Chapter 16

3388 Words
Chapter 16 (JR's POV) "WALANG nag-match ni isa sa mga DNA na ipinadala mo." Natigilan ako mula sa pagsusuklay ng mamasa-masa kong buhok, "Seryoso ba?" Kalalabas ko lang ng CR. Mga trenta minutos din akong nagbabad doon sa tub, the warm water soothed my tired and aching body. Guminhawa kahit papaano yung putanginang katawan ko. "Hmn..." I heard Chryseis hummed in the other line, "It's all negative." Padabog kong nilapag yung suklay sa tukador sa may tapat ng salamin dala ng iritasyon. Badtrip. "Napuyat ako kakapuslit sa di mabilang na bahay tapos negative pa den!? Fuck." Nagpakahirap akong iwasan lahat ng CCTV's at kung ano-ano pang hightech security sa bahay ng mga pinaghihinalaang 'suspects' na yon tapos wala pa ding nagmatch!? Sayang pagod! "Hindi mo naman pinuslitan lahat." "Kahit na!" I gritted my teeth and clenched my fist, "I entered more than fifteen houses this week, wala pa akong matinong tulog. Give me a fuckin break!" Sinubukan kong tumayo pero agad na nanakit yung balakang at gitna ng mga hita ko kaya paulit-ulit akong napamura, humawak ako sa tukador para alalayan yung sarili ko. Punyetang lalakeng yon, nagpakasasa ng husto sa katawan ko kagabi! Nangangatog tuloy yung mga tuhod ko! "JR, are you okay?" "Yeah, I'm fine." Sagot ko sa nag-aalalang tanong ni Chryseis, narinig nya yata yung pagmumura ko, "By the way, humanap ka nalang ng kapalit ko. I'll cancel the mission." "What!? But why!? Ikaw lang ang available for now!" "Hindi ka ba pwede?" "I'm busy. May pinapahanap sa aking royalty." Nilingon ko yung salamin ng tukador. Oh putangina talaga, tignan mo nga naman yung markang iniwan ni Eren sa leeg ko. Akala mo pinapak ako ng bampira, ang pupula! Umiling-iling ako tsaka inangat yung suot kong oversized shirt tsaka chineck kung may iba pa bang parte ng katawan ko yung may kissmarks. Gago talaga, pati sa dibdib ko meron. Dinig ko yung malalim na buntong hininga ni Chryseis sa kabilang linya kaya naputol yung pag-iisip ko, "Are you really sure about this?" "Oo." I pursed my lips before fixing myself and began to walk towards the door, I'm limping because of pain, "Kino-kontak na ko ni Colonel, pinababalik na nya ko sa serbisyo." "I thought you're still suspended?" "Reyna ang bumawe ng suspension ko, hindi nakapalag yung general." "So you're going home na?" I sighed, "No." "Why not?" "Basta." "Is this because of Eren?" Lumunok ako ng ilang beses matapos manahimik. Bigla nalang kasing sumagi sa isip ko si Eren matpos nyang banggitin yung pangalan neto, kung aalis ako edi maiiwan si Eren mag-isa dito---Teka nga bakit ko ba iniisip yon!? Eh madalas naman akong wala dito sa Pilipinas ah! Nabuhay sya ng higit pa sa anim na taon ng hindi ako kasama! Ano bang pino-problema ko!? Nag-s*x lang kami nagkakaganito na ko!? Parang tanga lang Jhayrein ah, parang tanga lang. "Hey, ano nga?" Umiling ako, "Basta, hindi pa ako uuwi." Tukoy ko sa bansa kung saan ako ipinanganak at kung nasaan yung pamilya ko nakatira. "You know what? Just tell him." "What?" I confusedly asked, "Tell him na ano?" "Tell him that you like him already." Lumaki yung mata ko, "Gago! Pinagsasabi mo!? Anong like him-like him!?" Nauntog yata tong si Chryseis kaya kung ano-ano yung pinagsasabi! Okay, sige, given na sinabi ko nga kahapon sa amusement park na pwedeng magkagusto ako kay Eren pero agad-agad!? Gago speed lang!? Porke may nangyare samin gusto ko na agad sya!? Baka isipin nya yun lang habol ko sa kanya ah! Ano ako, TT hunter!? Punyeta! "This is why Veronica kept on calling you dumb ass because you're dense as fuck." Pumalatak sya ng ilang beses, "Jhayrein Arriane, you've been married for six years already. Don't tell me you're still not over from your ex?" "..." She heaved a sigh, "Anyway, I suggest that you should try to work things out between you and your husband. Make your marriage work, be a real couple. Kasal ka nga, buhay single ka naman, are you not getting tired being alone?" Sarkastiko akong natawa, "Really, Chryseis? Coming from you whose still single at the moment?" "f**k you, just so you wait! I'll have a boyfriend soon!" Tumawa ako ng malakas nang bigla nyang patayin yung tawag. Pikon eh. Ibinulsa ko yung phone ko bago mabagal na naglakad palabas ng kwarto. I still can't believe that we had s*x all night long. Biruin mong may sa halimaw ang lalaking yon kapag nakakatungtong ng kama!? Kingina, daig pa atleta sa tindi ng stamina. He's fuckin rough. Who would have thought that he f***s like that!? Akala ko lalantoy-lantoy yon pagdating sa kama, yung tipong ako pa ang kikilos para lang matapos kami pero aba, ano bang malay ko na may talent din sya sa pagiging porn star!? Kung alam ko lang edi sana hindi ako nagpadala! Hindi sana masakit tong katawan ko. Bumuntong hininga nalang ako bago tuluyang nakababa sa first floor. Maglalakad na sana ako patungo sa kusina nang lumabas sya mula doon at agad na lumapit patungo saken tsaka gago nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Walang salitang pinangko nya ako tsaka binitbit patungo sa sala. "Teka, akala ko ba mag-aalmusal tayo?" "Dadalhin ko nalang sa sala para di ka na maglakad papunta doon." Iniupo nya ko sa sofa pero nakapatong doon ang mga paa ko bago hinalikan sa pisngi, "Kukunin ko lang yung pagkain natin." Kunot-noo kong sinundan sya ng tingin. Aba't ang seryoso naman neto. Gagi di ako sanay, epekto ba yon ng s*x sa kanya? Baka nag-change personality na kasi nakapag-withdraw na ng semilya. Hinintay ko lang sya na mailabas lahat ng pagkain na niluto nya mula sa kusina at ilagay nya yon sa sala table na nasa harap ko. Matapos yon ay inangat nya yung mga binti ko tsaka sya naupo at ipinatong iyon sa ibabaw ng mga hita nya. "Sunny side up eggs, hotdog, fried rice. Nagtimpla din ako ng coffee if you want." Dinampot nya yung isang pinggan at iniabot saken, "Here." Taas kilay ko yung inabot, "Ayos ka lang?" Medyo natigilan sya sa tanong ko na yon pero agad din syang ngumiti. "Oo naman. Ikaw?" "Ayos lang din naman." Nagkibit ako ng balikat tsaka tinusok ng daliri ko yung pula ng itlog at sinimulang haluin sa kanin. "Talaga?" "Oo nga." Isinubo ko yon. Nice, kaya sya talaga yung gusto kong pinagluluto eh. "Masakit pa ba yung katawan mo?" "Medyo." Nilingon ko sya kasi hindi pa sya. nagsisimulang kumain, "Bat di ka pa kumain?" Hindi sya sumagot, pero nagsimula syang umisod palapit saken kaya umangat ng konti yung mga binti ko pero nakapatong pa rin sa hita nya. Taka ko syang pinagmasdan nang lumapit sya saken... at tsaka ako ninakawan ng halik sa labi bago dinampot yung sariling pinggan at nagsimulang kumain kaya napatanga ako. Gago? Ano yon? "Problema mo?" Baliw amp. "Appetizer." Sabay kindat at subo ng pagkain nya. Lalo akong natanga. Did he just... fuckin winked...? Ilang segundo ko pa syang pinakatitigan bago ko itinuon yung focus ko sa pagkain ng almusal. Ampota anong nangyare dito? Bat kumikindat-kindat na? Kingina diba dapat magblush sya tapos mahiya tulad ng dati? Anong nangyare? Bat ganito? Where's the childish Eren? Lumipat yung tingin ko sa nakasarang bintana di kalayuan samin. Ang lakas pa din ng ulan, baka may bagyo ah. "JR." Sumubo ako, "Oh?" Tsaka sya binalingan ng tingin. Bahagya syang nakayuko habang nasa pinggan ang tingin, seryosong-seryoso yung tingin nya don na para bang sasagot yon sa kung ano mang iniisip nya. Mukha syang may malalim na iniisip base na din sa ekspresyon ng mukha nya. "I..." I frowned, "Ano?" Nagsalubong yung paningin namin tapos ilang segundo nya kong tinitigan pero agad syang umiling at ngumiti. "Wala." Pinagpatuloy nya yung pagkain kaya salubong ang kilay na pinakatitigan ko sya ngunit di rin nagtagal at nag-iwas na din ako ng tingin mula sa kanya. I'll try to say it, Chryseis. I'll try. (Eren's POV) "OMG Jace! Anong gagawin ko!? This is so awkward!" "Calm down first, Eren." Sabi nya sa kabilang linya, pero imbes na kumalma eh lalo lang akong nag-panic! "Hello? Sinong kakalma sa ganitong klase ng sitwasyon? Tokwa talaga!" Pagkatapos naming mag-almusal ni JR kanina ay ako na ang nagpresintang magligpit ng pinagkainan namin. Hinayaan ko syang matulog sa sofa habang naghuhugas ako ng pinggan. After maghugas ng pinggan ay tinawagan ko na agad si Jace. Kinwento ko kasi sa kanya yung nangyare kagabi, as in lahaaaaaaat! Pero syempre di ko shinare sa kanya kung pano namin ginawa yung ano---basta! Kinwento ko na gumawa kami ng miracle pero hindi ko sinabi kung paano! "Well, If I were you eh kalmado lang talaga ako." "But I'm not you!" I snapped at him as if we're talking face to face. "Relax. Bakit ba kasi nagpapanic ka? It's just s*x. That's normal dude, lalo na't kasal naman na kayong dalawa." "No! This is no normal! I feel like I'm completely a different person last night and that's definitely not normal, Jace!" Natutop ko yung bibig ko matapos suminghap, sumagi sa isip ko yung mga pinaggagawa ko kagabi kay JR pati na din yung mga kawirduhan na pinagsasabi ko sa kanya, "Oh no, h-hindi kaya may s-sapi ako?" Umalingawngaw yung malakas nyang tawa sa kabilang linya, yung tipo ng tawa na para bang nagjoke ako ng sobrang nakakatawa. Tokwa talaga tong taong toh. "Damn Eren, you're really such a baby. Anong sapi ka dyan? You're a man, it's natural for you to be aggressive lalo na't matagal na nung huling beses na may nakatalik ka." May kung anong kaluskos akong naririnig na para bang may kinakalkal sya, "Isa pa ay ginusto nyo yon pareho, nasaan ang awkward doon?" Natahimik ako dahil totoo naman yon. Walang tumutol samin, pareho kaming nagpaubaya. Ginusto namin yon. "P-pero kahit na!" "Ano ba talagang issue at nagpapanic ka? Did you like it or not?" "A-ang alin?" "Yung s*x nyo, duh?" Namula yung mga pisngi ko, "Ano? Nasarapan ka ba?" "Jace!" "What? Just asking." "Ano ba namang klaseng tanong yon!?" Tumawa sya, "Ay oo nga, what kind of question of that? So stupid of me, of course it is! Sinong hindi masasarapan sa s*x---" "JACE! Ang asshole mo!" Mura ko sa kanya kaya lalo syang tumawa habang ako naman eh pulang-pula na! Nakakainis! Isa pa talaga tong malakas mang-asar! Parang ewan! "Eren, just tell her that you like her. Problem solve." Sabi nya na ikinatigil ko. A-ako? May a-ano ako kanino? "You like her, Eren, hindi mo pa rin ba nari-realize?" Lumunok ako kasi parang nabasa nya yung iniisip ko, "Just tell her already. If she doesn't like you back, then so what? Atleast you told her about your feelings." Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik habang nag-iisip tungkol sa sinabi nya. Kinamot ko yung ulo ko, "Mamaya nalang ulit, Jace." Saad ko bago nagpaalam at pinatay yung tawag. Napasandal ako sa pintuan ng ref tsaka nag-umpisang magpapapadyak sa sahig. Oo na! Siguro nga gusto ko sya! Pero hindi ko kayang sabihin yon sa kanya ng agad-agaran lalo na't ngayon na may nangyare na samin! Akala ba ni Jace ganon kadali yon!? Ano nalang iisipin ni JR saken pag ganon? Nag-miracle lang kame---gusto ko na sya agad? Baka hindi sya maniwala! Baka isipin nya katawan nya lang yung habol ko sa kanya! Ano sabi ni Jace? Normal? Normal-normal! Para sa kanya normal yon kasi may karanasan sya doon! Paano naman ako? Paano akooo!? Hindi naman ako ganon pero bakit!? Tokwa pakiramdam ko ang harot-harot ko! Baby? Anong baby!? Anong baby!? S-saan ko nakuha yung baby na yon!? H-hindi kaya... Tumayo ako ng tuwid tsaka inilibot yung paningin ko sa kusina. T-tokwa, h-hindi kaya haunted talaga tong binili nyang mansion? B-baka may m-multo dito na s-sumasapi saken para gawin yung mga kahalayan na yon! Nakakatakot sa mansion na toh, k-kung ano-ano na yung p-pinaggagagawa ko simula nang tumungtong ako sa mansion na toh! "H-hindi kaya... may incubus dito?" Lumikot yung mga mata ko tsaka ko dinampot yung rolling pin na nasa malapit bago dahan-dahang naglalakad pabalik sa sala. Kailangan kong maging alerto. B-baka mamaya ay saniban nanaman ako ng kung a-anong espiritu at ma-miracle ko nanaman si JR! Nakahinga lang talaga ako ng maluwag nang makarating ako sa sala ng ligtas. Baka wala pa yung incubus, sa gabi lang siguro lumalabas. Naupo nalang ako sa carpeted na sahig tsaka sumandal sa sofang hinihigaan ni JR. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Mukhang napagod talaga sya kagabi. Nakatihaya sya ng higa habang nakaunan sa armrest yung ulo, nakaekis ang mga kamay sa ilalim ng dibdib at magkapatong naman din yung mga paa nya. Malalim yung mga paghinga nya, tanda na napakahimbing ng tulog nya. "Hanggang sa pagtulog, para pa rin syang lalake." Maingat kong hinawi yung mahaba nyang buhok na napunta sa mukha nya. Tuluyan akong humarap sa direksyon nya tsaka humalumbaba sa sofang kinahihigaan nya. Anim na taon. Sa loob ng anim na taon eh ngayon ko lang sya napakatitigan ng malapitan. Ngayon ko lang napagmasdan kung gaano talaga sya kaganda. Si JR yung tipo ng babaeng hindi nagme-make up, natural na maganda sya kaya kahit wala syang ilagay sa mukha nya eh talagang nangingibabaw yung kagandahan nya. Hindi rin sya yung tipo ng babae na maarte at sexy manamit, di rin sya mahilig mag-shopping. Noon, Si Tatang, July at Jace lang ang talagang nakakakilala saken. Sila lang ang may malasakit sakin. Pero noong naikasal ako kay JR, dumami yung mga taong naging malapit saken. Ang papa nya, ang mga kuya nya, yung mga kaibigan nya... tsaka syempre sya. Minsan naiinis ako sa kanya, lalo na kapag nang-aasar sya. Sobrang lakas nyang mampikon. Ang tindi din nyang magmura, mabilis syang mainis, ayaw nya ng pinapakielamanan, may pagka-bossy din sya. Utos dito, utos doon kahit kayang-kaya naman nyang gawin eh iuutos pa nya sa iba pero kahit na ganon eh sya ang pinaka-sweet na babaeng nakilala ko. Si Jhayrein Arriane, ang aking Knight in a camouflage suit. Sinundot-sundot ko yung pisngi nya, "Ano bang nangyayare sayo, Jhayrein?" Tumulis yung nguso ko, "Hindi ka naman ganyan saken dati." Normal lang naman yung pakikitungo nya saken noon, usap kung usap. Away kung away. Wala din kaming masyadong pakielam sa ginagawa ng isa't isa noon pero kung papipiliin ako? Mas gusto ko kung ano kami ngayon, at gusto ko ng higit pa doon. "Alam kong imposibleng mangyare yung sasabihin ko sayo dahil bukod sa lesbian ka eh imposibleng magkagusto ka saken dahil malamang, hinihintay mo pa rin syang bumalik." Tukoy ko sa ex nya, "Pero kahit na ganon, sasabihin ko pa rin." Madiin akong pumikit tsaka lumunok-lunok para maalis yung kung anong nakabara sa lalamunan ko. Huminga din ako ng malalim bilang pagpapalakas ng loob ko bago sabihin yung kanina ko pa gustong sabihin sa kanya. "I want everything about us to be real, Jhayrein." (Third Person's POV) Naalimpungatan si JR nang marinig yung malakas na kulog mula sa labas. Mas lalo lang lumakas yung ulan, malamang nga ay may bago dahil kumikidlat din kasabay ng pagkulo at kahit tanghali na ay hindi pa rin sumisikat yung araw. Wala talaga syang balak na dumilat dahil antok na antok pa sya, matutulog pa talaga sana sa kung hindi lang sya nakaramdam ng mainit na bagay na nasa dibdib nya na isa sa dahilan kung bakit sya naalimpungatan. Dahil don ay dali-dali syang nagmulat ng mga mata at agad na napatingin sa dibdib nya. "Gago?" Napapantastikuhang anya, hindi makapaniwalang magigising sya na may palad na pumipisil sa dibdib nya. Tagilid na kasi sya ng higa sa sofa, nasa likuran nya si Eren na nakadantay ang paa sa hita nya, ang isang braso ay nakayapos sa bewang nya habang ang kamay ay nakapasok sa maluwang nyang t-shirt at sapo-sapo yung kanang dibdib nya. Nakagat nya yung ibabang labi nang maramdaman yung labi ni Eren sa leeg nya, bahagyang hinahalikan iyon. Nag-iinit nanaman sya ng wala sa oras, maulan pa man din. "Masakit pa ba?" Bulong neto sa tenga nya, kinilabutan sya dahil sa nakakaakit na tono ng boses neto. "A-ang alin?" Sinilip sya neto kaya nagkatinginan sila, "That...between your legs." He kissed her cheek and gently squeezed her breast that made her whimpered, "Does it still hurt?" Bumuga sya ng hangin tsaka hinawakan yung kamay netong nakahawak sa kanya, "Oo masakit pa..." Naiinis nyang sagot. "Baby---" "...pero kaya ko naman." Biglang bawi nya bago lumunok. She gasped because of her answer after hearing that word again, hindi nya alam pero may impact sa kanya yung word na yon, napapasunod sya ng wala sa oras. 'Pota ang bilis kong kausap ah.' Bulong nya sa isip nya. Hinila sya neto patihaya tsaka sya ikinulong sa loob ng mga braso ng lalake. Inumpisahan sya netong halik-halikan sa mukha bago mabagal na dinampian ng halik sa labi kaya napa-ismid si JR. Nawiwirduhan na talaga sya dito. "You're fuckin weird today, Eren." Tinulak ng hintuturo nya yung noo ng lalake, "Ganyan ka pala matapos makaranas ng date." Sabay ismid. Hindi sya sumagot. Panay lang ang halik neto sa kanya na ngayo'y unti-unti ng bumababa sa leeg nya, napaungol tuloy sya ng wala sa oras. Maya-maya'y umangat yung kamay neto na may hawak na kahon kaya napatingin doon si JR. Agad na namula yung mga pisngi nya nang malaman kung ano yon. "Emergency." Bulong ni Eren. She cleared her throat, "Aware ka ba kung ilang piraso yung laman nyan?" Tukoy neto sa box ng condom na pinakita nya dito kahapon. Kinalkal ni Eren yung sling bag nya kanina at kinuha yon. Eren stared at her innocently, just like how he used to stare at her before. That childish stare is now tainted with desire and lust. Naninibago tuloy sya. "Oo naman." "Balak mo ba akong wasakin, Eren?" She asked sarcastically. He pouted, "Pero nakakalakad ka pa naman eh." "Tarantado ka ah!" Namimilog ang matang saad ni JR, "Lulumpuhin mo ba ako!?" "Hindi ah." "Eh ano lang!? Pipilayin lang!?" "G-grabe ka naman saken." Dumikit yung noo nya sa babae, "Ang sama mo." Sabay tulis ng nguso. Napapantastikuhan syang pinakatitigan ni JR bago sarkastikong natawa. Tawang-tawa sya sa narinig nya. "Hah! Kinginang buhay toh. Ako na yung magdamag mong ginamit tapos ako pa masama?" Sumama yung tingin nya dito, "Hanep ah! Gusto mong tamaan saken?" Lalong tumulis yung nguso ng lalake bago ibinaon yung mukha sa leeg ni JR. Mahigpit sya netong niyakap habang sinasamyo yung amoy neto. "Cuddle nalang." She growled, "Tangina mo, yung cuddle mo may kasamang pisil sa dibdib ko." "Nilalamig yung mga kamay ko." "Tara sa kusina." Umangat yung ulo ni Eren at tinignan sya, "Anong gagawin natin sa kusina? Kakain ka?" "Hinde." "Eh ano?" "Sisilaban ko yang mga kamay mo," Ngumiwi sya, "Ewan ko nalang kung malamigan pa yan." He pouted, "Ang tokwa mo naman." Natahimik sila pareho habang nakatitig sa isa't isa. Tanging yung ingay lang ng malalas na buhos ng ulan mula sa labas ang maririnig, ganon din ang malakas na kulog kasama ng kidlat. Dahan-dahan ay bumaba yung ulo ni Eren at ginawaran sya ng masuyong halik sa labi na ginantihan naman nya. Hinawi ng lalake yung buhok nya bago sinapo yung magkabilang pisngi nya, mariin na napakapit si JR sa braso neto habang tumutugon sa halik ng asawa. Hindi nagtagal ay huminto sila at parehong napatitig sa mga labi nilang nakaawang. "Why didn't you say no?" Mahinang bulong ni Eren sa kanya. Dinilaan ni JR yung sarili nyang ibabang labi, "No to what?" "To me." Dumampi yung labi nya sa tungki ng ilong neto, "You should have say no. You should have stopped me from owning you." "Why? Nagsisisi ka na ba?" "What? No. I'm not." Mabilis na sagot ni Eren. "Then shut up and just kiss your wife." Hatak ni JR sa kwelyo ng shirt neto na ikinagulat nya. "Jhayrein." "Own me as much as you want, Eren." She whispered while brushing her lips unto him, "I'm all yours."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD