Chapter 9

4202 Words
Chapter 9 (Eren's POV) "THANK you, Eren! Goodjob sa atin!" Bati ni Jon matapos i-ere ang live show nya. Nakipag-fistbump sya saken bago nagpasalamat sa pag-attend ko sa show nya, binati nya din ako para sa upcoming movie na ipapalabas in next three months. Nagkamustahan lang kami ng kaunti bago sya muling nagpasalamat at tuluyang nagpaalam. Ilang fans pa ang humarang sakin para magpapicture at magpa-autograph. Medyo nainitan nga lang ako kasi madami-dami sila, nasisiksik ako sa gitna. Tumagal iyon ng ilang minuto bago tuluyang pinalabas na ng staffs yung audience. Nginitian ko lang ang mga staffs na bumabati saken at tinanguan habang papalapit ako kayna July at Tatang. Nasa gilid sila ng isang cameraman sa may likod ng audience banda. "Grabe fafs! Tignan mo naman at millions ang views ng show kanina at dahil yon sayo!" Kinikilig nyang anya nang makalapit sya saken, "Tignan mo! Trending ka nanaman! Kaloka ka ah!? Double kill na yan ah!" Pinakita nya saken yung screen ng phone nya, totoo ngang ako nanaman ang top sa mga hashtag-hashtag na yan. Kumurap-kurap ako nang makitang pangalawa doon yung #YvEn. "Goodjob, Eren!" Tapik ni tatang sa balikat ko, "Dahil dyan eh mas lalong lalakas yung hatak ng pelikula nyo." Kinamot ko yung pisngi ko. Kaya pala sabi ni tatang go with the flow lang ako sa tanong, sakyan at um-oo hangga't maaari. Strategy nya pala yun para makahatak ng mas maramig viewers. Nagpaalam si tatang na mauuna na sa parking lot para maihanda yung van. Nilibot ko pa yung paningin ko sa paligid pero hindi ko sya mahanap. Ayoko namang magtanong kay July dahil aasarin nya lang ako, mas lalo naman kay tatang dahil bubulyawan lang ako non. Pero dahil di ko ko sya makita eh halata namang hindi talaga sya pumunta. *Shrugs* De bale, ayos lang, mabuti na yon para di na sya mapagod para lang bantayan ako. Kahapon kasi ginabi na kami natapos sa fanmeeting, halata kong napagod sya. "Uy, hinahanap mo yung lamok?" Tinaasan ko ng kilay si July, "Ano?" Parang may narinig akong sinasabi nya eh, di ko lang naintindihan. "Taray naman! Same na same yung reaction nila!" Natatawa nyang anya habang pumapalakpak, "I kennat!" Hala. Natimang na. Inilingan ko lang sya bago kami magkasabay na nagtungo sa dressing room para kunin yung ilang gamit nya doon. Sandali din akong naghilamos, binura ko yung concealer ko sa leeg na nilagay ni July dahil nalagyan yung kwelyo ng shirt ko. Nagpalit din ako ng sando lang tsaka ko pinatungan ng jacket, ayos lang para matakpan yung mga marka. Di naman kami nagtagal at dumirekta na kami agad sa parking lot, napuno nanaman ng kung ano-ano yung isip ko. Kung hindi sya pumunta sa show ko, saan naman kaya sya nagpunta? Umuwi na kaya sya? Hindi naman kaya... "Bar?" Bulong ko sa sarili ko. Tama. Baka nagtungo sa bar. Siguro nag-iinom nanaman sya doon, tapos may babae nanaman, tapos pag-uwi ko mamaya sa unit eh hostage nanaman nya yung kwarto't kama ko. (_ _)... Hmn... Anong kulay naman kaya ng underwear ang maiiwan doon sa kwarto ko? Panibagong labahin nanaman toh. Sana man lang ano? Maisip nya na imbes mambabae at mag-inom sya sa mga oras na toh eh dapat nagpapahinga nalang sya. Matulog sya ng maaga! Ganon! Hindi yung party sya ng party, hindi naman sya habang buhay na malakas eh kaya dapat inaalagaan nya yung sarili nya! Grabe gusto ko syang kaltukan, pramis! Pero syempre joke lang yon. Takot ko lang sa kanya ano. (_ _')... Malapit na kami sa parking lot nang makarinig kami ng ingay ng mga tao. Mukhang nagkakagulo sila doon, di kalayuan sa pinagparkan namin ng van. "Hala, anyare?" "Ewan ko." Kibit balikat kong sagot kay July. Hindi naman na kami lumapit doon. Ang daming tao eh, nandon yung karamihan sa mga staffs tsaka para silang nagpapanic na ewan. Agad nalang kaming pumasok sa van at nag-ayos-ayos ng mga gamit. Maya-maya ay pumasok na din si Tatang, pawis at nakasimangot habang ini-start ang kotse. Binuksan nya din ng mahina yung radyo para may tugtog. "Anong meron tatang?" Usisa ni July na nasa tabi ni tatang. Mag-isa naman ako sa likuran nila nakaupo. "May umatake kay Jon." "Hah!?" Sabay naming saad, hindi makapaniwala sa narinig. Si Jon!? Eh kaka-paalam palang nya samin kanina eh! "Paano nangyare yon?" July Dumukwang ako sa upuan nila, "Oo nga, panong nangyare yon?" "Walang nakakaalam kung ano talaga ang nangyare bukod kay Jon mismo kaya malalaman natin yan kapag nagising na sya." Nakakatakot yung ganon. Paano kung isa sa mga hater nya yon o di kaya'y kaaway nya? Delikado masyado para sa kanya, paano nalang kung walang nakakita sa kanya? Baka napano na sya kung ganon! Ang mas malala nyan ay baka balikan sya! "Seryoso ba yung tama nya?" Nag-aalala kong tanong, baka mamaya kung ano ng lagay nya. Nag-aalala ako para sa kanya. Bumuntong hininga naman si tatang, bakas na hindi maganda yung sasabihin nya. "Hindi pa sigurado dahil katatawag palang ng staffs sa ambulansya, pero base sa nakita ko kay Jon eh mukhang malala ang tama nya." "Bakit naman?" July "Knock out eh." Lalong nadagdagan yung pag-aalala ko ng dahil don, "Dumudugo yung ilong tapos tirik ang mata. Pinuruhan nung gumawa eh." Tumingin sya saken mula sa rearview mirror gamit ang naniningkit nyang mga mata. "Kaya ikaw, Eren, hangga't maaari eh wag kang hihiwalay dyan sa asawa mo kapag wala kami ni July sa tabi mo. Tutal naman ay nagpresinta na din naman syang maging bodyguard mo, dapat ay panindigan na nya." Nakanguso akong tumango sa kanya bago bumalik sa kinauupuan ko. *** HALOS kaladkarin ko na yung sarili ko matapos lumabas mula sa banyo. Pagkatapos kasing maligo at mapreskuhan eh nakaramdam ako bigla ng antok. Siguro dala ng pagod mula kahapon. Ilang beses akong humikab habang naglalakad patungo sa kusina ng unit ko, nako baka kumulo na yung tubig sa sinalang kong takure. Kanina pa ko naka-uwi. Mga alas-singko eh nasa unit na ko, mali naman ang hinala ko na may babae si JR dahil wala naman sya sa unit pagdating ko. Mukhang hindi din naman sya galing dito eh, wala kasing bakas ng mga pinagkalatan nya, malinis pa din nang umuwi ako. Tanging pink cotton pants lang ang suot ko. Hindi na ko nag-abalang magshirt o sando dahil mukhang hindi nanaman dito matutulog si JR. Ewan ko ba sa tokwang babaeng yon, hindi man lang nag-a-abiso kung saan sya matutulog. "Bahala sya sa buhay nya." Pinunasan ko yung basang buhok ko gamit ang twalyang nasa ulunan ko, "Ginagawa naman nya kung anong gusto nya, walang kwenta mga bilin at paalala ko kaya bahala na talaga sya sa buhay nya." Naglabas ako ng iilang gulay at karne mula sa ref at nilagay malapit sa lababo. Hindi pa naman umingay yung takure kaya inumpisahan ko muna iyong hugasan at linisin bago isa-isang hiniwa. Magluluto ako ng hapunan eh. Pero nacu-curious talaga ako kung saan sya natutulog eh. Maayos kaya syang nakakatulog sa tinutuluyan nya? Malambot ba yung hinihigaan nya? Malinis ba? Nag-aalala ako. Baka mamaya nilalamok sya, hindi sya nakakatulog ng may lamok! Umiinit pa naman yung ulo nya kapag nakakarinig sya ng 'buzz' ng lamok malapit sa tenga nya. Lamok...? Bigla nalang umalingawngaw yung boses ni July sa tenga ko. 'Jhayreinsis Arrianesis ba yung breed na toh?' I frowned, "Oo." Binalatan ko yung sibuyas bago inilagay sa chopping board at sinimulang hiwain. 'Nakatirintas ba yung hair ng lamok?' "Oo. Dalawa, sa magkabilang gilid." 'Ay nako, sundalo siguro yung lamok, ano?' "Isang malaki at talaga namang nakakainis na sundalong lamok!" Tinadtad ko sa pinakamaliliit na piraso yung malaking puting sibuyas. 'Palaban siguro yung lamok kaya anlalaki ng marka mo, di ka nakapalag sa 'regular sized' na lamok.' Pumikit ako at bahagyang umiling para mawala yung imahe ng mukha nya sa isip ko. Tokwa talaga! Nagri-replay nanaman sa utak ko yung eksena namin sa ring kanina! 'di ka nakapalag sa---' Padabog kong binitawan yung kutsilyo sa chopping board, "Sinubukan kong pumalag sa kanya ah! Sadyang malakas lang sya kaysa saken!" Nameywang ako, "Alam mo nakakawalang gana yung mga pinagsasabi mo sa isip ko! Naiinis na ko!" Muli kong hinawakan yung kutsilyo at kinuha yung patatas na binalatan ko kanina para yon naman ang hiwain. 'Say that again.' Natigilan ako nang yon na ang marinig ko. Kumurap-kurap ako para alisin yun sa isip ko kaso pagmulat ko ay para akong nananaginip. Paano kasi ay parang naroon ulit ako sa eksenang yon. Nakahiga sa ilalim nya habang sya ay nakaupo sa sikmura ko. I don't know why but I unconsciously cleared my throat, "Ang alin?" I asked. 'My name,' She leaned on me katulad ng ginawa nya kanina. Kopyang-kopya non yung nangyare, 'Say my name again, babe.' Umawang ng konti yung labi ko nang ang boses ng host na si Jon ang pumalit sa boses ni JR. 'Do you like her ba?' I bit my lip, suppressing a smile while reminiscing those lines. Si JR? Panong like ba kasi... Isinagot ko nalang kanina ay 'as a co-worker' dahil magkatrabaho naman talaga kame, sa ngayon hehehehe. Nang tinanong naman kung as a lover eh natigilan ako ng konti doon. Bigla kong naalala lahat ng mga pinaggagawa nya saken. Pinakiramdaman ko yung sarili ko non at syempre sinabi ko yung pinaka-safe na sagot na alam ko. Why not? Aaminin ko hindi naman talaga madaling magustuhan si JR, lalakeng-lalake kasi sya kung kumilos! Tapos ang angas-angas, akala mo laging may kaaway. Pero... Hehehe. Bakit naman hindi, diba? Hehehe. "Aray!" Daing ko matapos mahiwa yung daliri ko sa kutsilyo, nagulat kasi ako sa pagpito nung takure. Binitawan ko yung kutsilyo at agad na pinatay yung kalan bago pinakatitigan yung sugat ko, medyo malalim yon kaya talaga namang ang hapdi. Dagdag mo pa na may kalakihan dahil nagulat nga ako! Huhuhu. Daming dugo. Ngumuso nalang ako bago akmang kukunin yung apron na nakasabit sa gilid ng ref para doon ipunas yung dugo nang may humatak bigla sa pulsuhan ko na naging dahilan din ng paglingon ko. Then I saw her. She's there. Holding my wrist while my wounded finger is already inside on her warm and wet mouth. "N-nandito ka." Ilang lunok ang nagawa ko dahil doon. Hindi lang dahil sa nagulat ako na nakapasok sya ng hindi ko man lang naririnig kundi doon sa sensasyon na binibigay nya mula sa pagkakasubo nya sa daliri ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ng sipsipin nya iyon, kung yung hapdi ba o yung init na dinulot non. Kung ano-ano na yung pumasok sa utak ko na pilit kong iniiwasan. I should not think anything about lusting over her. It's no use. She's a lesbian. Iniwasan kong kagatin yung ibabang labi ko, naalala ko kasi kung anong ginawa nya saken nang huling beses kong kagatin ko yon. Kaso nanuyo naman yung lalamunan ko habang nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko lumamlam yung mata ko habang pinagmamasdan syang sipsipin yung sugat ko. I also felt my length hardened just by seeing her sucking the blood from my wound. She's sucking it hard while her tongue is twirling around my finger that made me swallowed so many times even though there's nothing on my throat. Suminghap ako nang isubo nya ng buo yung daliri ko bago binitawan. I blushed. Tokwa... "Damn it, Eren." Mura nya matapos itapat sa gripo yung daliri ko at hinugasan yon, "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo at sa simpleng paghihiwa eh nasusugatan ka pa?" I cleared my throat, "Uhm... I... I don't know..." Yumuko ako ng konti para iiwas yung tingin ko sa kanya. Tokwa talaga! Namumula nanaman ako! I saw my bulge in the middle of my legs and my eyes automatically widens. Oh no no no! No! "Shhhh! Behave! Behave!" Bulong ko sa ano ko kahit di naman sasagot iyon! Aaargh! Laking pasalamat ko at hindi naman nagtagal yung pag-iinit na naramdaman ko. Humupa naman sya kahit papano. Palatak nya lang yung narinig ko pagkatapos hugasan yung sugat ko, tapos nun ay marahan nya kong hinila patungo sa kalapit na dining table. Humatak sya ng isang upuan at pinaupo ako doon. Umalis sya pero agad ding bumalik, nilapag nya ang first aid kit sa mesa at binuksan yon. Nanatili lang akong nakayuko, nasa mesa ang tingin. Ano bang nangyayare saken? My heart is palpitating so hard and fast. Parang may kung anong nagkakarerahan sa loob ng ribcage ko na anumang oras ay kakawala. Ang lakas at ang bilis ng t***k. Huminto yung pagmumuni-muni ko nang hawakan nya yung baba ko para iangat yung mukha ko kung saan nagsalubong ang tingin namin. Kunot na kunot yung noo nya habang hawak pa din ang kamay ko. "You okay?" She asked. Sounded so worried. "Y-yeah." "Are you sure?" Sinalat nya yung noo at leeg ko kaya medyo nanigas ako, tokwa talaga, "Hindi ka naman nilalagnat. May iba ka bang nararamdaman?" 'Init ng katawan.' Saad ng isip ko pero ang naisagot ko sa kanya ay isang mabilis at paulit-ulit na iling. Tumango lang sya bago nagpatuloy sa ginagawa. Bumaba yung tingin ko sa kamay nyang nakahawak sakin. She's putting some disinfectant on the wound before wrapping it on a pink band aid with a cat design on it. *GULP* My finger looks so cute on the pink band aid. Ang cute din nung mga pusa na design non, iba-iba kasi yung mga pusang nandoon. Umangat yung tingin ko sa kanya at napalunok. "A-ako na ang magluluto!" Pigil ko sa kanya nang tumayo sya at didiretso sa lababo. Umiling lang sya at dinuro ako kaya medyo napasiksik ako sa kinauupuan ko. Hindi naman sya mukhang galit pero hindi din sya mukhang nasa magandang mood. "Stay there." "P-pero kaya ko namang magluto!" "You're wounded. Ako na ang tatapos neto." She said in a firm voice, stating that it's final. "Maliit lang naman yung sugat ko eh! Hiwa lang toh---" I stopped talking when she cornered me between the table and the chair where I'm currently sitting. Her face is only three inches away from mine and I can't help but to take a gulp. She's so near again. So near. "You think you can just run that pretty mouth of yours whenever you want, Eren?" Jhayrein whispered, where I inhaled some of her minty breath, I think it came from some gum that she chewed earlier before she came here. Out of nervousness and fear that she might do something unexpected, I shook my head multiple times. I saw how her eyes burned with something... something like... ...like desire... "Yell at me again," She licked her lower lip while looking down on my own lips before letting out a smirk, "and I'll give you a real reason to scream." (JR's POV) "Oh, suot." Sinambot nya yung shirt na ibinato ko sa kanya. Kita ko kung paano tumulis yung nguso nya bago tuluyang isinuot yon. Taeng nilalang na toh, gumagala-gala sa loob ng unit nya na cotton pants lang ang suot. Gabing-gabi na binabalandra pa yung katawan nya, paano kung sipunin sya? Tukmol lang. Nailing nalang ako bago kinuha ang apron at isinuot sa sarili ko. Dali-dali kong sinimulan yung paghihiwa ng patatas para mailagay ko na sa kaldero. Natawa pa ako nang makita yung durog-durog na sibuyas na puti, it should have been sliced into a ring, talagang occupied yung maliit nyang utak kanina kaya ganito ang nangyare. As I've said last time, I know how to cook but not as good as Eren. Masasabi ko naman na pwedeng kainin yung luto ko, hindi nakakalason. Matapos kong maisalang yung kaldero na may laman nung ingredients ay kinuha ko naman yung takure at isinalin sa isang thermos, doon ko lang napansin na nakatayo na sya sa lalagyan ng mga pinggan. Kumukuha na sya ng mga gagamitin sa pagkain. Kita mo lang talaga tong lalakeng toh, sinabihan ko na syang maupo pero hindi talaga nakikinig. Ay ewan! Bahala sya sa buhay nya. Chineck ko yung rice cooker at napangiti ng makitang may sinaing na. Naupo nalang ako sa upuan katapat nya. Inaayos nya yung mga gagamitin namin, naglabas na din sya ng pitsel at may mga baso na din. "Hindi ka talaga mapirmi sa kinauupuan mo eh, noh?" Tumulis nanaman yung nguso nya bago tuluyang naupo sa harapan ko. Para syang batang napagalitan dahil bahagya syang nakayuko, nilalaro-laro din nya yung mga daliri nya, as usual. I sighed before asking, "May sasabihin ka ba?" Agad naman syang nag-angat ng tingin saken, halatang nag-aalinlangan, "Meron sana..." "Sige." Sinenyasan ko syang sabihin na kung ano yung sasabihin nya. Naka-ilang kamot muna sya sa ulo bago tuluyang nagsalita. Parang ewan. "Hindi ka pumunta sa guesting ko?" "Pumunta." "Talaga!?" I saw how his eyes gleamed, bumalik yung sigla nya na parang batang inabutan ng sandamakmak na kendi kaya nangisi ako. Umangat yung mga kilay ko ng pag-untog-untogin nya yung dalawang hintuturo nya habang pigil ang ngiti. Kamukha nya yung sticker sa messenger, si Qoobee. So fuckin adorable. Plus the pink band aid on his finger, f**k. "Ano... edi napanood mo pala ako." "Yeah." "Ganon." Lumapad yung ngiti nya bago humalumbaba sa mesa, parang nagkikinangan na ewan yung mga mata nya. Baliw. "Pero hindi kita nakita doon." Sumandal ako sa upuan habang nakahalukipkip, "Nasa gilid lang ako, nanonood." "Pero bakit nung natapos na hindi na kita mahanap?" "Hmn... May ginawa kasi ako." Lalong umangat yung sulok ng labi ko habang inaalala yung ginawa ko kanina. * F L A S H B A C K * Nakahiga ako sa mismong bubong ng jeep ko kung saan ang mga braso ko yung inuunanan ko. Nakakunot yung noo ko habang nakatitig sa kisame ng parking lot, nasa lower ground floor kasi to ng building kung saan ginaganap yung show kaya madilim yung paligid. Dito ko din sa pinaka-dulo pinark yung sasakyan ko para wala masyadong makapansin saken. Ewan ko ah, pero ang init ng ulo ko ngayon. Napipikon ako na ewan. Gusto kong manapak bigla eh. "That bastard is an attention seeker." Tumaas yung kilay ko bago tumagilid para silipin yung nagsasalita. I pursed my lips when I saw that host, yung babading-badig na host. Padabog syang naglalakad habang mura ng mura, he's talking to someone on the phone. Tapos na siguro yung show. "Bakit mo ba ininvite yon sa show ko?...I know! Kaso nakakainis! Syempre hahatak lang ng views yung show ko ng dahil sa kanya, hindi dahil saken mismo! That's unfair!" Oh, is he pertaining to Eren? Napangisi ako. So ayaw pala ng gagong toh na nasasapawan sya, huh? Tsk tsk tsk. Poor him, kahit kasi magtabi lang sila eh talaga namang masasapawan sya. That host is good-looking, but Eren is undeniably handsome and better at all aspects, even in attitude. "Tsk. I hate him." Huminto sya sa paglalakad. The next thing that he said triggered me. "Should I look for some of his past issues? Para uminit ulit yung mata ng madla sa kanya." I gritted my teeth and clench my fist as I stood up and jumped from the roof of my jeep, I took my jacket inside my car and immediately wore it. Tinaas ko yung hood ng jacket ko tsaka ako umikot sa mga sasakyan para makasalubong ko sya. Nakikipag-usap pa rin sya sa cellphone nya nang makaharap ko sya. The heat inside my head increased right after seeing him and I don't know what happened to me but when I stopped walking inches away from that bastard, I prepared myself and did one of the best things that I've ever done in my life. Kusang umigkas yung kamao ko na agad na tumama sa ilong nya. His eyes became watery while holding his bleeding nose, a gulat nya eh nabitawan nya yung phone na hawak nya. "DAMN!!!" His hands and legs are trembling while stepping backwards, "W-who the hell are you!?" He yelled. Gulat sya eh. "Have you heard the name satan?" I grinned, "I'm one of his descendants." My clenched fist hit his diaphragm that made him kneel on the floor while holding his aching upper torso, I can also hear his hard breathing but instead of stopping, I grabbed his hair to make him look at me straight in my eyes. He's unable to see my whole face because of the darkness but I know that he can see the burning rage in my eyes. He quivered in fear, especially when I squatted in front of him. "Meron kang tatlong bagay na dapat tandaan, Isang beses ko lang sasabihin toh kaya makinig kang mabuti dahil ayokong nagpapaulit-ulit ng sinasabe dahil naiirita ako kapag ganon." Sunod-sunod naman syang tumango. "Una, wala kang nakita. Pangalawa, wala kang narinig at pangatlo, wala kang sasabihin." Tumalim yung tingin ko sa kanya, "Kapag may nakaalam ng kung anong pinag-usapan natin dito, asahan mong magkikita tayo at ihahatid kita sa impyerno." "O-okay!" Ngumiti ako tsaka ko ginulo yung buhok nya na parang ang bait-bait nyang bata, "Very good." Anya ko. Tinulungan ko syang tumayo ng maayos habang hawak pa din nya yung sikmura nya, "Nagkakaintindihan naman pala tayo ng maayos. Naku tignan mo yung nguso mo may dugo na din, punasan nga natin yan." Pinagpag ko yung damit nya at kumuha ako ng panyo sa bulsa ko para punasan yung ilong at bibig nya. Kita ko yung paano sya napangiwi sa sakit dahil don kaya ngumiti lang ako. He's still trembling, napuruhan ng husto. "Ayan. Tapos na." Pinagpag ko yung kamay ko, "Oh pano, mauna na ko ah?" Tinapik-tapik ko sya bago ako tumalikod para maglakad palayo nang may maalala ako. "Ah, nga pala may nakalimutan ako." Muli akong humarap sa kanya, sa gulat nya sa ginawa ko eh hindi na sya naka-atras. Inasinta ko lang naman yung mismong panga nya at pinanood syang bumulagta sa sahig. Knock out. I just inserted my hands inside my pocket while glaring at him. "No one is allowed to curse at my husband except me." * E N D O F F L A S H B A C K * Sa totoo lang ay hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Nasisiraan na nga yata talaga ako ng bait. Paanong hinde? Binalibag ko lang naman yung host ng show kanina sa sobrang inis ko. I don't know what happened to me, I just did it out of frustration. Ni hindi ko alam kung bakit mainit yung ulo ko? Dyahe talaga. Right after that eh umalis ako agad sa set at dumiretso sa bar ni Charlotte para mag unwind. I'm trying to flirt some women out there but my mood is not cooperating. Hindi nakikisama yung timpla ko, mainit yung ulo ko sa di malamang kadahilanan kaya imbes na makakuha ng babae ay napa-away pa ko sa ibang customer na nag-iinuman doon. Aba, pasalamat sila at naawat ako ni Charlotte because if not? They might be resting now six damn fuckin feet under the ground. After that dito na ko dumiretso. Ilang beses ko pang inuntog yung ulo ko sa pinto ng unit nya bago tuluyang pumasok. Tae, wala talaga akong balak umuwi dito! It's just that my feet brought me here as if it has its own mind. Then naabutan ko syang kinakausap yung sarili nya. Natawa ako sa narinig ko kanina. Obviously eh ako yung lamok na tinutukoy nya. Sira ulo lang. Sinong matinong tao ang kakausapin ang sarili? Magagalit tas biglang tatawa na parang sira, nagkikisay pa na parang kinikilig. May saltik lang ano? "Ano nga yung ginawa mo?" Pangungulit nyang tanong saken pero nginitian ko lang sya. "Secret." He grimaced, "Tokwa. Ang duga naman." Gusto kong matawa nang tumulis nanaman yung nguso nya. Parang bata. "Eren." Tawag ko sa kanya, nakahalumbaba sa mesang lumingon sya saken, tumaas pa ang parehong kilay. "Hmn?" "Magkwento ka nga." "Huh?" He blinked so many times while tilting his head, "Anong ike-kwento ko sayo?" "Kahit ano. Basta paganahin mo yang bunganga mo." "Hmn..." Kinamot-kamot nya yung sariling pisngi bago nagsimulang magsalita, "Ano... Mahilig ako sa pink." I scoffed, "Gago, wala na bang bago? Matagal ko ng alam yan eh." He pouted then smiled widely. "Mahilig din ako sa pusa!" "I know." "Eh... mahilig din ako sa strawberry!" "Punyeta ka talaga," I did a face palm, "Magkwento ka ng mga bagay na hindi ko pa alam!" "My family disowned me." I froze. Pakiramdam ko naputol yung paghinga ko, hindi dahil sa sinabi nya kundi sa ekspresyon na nababasa ko sa mukha nya habang sinasabi nya yon. "I'm a shame to my family. I'm different from my siblings." He laughed, "At pag sinabi kong iba, as in, ako ang nag-iisang naiiba sa mga kapatid ko." "Eren..." I uttered, I was about to stop him from talking when he smiled wider before continued talking. "They disowned me for being feminine." He's smiling from ear to ear, as if it's nothing but his eyes says everything. Indeed, He's an actor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD