Chapter 4
(Third Person's POV)
HANGGANG sa makauwi ay nakasimangot pa rin si Eren, kasalukuyan na silang nakasakay sa elevator pero yung mukha nya ay nakasimangot pa rin.
Magkatabi sila sa loob ng elevator, pinagmamasdan sya ni JR habang sya naman ay bahagyang nakatalikod dito na parang umiiwas tumingin sa kanya. Halata iyon ni JR kahit na nakamask ito kaya hindi sya makapaniwalang natawa.
"Hah. Grabe. Para talagang babae."
"Ano?" Ungot ni Eren kaya lalong lumakas yung sarkastikong tawa ni JR.
"Aba't tignan mo nga naman at narinig mo pa yon?"
Inis na humarap si Eren sa asawa, "Malamang! May tenga kaya ako!"
"Sinabi ko bang wala?"
"Hinde! Bakit!? Masamang sabihin!?"
"Eh bakit nakasigaw ka nanaman!?"
"Hindi ako sumisigaw!"
"Ah! Hindi pa pala sigaw sayo yan ah!?"
"Hindi nga!"
"Eh kung tadyakan kaya kita!?"
"A-ang brutal mo naman!"
Patuloy lang sila sa pagsasagutan nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Sabay silang natahimik bago umatras para papasukin ang isang nanay kasama ang dalawang anak na hawak nito sa magkabilang kamay. Isang babae at isang lalake na parehang may bitbit na nakaplastic na knapsack, mukhang brandnew.
Nginisihan ni JR si Eren kaya ginantihan sya nito ng pagdila na parang bata, umiling nalang ang babae dahil sa pagiging isip-bata ng asawa.
Sa ilang taon nila bilang mag-asawa ay doon nya nakilala ng husto ang ugali ng binata. Akala nya noong una ay may normal na lalake lang ito, yung tipo ng lalaking tulad ng mga kaibigan nya---yung mahilig sa babae, malakas uminom, hilig mag-bar at tsaka yung iba pang bisyo na ginagawa ng karaniwang mga lalake pero nagkamali sya dahil imbes na maglalalabas sa day off neto para maghanap ng babaeng mayayari sa kama ay lagi lang itong nasa bahay, naglilinis, nagluluto, naglalaba. Yan, ganyan lang naman ang hobbies ng asawa nya.
Hindi lang yon ang natuklasan nya. Nalaman nyang mahilig sa kulay pink ang lalake, natutuwa din ito sa mga cute na bagay tulad ng unicorns, pusa, baboy at iba pa basta cute. Medyo naiinis din sya dahil may pagka-iyakin si Eren, konting issue laban sa kanya na wala namang katotohanan ay pinagdadramahan neto, mababaw lang din ang kaligayahan neto dahil kahit ano tinatanggap nya. Tulad nalang nung birthday neto four years ago, bumili sya ng isang kilong patatas at nilagyan ng ribbon sa taas para iregalo kay Eren at ayon, tuwang-tuwa ang loko. Abnormal nga.
Alam nya ding iba ang ipinapakita neto sa camera. Hindi nya maintindihan kung bakit ganon pero hinahayaan nalang nya dahil alam naman ng lalake ang ginagawa neto.
Nagising sya mula sa pag-iisip nang mapansin nya ang babae na pinagagalitan ang anak netong lalake.
"You can't use it."
"But why? I'm the one who chose the pink backpack."
"Are you gay?"
"No."
"Then give it your sister."
"But why?"
"Because it does not suit for you. Pink is for girls only." Nilingon nya ang anak na babae at ngumiti, "You'll use the pink one, okay?"
Sumimangot ang batang babae, "But I want the blue one."
"It's for boys only honey, exchange bag with your brother later."
"But it's mine..."
Nagkibit ng balikat si JR habang pinanonood ang mag-iina na magtalo. Medyo nanghihinayang sya, chix na chix kasi yung babae.
Pasimple pa nyang sinipat ang mga binti neto at napasipol nang makita kung gaano kahaba ang mga iyon. Nakakaakit pero kailangan nyang magpigil dahil may mga anak na ito. Hindi sya kumakanti ng may sabit eh.
"Let them have it."
Gulat syang napalingon kay Eren nang magsalita ito pero mas nagulat sya ng makita kung gaano kasama ang tingin neto sa babae.
"W-what?" Nagugulat ding tanong neto sa kanya.
"A-ah, hahaha! A-ako ang kausap nya miss." Palusot ni JR bago siniko-siko si Eren.
Bakas ang pagtataka sa mukha ng babae, "Ah..."
"No. Sya ang kinakausap ko." Inis na tinitigan ni Eren ang babae, "The colors are universal, bakit ang bigdeal ng kulay sayo? Just let your son have the pink one and the girl have the blue one, it's just a bag."
"A-ano? Bakit ka ba nakikielam samin!?"
Hindi sya pinansin ng lalake at lumuhod kapantay ng dalawang bata habang hawak pa rin nya ang ecobags na pinamili nya. Ibinaba nya ng konti ang mask, sapat na para makita ng mga bata ang sumilay na isang magandang ngiti sa bibig nya. Kumikinang naman ang mga mata ng bata ng makilala sya.
"Kung anong kulay ng bag ang gusto nyo, yun ang gamitin nyo." Nilawakan nya lalo ang ngiti, "It's okay. Colors doesn't represent any gender. You can have any color you want."
Mabilis na tumango-tango ang dalawang bata habang nakangiting nakatingin sa kanya.
Saktong huminto ang elevator at nasa tamang floor na sila, agad nyang hinatak-hatak ang lalake pero nakalingon pa rin ito sa mag-iina na nasa elevator.
"Give them the bag that they want! Hindi naman ikaw ang gagamit eh!"
"Hoy ano ba?" Awat ni JR habang pilit na tinutulak ang lalake, though nahihirapan syang gawin yon dahil sa bitbit nyang ecobags, "Sabog ka ba? Kung sino-sino nalang ang inaaway mo ah!"
Sumimangot si Eren bago inayos ang paglalakad. Malapit na sila sa unit nya.
"Tama naman yung sinabi ko eh. Let the kids have those things that they want. She should not tell them what's color for boys and girls because it is available for the both gender."
"Pakielamero ka. Eh ano naman kasi sayo? Panlalake naman talaga ang blue at pambabae ang pink." Ngumiwi sya at pinasadahan ng tingin ang asawa mula ulo hanggang paa, "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto mo yang kulay na yan eh."
Irita syang nilingon ni Eren, "Walang mali sa kulay na gusto ko, o sa gustong kulay ng kahit na sinong tao. Bata o matanda, they can have whatever color they like."
"Pero nagmumukha kang babae sa kulay na gusto mo. Pink? Hah. Babae lang may gusto nyan eh."
"Men can like pink too."
"Oo nga pero hindi bagay."
"Why?" Gumalaw yung panga nya habang nakatingin kay JR na nasa daan ang tingin, "Are you saying that there are certain colors, or things that represents men and women?"
Tumango si JR, "Usually, babae ang mahilig sa pink though hindi ako kasama don. Sa lalake naman ay mas madalas ang blue. Parang match na match sa feminity at masculinity yung kulay na yon, pero sa totoo lang eh wala talaga akong pakielam sa mga ganyan eh."
"Bullshit."
Doon nahinto si JR at natitigilang nilingon ang lalake na masama ang tingin sa kanya. Nagpantig ang mga tenga nya sa narinig nyang yon, niyanig buong sistema nya eh. Paano eh unang beses nyang marinig na nagmura ito.
"Ano?"
"I said that's bullshit!" Ayon, sinabi na iyon ng mas malakas ni Eren.
"Hah." Hindi makapaniwala nya itong nginisihan ng sarkastiko, "Bullshit, huh?" Tumango-tango si JR, "Ano nanaman bang ikina-uusok ng ilong mo dyan? Parang bag lang ng mga bata---mga batang di mo naman kaano-ano, batang di mo kilala pero kung maka-pagreak ka parang anak mo yung mga yon."
Nag-iwas ng tingin si Eren, "You don't understand."
Sumama yung mukha nya, "Alin ang hindi ko maintindihan? Ipaliwanag mo, para maintindihan ko."
"Wag na." Galit syang tinignan ni Eren, "Wala ka naman pakielam diba?" Sabay naunang naglakad patungo sa unit neto.
Naiwan syang naka-awang ang labi habang nakatingin sa nilakaran ng asawa. Maya-maya ay sarkastiko syang natawa habang inis na tumango-tango.
"Sira ulo yon ah."
(JR's POV)
"Dyaheng misyon toh, pano ko gagawin yon?"
Hinagis ko yung brown envelope sa maliit na sala table bago sumimangot.
Confidential nga. May pinapahanap sila saking wanted na galing ng London, leader daw ng isang sindikato na nang-e-enganyo ng mga batang babae at lalake para maging artista pero i-engage pala sa child pornography. Tangena, may mga kasamang profile ng mga possible suspects na nasa loob ng envelope pero ang pinoproblema ko eh paano ako makakalapit sa mga yon?
"Dyahe, pano ko malalaman kung sino sa mga yon ang hinahanap ko?" Nalukot yung mukha ko, "Kingina may artista, model, direktor, photographer---ano yon huhulaan ko kung sino sa kanila!?"
Mukha pa namang bigatin tong mga toh, paniguradong laging may mga bodyguards toh.
Natigilan ako nang lumabas sya sa laundry room at dumaan pa mismo sa harapan ko.
"Kita mo tong lalakeng toh, dinadaan-daanan lang ako." Bulong ko pagkatapos nyang dumaan bitbit ang isang timba na may mga damit patungo sa balcony.
Kanina pa kong tanghali nasa sala, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng basketball sa TV pero wala doon yung focus ko. Nakukuha ni Eren yung atensyon dahil hindi nya ko pinapansin. Damn it, mukhang galit nga. Kanina pa daan ng daan pero ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Hinawakan ko yung ibabang labi ko habang namamanghang pinanood syang iangat ang isang damit at pinagpag iyon bago inilagay sa isang hanger. Nasa kanang bahagi kasi ng sala banda yung balkonahe para magsampay, naka-awang yung pinto kaya nakikita ko syang busy magsampay doon.
"Lintek naman talaga sa suot." Binasa ko gamit ang dila yung ibabang labi ko bago umangat yung sulok ng bibig ko, "Ayos ah, lakas maka-model."
Naka-boxer lang kasi sya at sandong puti. Partida pink yung boxer nya at may disenyong mga baboy pero takte lakas makahatak ng atensyon. Tignan mo naman, naka-badboy mode sya ngayon, akala yata nya may camera sa paligid kaya na on-screen expression sya. Hindi ganon kalakihan yung katawan ng lalakeng toh, may muscles pero hindi yung naglalakihan talaga, kumbaga tama lang para makasakal ng kung sinong hinayupak na pwedeng sakalin. Ganon din yung dibdib nya, tapos yung tyan nyang ilang beses ko ng nakita pero ngayon ko lang napagmasdan.
Bumaba yung tingin ko at dumako doon, dahilan para umawang yung labi ko.
"Damn. Look at that." Iniakbay ko yung isang kamay ko sa sandalan ng sofa, "A monster is hiding under that cute little boxer." sabay tawa ko ng mahina.
May ibubuga naman toh eh. Gwapo, sexy tapos may itinatagong ginto sa ilalim ng boxer pero bakit kaya ganon sya? He looks like a housewife to me rather than a hot superstar that made the world of every fangirl turn around? Ang lambot-lambot nya kumilos, hindi yung lambot na parang bakla kundi para bang masyado syang mabait kumpara sa iba pang lalaki dyan na antapang-tapang ng aura. Samantalang sya parang pinalilibutan ng lumilipad na marshmallows at bulaklak.
Ilang beses ko ng nakita sa TV kung paano sya pagkaguluhan ng mga fans nya eh. Ito namang tukmol mas madalas pang nakabusangot at nakakunot ang noo sa harap ng camera kaysa sa nakangiti pero himala talaga at napakadami nyang fans. Mostly teenagers. Ang daming nagkakandarapang babae sa kanya pero ni isa sa kanila walang alam kung gano kaiyakin at kabugnutin tong lalakeng toh. Grabe.
Umiling nalang ako bago bumalik sa panonood ng basketball. Tsk tsk. Sayang tong si Eren, bat di nya ko gayahin? Chill lang tapos ang dami ko pang chix. Dapat paminsan-minsan magkachix din sya---teka? Eh virgin pa ba sya? Parang imposible naman yata yon, kalalake nyang tao hindi na sya virgin? Dyahe yun ah.
"Ano yun, iniimbak nya yung semilya nya hanggang sa maburo?" Di ko tuloy maiwasang hindi mapangiwi sa naisip kong yun. Kadiri yon.
"Pero di ko pa rin maintindihan yung pinupunto nya kanina." Mukha akong tanga kakakausap sa sarili ko pero kasi takte, hindi ko talaga alam kung ano yung kinaiinis nya. Eh totoo namang mukha syang bading sa kilos at pananamit nya, halos lahat ng sinusuot nya pag nandito sya sa unit nya eh pink. Para syang babae eh.
Kakaiba yung itsura nya kanina, parang may pinaghuhugutan eh. Parang may malalim na pinagkukunan ng galit.
Umiling ako at nagfocus nalang sa panonood ng TV pero hindi ko talaga maiwasang hindi lumingon sa kanya eh kaya pinatay ko nalang ang TV tsaka tumayo para maglakad patungo sa direksyon nya. Nakatalikod sya sakin habang isa-isang sinasabit yung nga nakahanger na damit sa tubong sampayan. Hindi ako sanay ng ganitong hindi nya ko kinakausap at pinapansin.
Gusto kong matawa nang marinig yung pakanta-kanta nya. Hindi naman sya sumasayaw pero dumako yung mata ko sa pang-upo nya. Tignan mo tong baliw na toh, ang laki pala ng pwet neto? Parang ang sarap tadyakan.
Sumandal ako sa gilid ng pintuan habang naka-halukipkip, "Hoy."
Kita kong umangat yung balikat nya sa gulat. Ayon si tanga, dahan-dahan pa kong nilingon habang hawak ang panungkit.
"What?" Aba naman talaga, nagsusungit pa rin!
"Mag-usap nga tayo."
Ilang segundo nya kong tinitigan bago sinimangutan, "Ayoko." Sabay talikod na ikinalaki ng mata ko.
"Aba't tignan mo tong..." Namewang ako dala ng iritasyon, "Grabe, ano ka? Nagpapasuyo? Takte." Bulong ko.
Hindi sya sumagot kaya lalo akong nainis. Sira ulong toh, lumalala yung pagkabugnutin nya ah! Hindi naman sya ganito dati ah! Habang tumatagal mas lalo syang nag-iinarte! Hindi pwedeng ganito, kailangan magkaayos kami bago ako lumarga sa bar ni Charlotte.
"Hoy, mag-usap tayo sabi eh."
"Ayoko nga."
"Anak ka ng..." Nilapitan ko sya hinawakan yung pulsuhan nya at hinarap sya saken para matigil sya sa ginagawa, "Let's talk."
"Ano ba?" Nalukot yung mukha nya bago binawi ang kamay, "Don't disturb me. I'm busy."
"Busy? Mamaya na yang pagsasampay mo. Mag-usap muna tayo."
"Can't you see? Hindi ko pa tapos isampay yung undergarments ng mga babae mo, alam kong aalis ka nanaman mamaya kaya nga tinatapos ko na para matuyo agad at maisauli mo." Sarkastiko nyang sagot bago ako tinalikuran.
Umawang yung labi ko sa pagkamangha dahil sa sinabi nyang yon. Ibang klase, ang lalim ng hinanakit saken ah.
Dumako yung tingin ko sa mga natitirang damit na nasa timba. Oo nga, mga undergarments ng mga dinala kong babae yon. *Kamot ulo* Bakit kasi iniiwan nila yung mga panty't bra nila dito? Umaalis silang walang underwear?
"Hey!? What are you doing!?" Angil nya matapos kong agawin yung underwear na isasampay nya palang.
Lumapit ako sa timba para bitbitin yon papuntang basurahan, tsaka ko ibinuhos yung pares ng undergarments na nandoon.
"W-why did you do that?" Anya bago kinuha yung timba mula saken, "Akala ko ba isasauli mo?"
Tinitigan ko syang maigi bago hinawakan sa pulsuhan at hinila palabas ng laundry space.
"Teka lang! S-saan tayo pupunta?"
"Sa langit."
"A-ano!? B-bakit doon!?" Taka ko syang nilingon, halatang nahihintakutan sya sa sinabi ko eh.
"Tanga, alangan namang sa impyerno?Gusto mo don? Ako ayoko don, mainit eh."
"Tokwa ka! Syempre ayoko doon! Ang ibig kong s-sabihin, a-anong langit kasi ang sinasabi mo dyan?"
Hinila ko nalang sya patungo sa sofa at tinulak pasandal doon. Akmang aalis sya ng umupo ako paharap sa kanya tsaka ko hinarang yung dalawang braso ko sa gilid nya na ikinalaki ng mata nya.
"O-oy teka! B-bakit ka k-kumakandong!?"
"Para wala kang takas saken." Kita kong napalunok sya sa sinabi ko kaya ngumisi ako, parang ewan eh, namumula yung mga pisngi nya dyahe, "Bakit di mo ko pinapansin?"
Hindi sya sumagot. Kumunot lang yung noo nya tsaka nag-iwas ng tingin. Aba aba, umiiwas.
"Hoy, sagot."
"Ano ba umalis ka nga dyan. Isasalang ko pa yung mga de kolor sa washing---JR!" Sigaw nya, sinapo ko kasi yung magkabilang pisngi nya at sapilitang hinarap saken.
Doon ko lang napagmasdan ng maigi yung mukha nya.
This is the first time that I stared on his face. Ngayon ko lang din nalaman na hindi brown ang kulay ng mata nya, actually it's amber. Ang manly ng features nya pero yung ugali nya pang-teenager na patpatin.
He has this anime-shaped face, hindi kasi sya mapanga tulad ng ibang lalake pero tama lang yung hugis ng mukha nya, bagay na bagay sa kanya. He also has this semi-thick eyebrows, long thick eyelashes, pointed nose and this small reddish lips that looks so edible. My eyes stopped there. Those lips, I wonder how it tastes like. I've kissed a man once when I was in college where I lost my virginity, the rest is women. I didn't enjoy kissing a man. It was awful.
Ramdam kong gumagalaw yung panga nya. Kita ko din yung adams apple nya, malamang ay lumulunok-lunok.
I've never seen anyone this beautiful, alam mo yon? Maganda syang lalake. Hindi sya ganon ka masculine tignan, may halong feminity pero hindi nakakabakla ng image.
"Bakit hindi mo ko pinapansin? Answer me."
"P-pero---"
"Talk." Utos ko habang nasa labi pa rin nya ang tingin, "Or I'll crush your lips into mine."
Kita ko kung paano sya natigilan, maski ako natigilan sa sinabi ko pero gusto kong matawa nang makita ang pamumula ng tuktok ng mga tenga nya. Dyahe, crush ba ko neto?
"Ano na?"
Ilang beses pa syang lumunok-lunok bago nag-iwas ng tingin saken. Kinikilig yata toh eh. May palunok-lunok pang nalalaman.
"Naiinis kasi ako sayo."
"Bakit?" Binasa ko yung ibabang labi ko, "Dahil ba kanina?"
Dahan-dahan syang tumango na parang bata kaya napangisi ako.
"Anong kina-iinis mo saken?"
"Yung ano..." Pinagdikit nya yung dalawang hintuturo nya habang bahagyang nakayuko, gawain nya yan eh, "Yung mga sinabi mo. It's like your pointing out that boys can't love the color pink because it's feminine, same with girls that loves the color blue. You're in the same side with that woman." Kumunot yung noo nya, "Naiinis din ako sa kanya, she's dictating her kids on the things they should have based on their gender, ni wala man lang consideration sa kung anong gusto ng bata. That's unfair. Parents like her should always support their children except to the things that may cause harm to them."
Tumaas yung kilay ko, "So your point is?"
"Ang punto ko dito ay hindi dapat nilalagyan ng label ang mga bagay-bagay na gusto ng isang tao, para kasing nagkakaroon ng limit sa gusto ng isang tao for example, I love pink but I can't wear pink whenever I'm working because the public will see me as a gay even though I'm not." Bumuntong hininga sya, "That kids will grow up having a point of view that there are things in this world that is only meant for boys or girls, na kapag ang lalake ay may pagkamalambot ay bakla agad, kapag ang babae ay maangas kumilos ay tomboy agad. That pink is for girls only and blue is for boys only, hanggang sa lalawak ng lalawak that it will not just about the colors anymore, but also about rights, priveleges and other things that matters."
Medyo napanganga ako don ah. Mukhang malalim nga pinanghuhugutan neto, pang-essay na yung mga sinabi nya eh. Ang seryoso nya talaga habang sinasabi yon na akala mo nasa isang press conference pero nauunawaan ko naman yung point nya. He's right though.
"We should always be fair. Masculinity and feminity is for both gender. Let men be feminine and let women be masculine, very simple. They don't tell us what to do and what not to do." He shrugged.
Napangiti ako sa sinabi nyang yon. Nice, gusto ko yung sinabi nyang yon. Alam ko kasi sa sarili kong mas masculine pa ko sa kanya at nakaka-encounter din ako minsan ng mga taong pinagsasabihan ako na dapat mas umakto akong babae dahil daig ko pa lalake.
Well, kaya ko naman talagang daigin ang lalake pwera lang sa katotohanang hindi ako makakabuntis. So, yeah.
"So pano yan, papansinin mo na ko?"
Ngumiwi sya, "Oo na. May magagawa pa naman ba ako?"
Nginitian ko sya bago pinisil yung magkabila nyang pisngi.
"Aww! It hurts!" Reklamo nya pero tinawanan ko lang sya.
"Ang cute mo! Mukha kang ulol na bulldog!" Pumula nanaman yung pisngi nya kaya tinawanan ko sya ng mas malakas. Tae. Crush talaga ako neto, ininsulto na kinilig pa yata.
Umingos lang sya at ngumuso kaya napatitig akong muli don sa labi nya. Ang cute nya kapag ngumunguso sya eh. Parang ang sarap pamagain.
"Umalis ka na dyan, tatayo ako."
"Bakit?"
"Maglalaba ako."
"Hindi ka pa tapos?"
Sinamaan nya ko ng tingin, "Kasasabi ko lang na may mga de kolor pa dib---" Di ko sya pinatapos.
Hindi ko din naman alam kung bakit ko ginawa yon pero oo, hinalikan ko sya. Tsaka lang sumagi sa isip ko ang isang ideya.
Mukhang alam ko na kung paano gagawin yung misyon.
(Eren's POV)
Alam kong ang laki-laki na ng mata ko sa sobrang gulat, paano ba naman kasi bigla nyang sinubsob yung labi nya saken!
I can't move. I know how to kiss. I've kiss a lot of actresses but now I feel like I can't. Para na kong tanga na nagyelo dito, especially when she started to move.
She started to kiss me expertly, biting my lower lips as if she's trying to make me open my mouth and I just did. My lips parted and she immediately swirled her tongue inside, exploring and tasting every inch of my mouth. I can't help but to shut my eyes close and respond.
We never kiss nor hug. Kahit noong pumayag akong makasal sa kanya, hindi kami naghalikan. Minsan nacu-curious ako kung ano ang pakiramdam kung sya ang hahalikan ko, pero ngayong alam ko na eh parang ayaw ko ng umulit.
It feels like I don't want to stop.
Hindi ko na din napigilan yung kamay kong bumaba sa bewang nya, ramdam ko din yung init ng katawan nya nang umurong pa sya palapit saken.
"Hmn..." I moaned when she began sucking my tongue. She's kissing me hard that I can't even follow. She's good at it.
Her kisses sent a lot of unknown feelings on me. It's new to me, it is something that I've never felt before towards any woman. This is somehing hot, exciting, unresistable and...desire.
Dumiin yung pagkakapikit ko nang makaramdam ng kung ano sa puson ko, it's building up there. Parang may kung anong gustong kumawala and my length, I can feel it's becoming hard and erect that made me frown. Tokwaaaa! She's sitting on my lap!
"I didn't know that your lips are this soft..." She said in the middle of our kiss, "I could kiss you all day..." That made my heart flutter and made me confused at the same time.
What is this feeling? Tokwa, ano toh?
Our kiss was about to go deeper when we heard the door opened.
"I've brought you a bucket full of frenchfries and a whole pitcher of cokefloat specially made by Theodore---Oh..."
Sabay kaming napalingon doon, only to see Jace holding a plastic bucket and a pitcher with eyes widening in disbelied while giving us a 'wtf' look that made my whole face red. Tokwa. Nakita nya.
"Ahm. Okay? Should I... Ahm..." Tinuro nya yung pinto, "Should I leave now?"
Dinig kong tumawa si JR bago tumayo at inayos ang sarili, "Wag na. Aalis na din naman ako at isa pa," Dinampot nya yung brown envelope doon sa sala table tsaka ako nilingon, "Tapos na din naman kame." Sabay kindat at binasa pa ang labi gamit ang sariling dila na ikinabato ko. Lalo an ng ngumisi sya.
Sinundan ko sya ng tingin nang maglakad na sya patungo sa pinto. Tinapik pa nya si Jace sa balikat bago tuluyang lumabas. Ilang segundo muna ang lumipas bago kami nagkatinginan ni Jace, parehong namimilog ang mga mata. Tokwaaaaa!
"What the f**k dude!? Naglaplapan kayo!?" Tanong nya agad nang makalapit saken at makaupo sa tabi ko bitbit pa rin yung pagkain na dala nya, "You're blushing!"
Tinakpan ko yung mukha ko, "S-she kissed me! I don't know what happened but I responded!"
"I know! I saw you!" Umawang yung labi nya, "You sly innocent baby! Nilaplap mo sya!"
"Oo na tokwa ka! Wag ng paulit-ulit!"
I heard him laughing that made my face as red as a tomato. Nakakahiya! Nakita pa ni Jace!
"Ay ay, nagbibinata ka na ah? Proud na proud ako sayo, Eren." Tinabig ko yung kamay nya ng guluhin nya yung buhok ko na parang bata.
"A-ano ba! D-don't touch me!"
"Sungit ah! Hahahaha! Ano, hindi ka ba magbabanyo?" Natatawa pa rin nyang anya pero taka ko syang tinignan. Anong klaseng tanong yon?
"Bakit mo naman tinatanong kung magsi-CR ako?" Nginuso nya yung bandang baba kaya napatingin ako doon at namula.
"You're having an erection, Eren. You need to jack it off or else sasakit yan maghapon."
Napasinghap ako tsaka tinakpan yung nasa pagitan ng hita ko, "Tokwa ka ah! A-alam ko yon!" Tumayo ako para pumunta sa CR, "A-anong tingin mo saken!? Hindi nag-aral ng s*x education nong highschool!?" Padabog kong sinara yung pinto ng CR.
Dinig ko yung malakas nyang halakhak kahit sarado na yung pinto kaya pinadyak ko yung paa ko sa sahig bago pumasok sa paliguan at agad na binuksan ang shower.
Kainis! Nakakainis! Bakit kasi nanghahalik sya bigla!? Nakakaasar talaga ang abbaeng yon! Aaaargh!