Chapter 1
6 years earlier...
ISANG malakas na sipa ang tumama sa sikmura ko na naging dahilan ng pagtumba ko sa sahig. Habol ang hiningang hinawakan ko yung parteng tinamaan. Ang sakit. Sobrang sakit.
Hindi pa man ako nakakabawi sa sakit ay marahas na dinakot ng isa sa kanila yung panga ko at sapilitang hinarap. Hindi ko masyadong maidilat yung mga mata ko, mahapdi yung buong mukha ko at kumikirot ang bawat bahagi ng katawan ko.
"That one is a filipino-aussie celebrity. He's kinda famous for his action films and television dramas, his name is also known around the globe for being a model of famous brands." Narinig kong saad nung isa.
Tumawa yung lalaking may hawak sa panga ko, "Action star, huh?" Umiling-iling sya bago ako pabatong binitawan kaya napahiga ako sa sahig, "Pathetic."
"Actually, superstar ang kadikit ng screen name ko." Pagsabat ko, kumunot naman yung noo nila, tila hinahagilap kung saang planeta yung lenggwaheng ginamit ko.
Napasigaw ako ng bigla nyang kalabitin yung gatilyo ng hawak nyang baril. Ramdam ko yung kirot at agos ng dugo na nagmumula sa kaliwang braso ko. Tinamaan ako. Siguradong magwawala yung manager at P. A. ko sa pag-aalala kapag lumabas toh sa global news.
"He's fuckin talkative." Eh sa totoo naman ang sinabi ko!? Hindi ako basta action star, lahat ng genre ginaganapan ko, lahat ng klase ng roles nakukuha ko---bida, kontrabida, second lead maski ang pagiging extra nakukuha ko! Kaya nga ako kilala bilang 'Eren the Superstar'.
Pinagpag nya yung damit nya tsaka tumayo, "Leave this boy here, this face and body cost billions of dollars." Sabay kasa ulit sa baril na hawak nya.
Ano? Billions? A-anong billions!? Lumunok ako para kalmahin yung sarili ko. Ibebenta ba nila ako!? Anong akala nila saken, for sale!?
"Mga panget... Tokwang panget..." Bulong ko pero alam kong hindi nila maiintindihan yon kahit na marinig nila. Napanguso ako.
Pinukol ko nalang sila ng isang masamang tingin habang naglalakad sila paalis. Bahagya akong nakahinga ng maluwag matapos nilang mawala sa paningin ko.
Sa tingin ko ay hindi lang sila basta mga hostage takers, kanina ko pa din kasi naririnig na nagbabanggit sila ng presyo kada tao. Mga nasa bente ang bilang nila. Walang nakakaalam kung paano sila nakapasok sa Hugo, isa itong sikat na hotel dito sa Las Vegas kung saan pinagdadausan ng party ang International Film Awards Night. This place is full of actors and actresses from all over the world, there are also some models from famous brands who attended the party. Walang nakaka-alam kung paano sila nakapasok sa dito sa loob sa kabila ng mahigpit na security.
I got the award of having the most handsome face for tonight kaya nang magsilabasan bigla ang mga armadong lalaki ay ako agad ang napagdiskitahan nila. Hinila nila ako patungo sa isa sa mga kwarto at doon pinagtulungan. Hindi ko alam pero mukhang masama yung loob ng leader nila sa mga gwapong gaya ko dahil hindi lang naman ako ginanito nila, ang dami naming mga lalake na pinagtulungan. May ibang pumalag, may ibang nagpahila nalang at may ibang gaya ko na gustong pumalag pero hindi naman kaya.
Pinilit kong maupo pero hindi ko kaya. Nananakit yung buong katawan ko dala ng pagtanggap ng di mabilang na sipa at suntok mula sa kanila at pati na din yung tama ng baril sa balikat ko. Ganoon pala ang pakiramdam ng mabaril! Sobrang sakit! Sa pelikula naman kasi ay pumuputok lang ang baril na gamit namin at ginagamitan lang din ng mga special effects sa computer.
Mabuti nalang at hindi masyadong napuntirya yung mukha ko, namamaga at may pasa pero wala masyadong galos. Hindi ako retokado o ano pero pinangangalagaan ko talaga yung mukha ko, aba! Ito kaya puhunan ko sa trabaho!
"Argh... Ang sakit..." Napapangiwi ako sa tuwing nagsasalita ako, ugh, pakiramdam ko lumobo yung mukha ko.
Ang ingay. Ang daming sumisigaw sa baba, malamang ay nagpapanic sila doon. Wala pa namang tinatamaan ng bala dahil ginagamit lang nila yon bilang panakot.
Natigilan ako nang makarinig ng kaluskos sa kung saan dito sa loob ng kwartong pinagdalhan sa akin kaya agad kong inilibot yung paningin ko. Simpleng bedroom lang toh pero may kaluskos talaga.
"Ay tokwa!" Bulalas ko ng biglang bumagsak sa sahig yung takip ng vent di kalayuan saken. Aray, kumirot yung sugat ko.
Inangat ko yung tingin ko at napanganga. May tao mula doon ang walang ano-anong lumabas sa vent, lumambitin sya sa mismong parisukat na butas bago walang kahirap-hirap na tumalon. Lalong umawang yung mga labi ko nang makita kung gaano ka-astig yung pagbaba nya. Yung isang tuhod nya nakaluhod tapos yung mga daliri nya sa kamay ay nakalapat sa magkabilang gilid nya. Ganyan na ganyan din yung ginawa ko sa pelikula ko pero may safety harness ako at may naka-abang na foam kung sakaling magkamali ako ng bagsak pero sya? Wala syang kahit na anong tali. Swabeng-swabe nyang ginawa yon. Astig.
Hindi ko makita yung mukha nya dahil naka-itim na hoodie jacket sya pero walang manggas, parang sando style, natatakpan ng isang itim na scarf yung kalahati ng mukha nya at may shades sa mata. Naka-cargo pants din sya at itim na heavy boots.
Sinong matinong tao ang pupunta sa isang elegant party ng nakaganyang attire? Tsaka paano sya nakapasok dito ng walang nakakaalam!?
Matapos ang ilang segundo ay tumayo sya at nagpagpag ng damit pero agad ding natigilan nang lumingon sa direksyon ko yung ulo nya, doon ko nakita yung rifle na naka-sabit sa katawan nya at yung belt nyang may nakakabit na mga sleeping gas. Tokwa, baka mamaya kasamahan din nila toh.
"Ibebenta mo na ba ako?" Sunod-sunod akong napalunok sa sarili kong tanong, "Kung... kung ibebenta mo ko..." Humugot ako ng malalim na hininga tsaka napamagat sa labi, "P-pwede bang... balatuan mo yung manager ko sa kikitain mo saken? B-bilyones daw ang h-halaga ko k-kaya kung pwede baka bigyan mo ng kahit 30% yung manager ko p-para di sya magwala pag n-nalaman nyang n-nabili ako ng iba."
Hindi sya sumagot pero aaminin kong natakot ako nang mabilis syang humakbang at sapilitan akong tinayo na ikinaungol ko. Ungol sa sakit. Tuloy-tuloy yung agos ng dugo sa sugat ko. Baka napikon, hindi din nakakaintindi ng tagalog.
Hawak nya yung kwelyo ng suot kong suit, kitang-kita ko kung paanong kumunot yung noo nya. Kinakabahan ako. Sasapakin nya ba ako? Susuntukin? Uppercut? Tokwa wag naman sana, action star ako pero wala akong alam sa totoong laban. Artista ako, hindi boksingero.
Napapikit ako ng iangat nya yung kamay nya sa ere, hinihintay ko yung kamao nya sa mukha ko pero wala akong naramdaman kaya muli akong dumilat. Nakaturo yung kamay nya sa kama.
"Kaya mo bang maupo doon?"
Namilog yung mata ko ng marinig yung boses nya. Babae. Maangas yung tono pero boses babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Tsaka pilipino sya! Nagtatagalog eh. Ibig sabihin naiintindihan nya ako!?
"Y-yeah."
Inalalayan nya kong makaupo doon. Napapaigik ako sa sakit ng katawan kada gagalaw pero tiniis ko para makaupo.
"Remove your coat, bebendahan natin pansamantala yang sugat mo para di ka maubusan ng dugo." Tumango lang ako tsaka agad na sumunod sa utos nya.
Matapos yon ay agad syang kumilos. Pinunit nya yung mahabang manggas ng polo ko kung nasaan ang tama, tulad ng ginawa sa akin nung kunwaring may tama din ako sa braso sa shooting ay binendahan nya yung tama ko.
"H-hindi mo ko ibebenta?"
Bahagya syang natigilan pero muling nagpatuloy, nadinig ko pa yung nakakainsulto nyang tawa.
"Tanga ka ba?" Suminghap ako dahil doon, "Nagpakahirap akong gumapang sa masikip at malamig na vent na yan para mailigtas ka, kayo. Tas iniisip mong ibebenta kita? Hanep." Huminto sya at tila nag-isip, nahihinuha kong nakangisi sya kahit may takip yung mukha nya, "Pero pwede din."
Kinabahan ako don, "G-grabe ka..."
Napatitig ako sa mukha nya. Natatakpan pero alam kong babae yon, base sa boses palang kanina at sa liit ng hugis ng mukha, walang dudang babae, pero paano sya napunta dito?
Pinutol ng malalakas na kalabog yung pagtitig ko sa kanya, tokwa! Papunta na sila ulit!
Dumadagundong yung puso ko, lalo na ng kalmado lang syang tumayo at humarap sya doon tsaka akmang maglalakad, sa takot ay napahawak ako sa pulso nya na ikinatigil nya. Maski ako natigilan sa ginawa ko.
"Dont..." Bulong ko, tila slowmotion syang nilingon ako kaya muli akong lumunok, "B-baka mapahamak ka..."
Sandali syang natahimik, mukhang walang pakielam tong kaharap ko. Nanatili syang nakatitig saken. Grabe, hindi ba sya natatakot?
Maya-maya ay dahan-dahan nyang kinuha yung kamay nya mula sa pagkakahawak ko kaya nahihiya kong binitawan yon. Akala ko ay aalis na sya pero hindi pala, nagulat ako ng tanggalin nya yung salamin nya kasama ang scarf na tumatabing sa mukha nya. Tuluyan kong nakita yung mukha nya ng ibaba nya yung hood na nasa ulo nya.
Mayroon syang singkit na malapusang itim na mga mata, maliit na ilong at katamtamang kapal ng labi. Nakatirintas yung itim na mahabang buhok nya. Naka-angat yung sulok ng labi nyang yon habang maangas na naniningkit yung mga mata nya, nameywang pa.
"Ako? Mapapahamak? Haaaa! Grabe, hindi ako makapaniwalang maririnig ko yang mga katagang yan..." Dinilaan nya yung ibabang labi nya habang nakatingala, mayabang at maangas yung pagkakasabi nya noon, di makapaniwala sa narinig bago muling bumaling saken, akala mo nainsulto ko, "Hoy, naiinsulto na ko sayo ah, ganoon ba ako kahina sa paningin mo? Kanina pinagkamalan mo kong ibebenta kita tas ngayon iniisip mong mapapahamak ako? Anong kalokohan yan?"
"H-hindi naman sa ganun! I'm just worried about you, they will not hesitate to kill you!"
"Mas mag-alala ka sa mga gumawa nyan sayo dahil kung may mapapahamak man dito eh yung mga kupalogs na terorista yon wala ng iba!" Ubos na ang pasensyang kinamot yung ulo nya bago ako pinukol ng masamang tingin, "Pero kung napapraning ka talaga saken edi sige."
Pinagmasdan ko syang dukutin yung kung ano sa loob ng jacket nya tsaka hinubad bago binato saken, nagtataka ko syang tinignan ng malaman kung ano yon.
"W-what should I do with this?" Saad ko tsaka inangat yung dogtag nya.
"Subukan mong kagatin, pampalipas oras. Dilaan mo na rin bago mo lunukin para mabusog ka." Sinamaan ko sya ng tingin sa pagiging sarkastiko nya pero hindi sya nag-react, "Itago mo." Inangat nya yung rifle na nakasabit sa katawan nya ng paitaas tsaka ibinaba ulit ang shades at ibinalik ang scarf sa mukha, "Kapag hindi kita nabalikan sa loob ng kinse minutos, ibig sabihin patay na ko. Ibigay mo yan sa pamilya ko."
Bigla akong kinabahan ng sobra dala ng pag-aalala kahit na hindi ko sya personal na kilala, "B-but---"
Nanlaki yung mga mata ko at para akong nagyelo, paano ba nama'y pinatong nya yung kamay nya sa ulo ko at ginulo-gulo yung buhok ko na parang aso.
"Hindi ako tutumba sa isang bala lang."
Tahimik ko syang sinundan ng tingin na maglakad patungo sa pintuan para padabog na isara yon. Tuluyan na syang lumabas. Gustuhin ko mang sumunod ay hindi ko magawa.
Nilingon ko yung dogtag na nasa palad ko. May mga nakaukit na impormasyon doon tungkol sa kanya pero doon lang sa pangalan nya napako yung mata ko.
HERERRA, JHAYREIN ARRIANE JIMENA
9857-2763-4648
O POSITIVE
CATHOLIC
"Jhayrein..."
Kasabay ng mas malakas na tilian ay ang pagdilim ng paningin ko.
***
"Eren! What can you say about the terrorism incident three weeks ago?"
"Can you give us your statement regarding the incident?"
"Your other co-stars witnessed as the terrorist drag you away, can you describe what really happened to you?"
"Do you think that this is an inside job as what the invetigators said?"
I just smiled before finally get inside the private hotel where we planned to check in. Pinagigitnaan ako ng manager ko at ng PA ko habang ang mga bodyguards namanay nasa likuran namin. Though hindi naman makakapasok ang mga reporters and other medias na nasa labas.
Ayokong sagutin yung tanong nila. Duduguin yung ilong ko doon, foreigners yung reporters eh. Marunong naman akong mag-English pero hindi naman sobrang fluent talaga.
"Imbyerna talaga tong mga reporter na toh! Kalalabas mo lang sa ospital pero ayan at todo sugod nanaman para lang makakuha ng mai-chichika sa madla!" Eksaheradang anya ni July kaya natawa ako sa kanya, ang binababae kong personal assistant.
Mas bata sya saken ng ilang taon, nasa edad disinuebe lang sya. Mas maliit din sya kumpara saken, nasa 5,5 lang. Payat na akala mo pang-babae ang korte ng katawan. Cute itong si July sa totoo lang.
"Hayaan mo na. They are just doing their job."
"Aba'y kahit na! Kalalabas mo lang sa ospital fafa Eren, hindi pa magaling masyado yung sugat mo!" Hinampas nya ko sa dibdib kaya napaubo ako, "Pero infairness naman sayo ah? Ikaw lang ang nag-iisang na-ospital na naka-OOTD pa ren!"
Pinasadahan ko ng tingin yung kabuuan ko. Sa totoo lang eh printed black shirt, puting ripped jeans at checkered na sneakers lang naman talaga ang suot ko kanina, si Tatang itong nagpasuot saken ng dark red na astiging leather jacket at sinuotan pa ko ng hikaw sa tuktok ng tenga tsaka relo.
Para akong siga. Dagdag pa kasi yung band-aid na nasa pisngi at bridge ng ilong ko, tapos yung mga sugat at pasa ko.
"Ewan ko ba kay Tatang. He said I need to look cool in every stolen picture." Natatawa ako. Ganyan kasi lagi si Tatang. Gusto nya gwapo daw ako sa mga stolen shots para pag nilagay sa dyaryo o nilabas sa news eh perfect pa rin daw ang image ko.
"Hihihi~ Ang cool cool mo fafa! May pa-dogtag ka pa ah!"
"Don't." Nilayo ko yun sa kanya nang akma nyang hahawakan. Di naman akin toh eh, baka maputol.
Tila kinikilig naman syang nagkikikisay sa gilid, "Hay nako! Damot ah! Pero kiber lang kahit ano naman ang image mo eh ang gwapo-gwapo mo pa din! Kahit ang dami mong sugat at pasa!"
"Aray tokwa!" Sigaw ko, umangkla kasi sya sa braso ko kung nasaan yung balikat na may sugat. Huhuhu. Ang sakit.
"Ayy! Sorry! Na-forgot ni baklang tokwa!" Naiiyak nyang saad pero nginitian ko lang sya bago ginulo yung buhok nyang kulay rainbow.
"Okay lang, wag mo nalang muna akong angklahan hehehe."
Natigil lang sya sa pagsasalita nang hampasin sya ni Tatang ng dyaryo sa ulo. Mukhang natakot sya, nagtago kasi sya sa likuran ko habang si Tatang ay nasa harap ko, masama ang mukha habang nakapameywang.
Si Tatang, sya ang manager ko. Lalaking nasa mid-40's pero single. Walang asawa at wala ding anak. Mabait sya at may itsura din, hindi sya suplado pero sumusungit sya kapag may nasasayang na barya. Yung tipong, maski singko sentimo na gumulong sa sahig eh hahabulin nya pa, sayang daw kasi.
"Hoy, wag mo nga munang lambitinan yang anak ko at baka hindi lang dyaryo ang maihambalos ko sayo!" Dinuro-duro nya si July gamit ang nakarolyong dyaryo, "Tsaka wag ka ngang maingay! Naririndi ako sayo!"
"Grabe ka naman Tatang pogi, hindi ko naman po sinasadya ih."
Lumaki yung mata ni Tatang, "Kunwari ka pa!"
"Sorry na Tatang! Di na mauulit! Pramis!" Ngumuso sya na ikinatawa ko. Amplastik kasi.
"Dapat lang!" Sabay talikod ni Tatang tsaka dumiretso sa front desk ng hotel para kumuha ng kwarto na gagamitin namin kaya lumabas na si July mula sa pagtatago sa likod ko habang nakapameywang.
"Nakakaloka talaga tong si Tatang pogi! Kaya tumatandang single eh dahil ubod ng suplado!"
"Huy! Sige ka baka humarap yan makita kang naggagaganyan, tatanggalan ka ng allowance nyan." Pigil ko sa kanya, paano ba naman eh umaastang susugod kay Tatang habang nakatalikod. Naglalakad na kasi ito patungo sa elevator, mukhang mabilis lang syang nakakuha ng kwarto namin kaya sumunod na agad kami.
Napailing nalang ako. Tatang's temper is the worst, mainit yung ulo nya today dahil may nahulog na piso kanina habang papasok kami dito, yun nga lang hindi nya napulot kasi nagdagsaan ang reporters kaya ayun.
Sila ang itinuturing kong pamilya, si Tatang na para ko na ring tatay at si July na para ko na ding nakababatang kapatid. Lumipad sila mula Pilipinas papunta dito nang pumutok yung balita tungkol sa insidente ng terorismo noong nakaraang linggo pa. Kung terorismo nga bang tawag yon. Sa tingin ko kasi ay mga sindikato talaga sila at isa lang ang malinaw na balak nila para saken.
Yun ay ang plano nilang ibenta ako. Paanong ibebenta naman kaya, ano? Nakakatakot. Hindi kaya ibebenta nila ako sa mga cannibals na mayayaman para humaba yung buhay nila? Kadiri.
Napahawak tuloy ako sa suot kong kwintas---iyong dogtag nung babaeng nagbenda saken. Hindi ko na alam kung anong balita sa kanya, nang magising kasi ako at nagtanong ako tungkol sa kanya eh sabi ni Tatang wala naman daw babaeng katulad nung sinasabi ko. Ang sabi daw ng ibang artista na nandoon, may bigla nalang daw nahulog na mga lata ng sleeping gas mula sa kung saan. Nakatulog daw ang lahat tapos paggising nila, nakatali na yung mga suspek.
Walang naniniwala saken na may babaeng nagligtas saken. Kung hindi nya ko binendahan, edi sana namatay na ko sa sobrang kawalan ng dugo.
Nakarating na kami sa floor namin, ang sabi ni Tatang ay nasa top floor daw kami kung saan may malaking pinto sa gitna ng hallway, events hall daw yon. Nakumpirma ko ngang events hall yun nang mahagip ng mata ko yung loob noong padaan na kami, nakabukas kasi yung pinto. Sinadya namin ni July na bagalan ng konti yung lakad tsaka huminto nang malayo na si Tatang samin. Hehehe pareho kaming ususero eh.
Nakasilip yung ulo namin sa pinto. Mukhang may ikakasal ngayon base sa disenyo sa loob pati na din sa bihis ng mga bisita. May mahabang carpet pa papunta sa maliit na stage, tsaka judge lang ang magkakasal sa bride at groom pero napaka-garbo ng disenyo sa loob. Hinihintay na siguro nila yung bride, pero hindi ko makita yung groom?
"Taray! Nakakaloka ang daming gwapong bisita!" Tokwa! Ang ingay ni July! Nagtinginan tuloy yung ibang bisita samin!
"Shhhh! Tara na nga! Tokwa ka ang ingay mo naman eh!" Mahina kong bulong habang hinahatak sya pero ayaw paawat, tokwa talaga tong si July ay oo! Nakakahiya! Hirap na hirap tuloy akong kaladkarin sya. Panay ang kawag kahit lumagpas na kami sa hall na yun!
"Weeeyt! Tignan mo kasi---Ay ang bongga naman ng bride! Ikakasal pero yung pormahan akala mo makikipag-bakbakan!"
Nakuha non yung atensyon ko kaya napalingon ako sa kaharap naming pinto na may nakasulat na 'GROOM'.
Saktong paglingon ko eh kalalabas lang din nung babaeng ilang linggo ko ng hinahanap mula sa kwartong . Namilog tuloy yung mga mata ko sa gulat. Pakiramdam ko huminto ng panandalian yung mundo ko, nahigit ko pa yung hininga ko.
Tulad noong unang beses naming pagkikita eh ang astig nya pa ding tignan, natanga ako sa itsura nya dahil may pagkakaparehas yung suot namin. Mula ulo hanggang paa, pareho kami ng suot na damit hanggang sapatos.
Nakatirintas ulit yung buhok nya pero sa magkabilang gilid na iyon, nakasandong itim sya na hapit sa katawan habang may nakasabit na pulang leather jacket sa balikat nya at may pares ding puting ripped jeans, pati sneakers ay pareho kami. Hindi tuloy akma sa kanya yung flower crown na nasa ulo nya pati na din ang bitbit nyang bungkos ng bulaklak.
Parang slow-motion yung nangyaring paglingon nya. Nagtama yung tingin namin sa isa't isa na naging dahilan ng paglunok ko. Yung mga matang yon. Mga matang akala mo mata ng pusa, kung makatingin parang mangangagat---Tokwa! Bakit may OST? Saan galing yung music na yon? Ano toh k-drama!? Tsaka bat parang may bulaklak sa paligid!? Saan galing yun!?
"Oh?" Sya nga yon! Boses palang, maangas na! Sya nga talaga yon!
"Wow! Kaloka! Akala ko chingchong kasi singkit---hmfffff!" Tinakpan ko yung bibig ni July tsaka alanganing tumawa.
"A-ano... W-we are just p-passing by! Ha-ha-ha! S-sorry! W-well get g-going!"
Sinimulan ko ng hatakin si July para maglakad palayo.
"Teka lang."
"A-aray!" Napahakbang ako patalikod habang hawak yung balikat kong hinawakan nya, "Why did you do that!? It hurts!" Hinawakan nya ba naman yung balikat kong may sugat! Ang sakit!
Umiling-iling naman sya bago lumapit saken, "Sabe na nga ba't kilala kita eh." Nakangisi nyang saad.
Akmang magsasalita na ako nang bigla nyang hatakin yung kwelyo ko tsaka ako hinila papunta sa kwartong nilabasan nya kanina, hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun pero parang ang lakas-lakas nya! Wala akong nagawa kundi ang sumunod maglakad sa kanya!
"Hoy! Bitawan mo si fafa Eren---" Nahinto si July sa pagsasalita nang iangat ng babaeng toh yung kamao nyang naka-kuyom, kita kong napalunok si July, "---sabi ko nga eh."
Sinenyasan ko syang wag ng sumunod.
Kabadong-kabado ako habang hatak-hatak nya yung kwelyo ko. Binitawan nya lang ako nang makapasok kami sa loob at pabagsak na sinara ang pinto.
"Aray naman!" Reklamo ko, paano ba naman kasi pabalya nya kong tinulak sa isang sofa! Yung sugat ko kumikirot na!
Pinasadahan nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa hanggang sa tumigil yung tingin nya sa dogtag na nakasabit sa leeg ko kaya napalunok ako.
"T-this is yours, right? Isasauli ko na." Akmang huhubarin ko na ng pigilan nya ko.
"No. Sayo na yan." Sabay tulak ulit saken kaya nanlaki yung mata ko.
"Bakit ba tulak ka ng tulak!? Can't you be more gentle!?"
Ngumisi lang sya bago humatak ng isang upuan at doon naupo, napanganga pa ako. Bakit naman kasi hindi? Kung maka-upo sya parang lalake! Kababaeng tao!
"I'm asking you!"
"Gentle ba kamo?" Tumawa sya nakangising kinagat ang ibabang labi na tuma-tango-tango pa, "Sa honeymoon nalang natin siguro."
Namula yung buong mukha ko. Honeymoon!? Anong honeymoon!?
"Tokwa ka! A-ano bang pinagsasasabi mo?!"
Tumabingi yung ulo nya na para bang pinag-aaralan ako, "Let's talk, Tofu boy."
"A-ayoko! Wag mo kong kausapin! Lalabas na ko!" Pinag-ekis ko pa yung mga braso ko.
"Hah. Ibang klase ka din ano? Para kang babae. Hindi pa tayo kinakasal pero nagpapasuyo ka na."
*BLUSH*
"At sino namang nagsabing ikakasal tayo!?"
"Ako."
"A-ano!?"
"Kalmahin mo nga yung mga tokwa mo!"
"Anooo!?"
"Tsk." Umirap sya bago bumuntong hininga habang nakahawak sa ulo, tila hindi alam kung paano ipapaliwanag yung sasabihin nya, "Hindi ba't ikaw yung artistang tokwa ng tokwa? Yung abnormal na praning?"
"A-anong---hoy! Sobra ka ah! Sinong praning hah!?"
Ngumiwi sya, "Makinig ka. Araw ng kasal ko ngayon pero unfortunately, hindi sisipot yung bride ko---"
"Bride mo!? Bakit ikaw ang may bride---wag mong sabihing ikaw ang groom!?" Nagugulat kong sabi habang nanlalaki pa ang mata, hindi tinatanggap ng sistema ko yung sinasabi nya. Grabe! Hindi ko akalain na sya ang groom! Tsaka ikakasal sya ng ganyan ang suot!? Ibang klase!
"Oo! Lesbian ako eh! Baket!? May problema ka ba sa gaya ko!?"
Mabilis akong umiling, "Advocate ako ng l***q+ Community." Nakakatakot sya eh. Literal na umuusok yung ilong nya!
"Tss. Wala akong bride, wala lang din saken kung hindi matuloy ang kasal." Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi naman totoo yung sinabi nyang wala lang sa kanya kung ma-cancel ang kasal nya. Hindi ako kumbinsido eh. Parang ang lungkot-lungkot nya.
Napayuko ako ng konti. Ang sakit siguro non. Yung tipong pinaghandaan nyo yung araw ng kasal nyo, pero biglang di sisipot yung isa. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng masaktan sa pag-ibig, hindi pa naman ako naiinlove. Mukhang nakakatakot magmahal, nakakatakot masaktan.
Ngumuso ako habang nilalaro yung mga daliri ko, "So... what do you want to do now? Sayang naman yung pera at oras na nasayang ng mga bisita mo." Mahina kong bulong.
"I know, kaya nga kailangan ko yung tulong mo."
Tumango ako, "Ano bang maitutulong ko?"
"Tutulungan mo ko?" Naninigurado nyang tanong kaya tumango ulit ako, "Talaga?"
"Talagang-talaga!" Ngumiti ako, "You saved my life, this is the least that I can do for you in exchange of what you did to me. Tell me your plan and I'll help you in any way that I can."
Ilang segundo syang natahimik bago hinawakan yung magkabilang kamay ko at doon inilapag ang hawak nyang bouquet, tsaka nya ko mariin na tinitigan. Sobrang seryoso. Tulad ng tingin nya noong unang beses kaming magkita. Nakakatakot.
"Pakasalan mo ko."
Sandali akong natigilan at nakangangang nakatitig sa kanya. Hinihintay kong sabihin nyang joke-joke-joke pero wala. Gusto kong humindi pero may kakaibang pakiramdam akong naramdaman nang makita ko yung lungkot sa mga mata nya. Hindi man nya sabihin eh halatang nasaktan sya sa kaalamang hindi darating yung bride nya.
Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan yung dalawang kamay nya tsaka ngumiti.
"Fine. Let's get married."
Present...
AYON! Ganon ang nangyare six years ago kaya kami naikasal. Bilang gwapong artistang gentleman na may isang salita ay pinakasalan ko sya bilang kapalit ng pagligtas nya saken noon. Wala namang emotional attachment, parang bestfriends lang pero minsan nagsisisi na ko na pumayag pa ako! Nakakainis na kasi sya!
"Tokwa. Tokwa talaga. Tokwa talaga!" Sambit ko habang padabog na dinadampot lahat ng damit na nakakalat sa carpeted na sahig ng unit ko.
Hindi ako palamura, kaya tokwa ako ng tokwa. Naiinis kasi ako! Inis na inis!
Sinong hindi maiinis sa dami ng kalat dito!? Nagkalat ang mga unan at damit sa sahig! Parang pinamamahayan ng isang malaking ahas yung unit ko! Isang malaking ahas na nagngangalang JR! Nakakairita! Unit ko toh! Ako ang nakatira dito pero ako din ang taga-luto, linis, laba---in short, ginawa nya kong chimay sa sarili kong unit! Oh diba nakakainis din!?
Padabog ko ding binuksan yung pinto ng kwarto ko pero di man lang sya natinag, ang sarap-sarap ng tulog nya sa kama ko! Oh diba? Kama ko yon, pero sya ang natutulog doon at ako? Syempre pinagkakasya ko yung sarili ko sa couch!
"JR wake up! It's already 10:47 am!" Anunsyo ko ng makalapit ako sa kama KO. Nakadapa sya doon na tanging boxer shorts ko at sports bra ang suot. Oh diba? Napakagaling nya! Pati boxer shorts ko ina-arbor nya! Tokwa lang talaga!
"JR---" Natigilan ako nang may mahagip yung mata ko na tela na nasa ilalim ng kama.
Dahan-dahan akong yumuko tsaka hinawakan yung telang yon. Muntik na talaga akong mapamura nang malaman kung ano yon---isang pulang G-String panty!
Nagtama yung tingin namin ng lingunin ko sya. Gising na sya ngayon, pero imbes na matakot sa masamang tingin ko eh ngumisi lang sya. Kita mo tong...!
"Nagdala ka nanaman ng babae mo sa unit ko!?"
"Goodmorning den." Tumingin sya sa direksyon kung nasaan yung pinto ng banyo tsaka ngumuso, "Nasa banyo yung kapares nyan na bra, naiwan yata ni Cecille. Pakilabhan nalang."
Pumikit ako habang pinipigilang umakyat yung inis sa ulo ko. Hindi. Hindi ako mapipikon. Hindi ako mapipikon. Hinding-hindi. Sanay na dapat ako. Hindi na dapat ako nagugulat. Babaero ang asawa ko. Kababaeng tao pero babaero. Madami syang kabit, dapat sanay na ako---
"Nga pala, baka may makita kang underwear na pink ah? Pakisama na din sa labahin, ibabalik ko kay Joanna---"
"JR!!!"