"Salamat," turan ni Sebby. Lubos ang kasiyahan dahil kahit papaano ay magagawa na rin niya ang bagay na hindi nagawa noon kay Dianne. Tama ang kaibigang si Craig, kailangan na niya itong harapin. "Wala iyon," wika ni Miles na tumabi na sa kaniya. "Sana ay maayos mo rin ang relasyon mo sa panganay mo. Alam mo, kahit ano pa ang hitsura niya hindi mo maipagkakailang anak mo siya," turan niya rito. Kapwa sila natahimik saka muling tumingin sa kaniya si Sebby. "Can I see her, I mean him," anito sabay kamot. "Sorry, babae ba o lalaki?" dagdag pa nito. Tumawa si Miles. "Lalaki," aniya. "His name is Milencio Sebastian David. My dads name then yours, sorry if it's not on your last name. Hindi ko kasi alam kung magkikita pa ba tayo o hindi," saad dito. Ngumiti si Sebby. "Salamat," tanging salita
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books