte swerte ko talaga dahil may kaibigan akong kagaya mo."Tumigil ito saka ngumuso habang nakatingin sakin. "Naman!!Ngayun mo lang ba napansin!?Mag kaibigan na tayo since fetus ka palang noh!!" Napatawa naman ako. "At paano mo naman masabi iyun!?". " Matalino itong kaibigan mo.I just know!"Napatigil kami sa pagtawa ng may huminto mismo sa harap namin.Automatikong tumaas ang kilay ni zy. Ngumisi si Yuki habang tiningnan ako nito pataas."Mukhang nagkakatuwaan kayo ah!" "Hindi ba halata.Pero dahil nakita namin ang bruha mong mukha,ayun biglang nagbago." Tumingin ito kay Suzy ng may ngisi parin sa mukha. "Really!?" Dumako naman sakin ang tingin nito."So I guess naka move on kana!?Tumatawa kana eh.Akala ko forever ka ng loser zhevie!"Mukhang papatulan na ito ni sy kaya agad ko itong pinigilan. "Tandaan mo ito yuki." Humakbang ako papunta rito.Ako naman ang napangisi ng umatras ito.Kinuyom ko ang aking kamay. "Walang forever.Isa pa wag kang pakampante na porket na sayo na si khiel hindi ko sya mababawi.Ako ang fiancee nya.Ang taong minahal nya.So wala ka pa sa kalingkingan ko."Tumawa ito ng nakakaloko. "Walang forever?Says by who?By you?Nanggaling sa bitter na kagaya mo?And anong sabi mo?Ang taong minahal nya?Wag magpakampante?Baka nakakalimutan mo zhevie girl.." Ito naman ang lumapit kaya napaatras din ako.Inilapit nito ang mukha sa gilid ko. "Ako ang pinaniwalaan nya habang ikaw itinaboy nya lang basta basta."Ngumisi ito. Napakagat labi nalang ako upang pigilan ang mga luha na malapit ng bumagsak.Tumayo ito ng maayos at maarteng isinuklay ang buhok. " Well wala na din naman akong business tungkol sayo....because I already finished it."She playfully smirk at naglakad papalayo. "Zhevie!!" Nakita ko naman ang mukha ni sy na maluha luha na din."Don't mind her okay!?"Napasinghap nalang ako ng hangin dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Naramdaman ko namang dahan dahan tinatanggal ni sy ang kamay kung mahigpit na nakakapit sa aking palda.Hindi ko malang napansin.Hinawakan ito ni sy at saka ngumiti sakin. "Ginawa ko ang lahat mapatawa ka lang tapos dumating lang ang demonyetang psycho nayun bumalik ka ulit sa dati.Ang sarap ipatapon sa bermuda triangle ang pisteng babaeng yun."Galit na galit na saad nito.Ngumiti ito ng malapad sakin na wari ay may pinaplano. " Let's get wasted!"Ngunit sa halip na umangal ay tumango lang ako rito. Love is a torture.Labis labis na sakit at labis labis na pagdurusa ang nararamdaman ko ngayun.Parang ilang libong pinupunit at sinasaksak ang puso ko sa sakit.Pero ang masasabi ko lang, I won't give up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD