Rated-18
*******************†**************************
HINDI naman yata siguro mapagbiro ang tadhana dahil ako mismo ang gumagawa nito. Kahit alam kong mali pinipilit ko pa rin ang aking sarili.
"Hey." Nagising ako sa malambot na palad na humaplos sa aking pisngi. Mabilis kong inayos ang aking sarili. "We're here." Ngumiti ang gwapong mukha ni Douglas. Doon ko lang napansin na sobrng puti ng kanyang ngipin at pantay-pantay ang mga ito.
"You wanna kiss my lips?"
Mabilis akong natauhan at umupo ng tuwid. s**t! Inakit ako ni Douglas! Napatingin ako sa labas. Nandito na pala kami.
"Salamat ng marami." Ani ko nalang, nahihiya akong tingnan siya. Tama kaya iyong narinig ko? Kung ganoon hindi ko lang hahalikan ang labi niya! Kakagatin ko pa.
"Mali-late ka na." Aniya.
Mabilis kong tiningnan ang relo ko. Five minutes nalang.
"Puwede bang saiyo ko muna ibilin ang mga pinamili mo?" Natatakot ako kang Abel baka pagalitan niya ako.
"Sure, mukhang mahihirapan ka rin dahil may pasok ka pa."
"Salamat, by the way what time ang flight bukas?" Hindi ko pa iyon natanong sa kanya.
"9:30 in the morning. Doon nalang kita hihintayin sa airport bukas."
Napangiti ako, sobrang swerte ko kay Douglas na nakilala ko siya. Gwapo na, sobrang bait pa. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang paglapit ko sa kanya.
"Aalis na ako." Paalam ko.
"Sige, ingat."
Douglas' POV
HABANG hinahatid ng mga mata ko si Angel papalayo ay bigla akong nakaramdam ng pangamba.
Una, may gusto siya sa akin na ayaw kong mangyari. Pangalawa mahal ko si Bella na hindi ko kayang ipagpalit at pangatlo I feel a lustful desire kay Angel. Her shoulder kanina, para iyong isang puting rosas na ayaw tantanan ng mga mata ko. Hindi ko inakalang may ganoong katawan si Angel.
Napasinghap ako. Nawa'y hindi kami aabot sa isang bagay na pagsisihan ko bandang huli. All I know for now, I am sexually atrracted sa kanya. Hanggang kaya kong iwasan itong nararamdaman ko ay gagawin ko.
I drive back my car sa aking condo. Hindi parin ako mapakali, binabalot ng isipin ang aking utak at isa na doon si Angel.
Pagdating ko sa condo ay hindi ko na ibinaba ang mga pinimili namin. Dadalhin ko ang kotse hanggang sa airport at ihahabilin ko lang ito doon.
Agad na akong nag-impake. Kaunti lang ang dala ko. May mga damit naman ako sa mansyon kaya hindi na ako mahihirapan.
Pagkatapos kong magligpit ay napahiga ako sa kama. Hindi ko namalayang unti-unti nang nagsara ang talukap ng aking mga mata.
Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw. Hindi pa iyon mainit at mainam ito to deactivate the vitamin sa aking balat. Nakakatawa lang isipin na may vitamin sa araw but in fact tinutulungan lang ng araw to deactivate that vitamin sa skin.
Napatingin ako sa wall clock. Maaga pa naman pero kailangan ko nang maghanda baka nandoon na rin si Angel sa airport. Mabuti nalang ay nasigurado ko ang tickets namin.
Nang masiguro kong nahanda ko na ang lahat at lumabas na ako ng condo at ini-lock iyon.
Inilagay ko ang mga gamit sa trunk ng kotse at hindi kalaunan ay binabaybay ko na ang daan papuntang airport.
Medyo mabilis ang takbo ko kaya within 30 minutes ay narating ko na ang airport.
Nai-park ko na ang kotse at binayaran ang fee. Bumalik pa ako para kunin ang mga gamit. Napabuntong hininga ako na ang dami ko palang bitbit.
Unang kong isniuot ang backpack at ang dalawang supot na binili namin kahapon ay bitbit ng dalawa kong kamay.
Pagpasok ko sa airport ay agad kong napansin si Angel. Mas una pa itong nakarating kaysa sa akin. She's wearing a jacket and skinny jeans.
Napansin niya akong papalapit sa kanya kaya bigla itong tumayo at tumakbo palapit sa akin.
"Tutulungan na kita." Aniya at kinuha ang isang paper bag.
"Thanks." Ani ko.
Napapansin ko kang Angel na parang medyo seryoso na ito ngayon. Mukhang dahil iyon kahapon. Well, gino-good time ko lang naman siya dahil it seems sobrang attach na niya sa akin.
"Kumain ka ba ng breakfast mo?" Tanong niya.
Ngumiti ako, "no, I don't eat kapag nasa travel ako." Hindi naman ako nasusuka pero feeling ko ang bigat lang sa aking pakiramdam at I know for sure nagluto si Lola ng lunch and the cakes! Sana nag-bake sina Tita Rosette at Louisa.
"Nasusuka ka?"
"Nope, ikaw kumain ka ba?" Balik kong tanong.
"Hindi rin, natatakot akong magsuka."
Minsan nakakatuwa siya dahil sobrang napaka-inosente niya. Pero aware naman ako na hindi lang ganito si Angel. I know she has a huge version sa kanyang sarili na hindi niya pinapakita kapag kaharap niya ako.
Halos thirty minutes kaming naghintay at sa wakas ay nakasakay narin kami sa eroplano.
Napapansin ko kay Angel na kinakabahan siya. I know first time niya ito. I grab her hand at pinisil iyon. Gusto ko lang maramdaman niya na safe itong sasakyan namin.
Hanggang nasa himpapawid na kami. Natutuwa akong pagmasdan ang napaka-pressure niyang mukha. It's cute, first time kong makakita ng tao na sobrang takot sumakay ng airplane.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito at hindi sumagot. Ang ginagawa ko para mabawasan ang takot niya ay inakbayan ko siya at isinubsob sa aking dibdib.
"Salamat, Douglas." Aniya.
Napangiti ako nang banggitin niya ang pangalan ko na walang halong doc. Mas gusto ko iyon!
Angel's POV
PAGDATING namin sa airport ng Tagbilaran City ay lihim akong natuwa. Ngunit hindi rin maalis sa isipan ko ang kabahan dahil doon muna kami tutungo kina Douglas. Ang sa amin ay sa Dauis pa, town siya bago makarating sa Panglao kung saan may maraming beach.
Naitext ko na si Mama kagabi at excited din ang mga ito. Sa wakas ay mayayakap ko na rin sila. Kay tagal ko nang hindi nakita ang mga ito.
"Are you, okey?" Tanong ni Douglas sa akin.
"Oo, kinakabahan lang ako." Sagot ko. Kasalukuyan naming hinihintay ang sundo. Sabi niya ay may susundo raw sa amin. Sobrang yaman talaga!
"Saan ka kinabahan? Sa family ko o sa family mo?"
Napangiwi ako sa tanong niya, saan pa ba?
"Siyempre sa pamilya mo. Sobrang yaman ninyo kasi."
"Haha." Napatawa na naman siya, "mababait silang lahat. Trust me." Paniniguro niya sa akin. Naniniwala naman ako rito dahil ito mismo ay mabait. Siyempre sino pa ba ang mag-aalaga at manganagaral rito?
"Alam kong mabait sila dahil sobrang bait mo, pero nahihiya ako." Diko talaga mapigilang ma-pressure.
"Natural lang iyon pero kapag na-meet mo na sila para mo na rin silang ka-level."
"Ouch." Ani ko. Medyo tumama yon, ah! So mababa talaga ang uri ko.
"Its not what I mean, you know iyong palatawa at makulit minsan."
"Ahhh, kala ko iba ang ibig mong sabihin." Giit ko. Iyon naman pala. Pero naniniwala ako kay Douglas. Hindi naman ito sinungaling.
"Oh, Daddy is here."
May pumaradang sasakyan sa harapan namin. Hindi ko makita ang sa loob ngunit alam kong Daddy ni Douglas ang nasa loob. Dahil iyon ang sabi niya.
May bumabang isang lalaki. Napatitig ako dahil sobrang gwapo niyon. Kamukhang-kamukha ito ni Douglas pero may katandaan na.
"Dad!" Sambit ni Douglas at humalik ito sa pisngi ng Daddy niya.
Napangiti ako habang pinagmasdan ang mag-ama. Sobrang close nila, jusko! Hindi ako ganoon sa mga magulang ko. Hanggang mano lang ako!
Bahagyang napatingin ang Daddy ni Douglas sa akin at ngumiti ito.
"Ito na ba ang girlfriend mo?" Masiglang tanong ng Daddy niya.
Jusko! Nakakagulat naman ito. Nahiya ako kaya tipid lang akong ngumiti.
"Dad, she's Angel and Angel Daddy ko."
"Hello po, kaibigan ako ni Douglas." Pagtutuwid ko at nagkamay kami. Sobra akong kinabahan.
"Just call me Tito Andrew."
"Sige po, Tito." Ani ko.
Pagkatapos naming magkamay ay napatingin ito kay Douglas.
"Ang hina mo sa babae." Ani ng Daddy niya at napatawa ito. Nakita kong napakamot ng batok si Douglas.
"You know my reason." Wika ni Douglas.
"Whatever. Tayo na."
Pumasok na kami sa loob ng kotse. Si Douglas ay nasa harapan at ako ay nasa likod. Katabi ko ang mga gamit namin.
Hindi ko mapigilang mapaisip sa sinabi ni Douglas kanina. Ano ang reason niya? Na mahal pa niya si Bella? Hindi siya nakamove-on? Anong nangyari kay Bella? Gusto kong malaman pero wala akong puwedeng tanungan!
"After mong makapasa sa licensure exam mo, doon ka nalang sa ospital kung saan nandoon ang Mommy mo." Rinig kong wika ni Tito Andrew. Lihim akong nakinig sa usapan nila.
"Dad, I wanna go to US, just for experience." Sagot ni Douglas.
So aalis na pala siya? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Ay litse! Ba't niya sasabihin sa akin na hindi ko naman ito nobyo! Minsan napaka-assuming ko. Pero seryoso? Aalis na talaga siya?
"Ikaw ang bahala, talagang pinapanindigan mo ang sinabi mo noon kay Bella."
Lihim akong napatingin kay Tito Andrew. Ganoon ba kalapit ang Bella na iyon sa pamilya ni Douglas?
"I am." Sagot naman ni Douglas.
Sobrang swerte ni Bella. Gusto ko itong sumbatan o saksakin ng pana ni kupido kung bakit iniwan nito ang katulad ni Douglas. s**t! Hindi deserve ni Douglas ang masaktan!
"We are here." Biglang wika ni Tito Andrew.
Napatingin ako sa harapan. Bumukas ang gate na sobrang laki at taas. Napanganga lang ako, kaya kilalang-kilala ang mga ito dahil sa angking yaman.
Paglagpas namin sa gate ay napatulala ako sa sobrang ganda ng paligid. Mapuno, maberde at maraming bulaklak. May mga kabayo ring malayang nakakalakad. Sobrang ganda rito!
Sa hindi kalayuan ay may isang napaka-laking bahay. Ito yata ang sinasabing mansyon nina Douglas.
Ang old ng design at details ng mansyon pero napakabago nitong tingnan.
"Nagustuhan mo ba ang paligid, Angel?" Tanong sa akin ni Tito Andrew.
Ngumiti ako, "opo, sobrang ganda at napaka-peaceful." Totoo ang sinabi ko.
"I'm glad nagustuhan mo, tayo na."
Agad kaming bumaba nang mai-park na nang Daddy ni Douglas ang kotse nito.
Pagkalabas ko ay agad kong napansin ang mga kotse. Ang dami! Jusko, sobrang yaman ng mga ito!
"Mukhang nandito silang lahat." Sambit ni Douglas. Bigla akong kinabahan, s**t! Nakakahiya.
"Ipapakuha nalang natin ang mga gamit, Angel. Tara na." Ani ni Douglas at sumunod ako rito. Nauna nang humakbang ang Daddy nito kaya naiwan kaming dalawa.
"Kinakabahan ako." Ani ko.
"Sauna lang iyan. Kapag nakilala mo sila mawawala din ang kaba mo."
Tumango ako bilang tugon kay Douglas. Well sa nakikita ko sa Daddy nito ay napakabait at welcoming naman pati sina Homer at Veronica na na-meet ko kahapon.
Nang nasa harap na kami ng pinto ay agad akong kinabahan. s**t, para gusto ko nang tumakbo at huwag ng bumalik.
"They will bite you."
"Huh?" Takti naman itong si Douglas. Kinakabahan na nga ako!
"Tara na dahil gutom na ako." Binuksan nito ang pinto at nauna siyang pumasok. Nagmadali akong sumunod rito na tila natatakot. Pagkapasok ko ay wala akong nakitang tao. Pero natutop ko ang aking paningin sa sobrang ganda sa loob. Hindi ko ma-explain ngunit parang dinala ako sa sinaunang panahon. Hindi kalayuan sa amin ay may hagdanan papuntang ikalawang palapag. Sa kabila ay may pasilyo na iwan ko kung saan papunta dahil may wall na nakaharang.
"Tara na?" Ani ni Douglas.
Sa takot at hiya ko ay kumapit ako sa braso niya.
"Pahawak, ha." Ani ko.
"Sige lang." Marahan itong ngumiti. Ang gwapo niya talaga.
Nagsimula na kaming humakbang papunta sa pasilyo. At nang makita ko kung ano ang nakaharang sa wall ay doon ko napagtanto na patungo kami sa isang kumpol ng mga tao.
Humigpit ang kapit ko kay Douglas. s**t, hindi ako kinakabahan ng ganito sa tanang buhay ko!
"Relax."
"s**t, kinakabahan talaga ako, eh."
"Yeah, ramdam na ramdam ko nga." Ani nito. Hanggang sa palapit kami ng palapit sa kumpol ng mga tao.
"Oy! Tama nga ang sinabi ni Veronica!" Sigaw nong isang babae na nasa tingin ko ay nasa mids forty or fifty! But damn sobrang ganda niya!
"Nandiyan na si Angel?!" May sumigaw na lumabas sa isang room. Si Veronica! May sumunod na isang babae rito na sobrang ganda rin! s**t, anong mga lahi nila! Naka-apron pa ang dalawa.
"Oh my, kuya Douglas. Sana sinabay nalang namin si Angel kahapon."
"Kung pinasabay ko siya guguluhin niyo lang ang buhay niya." Rinig kong wika ni Douglas.
Kabado parin ako pero tama nga si Douglas sobrang bait nga nila.
"Hmm, introduce mo naman sa amin ang kasama mo, Kuya. Sobrang unfair kung sina Kuya Homer at Ate Veronica lang." Biglang wika nong isang binatilyo. But hell! Parang younger version ito ni Douglas.
Iginiya ko ang tingin ko sa mga nakaupo sa table. Malulula ako dahil lahat sila ay ang gagwapo at ang gaganda. Pati rin ang dalawang matanda na sa tingin ko'y ang abuela at abuelo ni Douglas. Kahit matanda na ang mga ito ay makikita mo parin kung gaano sila ka eleganti.
"Everyone, this Angel Faith. Just call her Angel. And Angel this is." Natigilan si Douglas. "Sobrang dami ninyo para ipakilala kay Angel." Nagbibirong wika ni Douglas.
Lovelots???