Pagbalik ni Miles sa Manila ay agad siyang nag-report. Ilang beses niya ring inisip ang gagawin. Magpa-file din siya ng indefinite leave. "Hoy babae! Magsabi ka nga, anong nangyari?" sita ni Alexa sa kaniya matapos lumabas sa opisina sa kanilang hepe. Napakunot-noo siya rito. "Ha?! Anong-anong nangyari? Negative nga ‘di ba?" giit niyang wika ngunit mukhang hindi ito naniniwala sa kaniyang sinabi. "Negative daw? Aminin mo? Nahulog ka na ba?" anito na may malisyosong tinig. "Hoy! Ikaw ang tumigil, Alexa baka mabatukan kita,” aniya sa seryosong tinig para alam nitong seryoso siya. "Halla siya. Oh siya! Bakit ka naman nag-file ng leave, aber?" Panghuhuli pa rin nito sa kaniya at sa tingin pa rin nito ang paghihinala sa tunay na motibo sa kaniyang pagpapasa ng indefinite leave. "I want