Chapter 19: The Other Side of Sebby

1852 Words

Matapos maligo ay agad na hinanap ni Sebby si Miles at nang hindi ito makita ay agad na tinanong si Aling Belin. "Manang si Miles?" tanong rito. May pagtataka ang mata nito. "Kararating lang kanina. Nagpunta lang daw kasi magpapaalam na dahil may aasikasuhin siya tungkol sa magulang niya. Nakita mo pala siya?" maang nito. "Ah-eh, opo nasa balkonahe kasi ako ng matanaw ko siya kaya kako baka nandiyan siya," pagkakailang wika rito. "Ewan ko ba doon sa batang iyon? Bumalik lang tapos magpapaalam na rin," may lungkot sa tinig nito. "Ganoon po ba si Mama?" sunod na tanong. "Nasa harden po yata senyorito," anito. Agad na tinungo ang harden. Nakita ngang abala ang ina sa pagdidilig sa mga halaman nito. Mukhang na-miss niya ang mga ito. "Wala ka bang balak sabihin sa kaniya?" wika nito na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD