Kabanata 5

2197 Words
NAGISING si Mashayana sa sinag ng araw na nagmumula sa labas. Pagkamulat ng kanyang mga mata ay hinahanap agad niya ang binata at napakagat labi siya nang mapansin niyang nakayakap sa bewang niya ang braso ng lalaki. Dahan-dahan siya umikot para makita ang mukha nito, gusto kasi niya na siguradong hindi siya nananaginip. Tumambad sa kanya ang nakapikit na lalaki, ang haba ng pilikmata nito na parang pilikmata ng babae. Hindi niya maiwasang itaas ang kanyang kamay upang palandasin kung saan ang ilong ng lalaki na kay taas ngunit kaagad din naman nagbago ang isip niya baka kasi magising ito ‘pag ginawa niya ang kanyang nais. “Ang mga mata mo talaga ang pinakagusto ko sa lahat, ikalawa ang iyong mga labi na may nunal sa ibabaw...” mahinang giit niya. May nunal talaga si Ice sa ibabaw ng labi nito, napansin niya iyon noong second year high school siya at ito ay third year. Napangiti siya nang bumalik sa alala niya ang eksina nila noon at hindi niya maiwasang magbalik tanaw. DAHIL pinili niyang pumasok sa team ng volleyball team ng kanilang eskwelahan, kailangan niya tuloy sumama sa laro ng mga ito sa ibang paaralan kaya heto siya ngayon nakaupo sa gilid at inaasikaso ang kailangan ng players nila. “Pahingi nga ako ng tubig.” Napa-angat siya ng tingin ng may nagsalita at napatulala siya nang mapansin niyang si Ice iyon. Nakasuot ito ng ternong jersey ng paaralan nila, mas lalo tuloy itong naging attractive tignan, dahil bagay na bagay rito ang jersey na kulay white with blue sa may gilid. “Ako na lang kukuha, sweetheart para sa iyo, mukha kasing malalim ang iniisip ni Mash.” Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng kakambal niya at ang pagkuha nito ng bottled water sa may gilid niya. Tumingin siya kay Ice na nakatingin pala sa kanya, kaagad siyang bumaba ng tingin dahil sa pagkahiyang naramdaman. Ilang saglit pa ay nag-umpisa na ang laro, at mukhang sila ang mananalo dahil magaling maglaro si Ice dahil todo cheer rito ang kakambal niya ganun rin ang mga babaeng may gusto rito habang siya ay tahimik lang nanunood. Napatayo siya nang biglang natumba si Akkun at sinabihan itong magpahinga muna ng coach, dahil mula pa kanina ang paglalaro nito. Kaagad niyang sinalubong ang lalaki at binigyan ito ng towel saka bottled water. “Oyy, mukhang may mabubuo na love team sa team ah,” hirit ng isang player nilang si Shin. “Heh! Magsitigil ka nga, hindi kami talo niyang si Akkun no!” Singhal niya rito. Tumawa lang ang lalaki. “Denial ka lang ‘e—” “Tama na iyan, Shin. Nahihiya na ang honeybunch ko oh,” pabirong singit ni Akkun at inakbayan siya. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki. “Aalisin mo o mawawalan ka ng kanang braso?” “Ang angas mo talaga, Mash kaya lab na lab kita ‘e—” “Heh! Lab-lab ka diyan, umupo ka na nga roon at magpahinga para may silbi ka naman ulit mamaya—” “Opo, madam.” Sumaludo pa ang lalaki kaya’t natawa na lang siya. Napawi ang ngiti sa labi niya nang mapansin niyang tumingin sa kanya si Ice ng masama habang tila kinakausap ito ng coach nila. Nagbawi siya ng tingin at walang imik na bumalik sa inuupuan niya kanina. Ilang oras pa ay natapos na ang game at sila ang nanalo. Tumayo na siya at isa-isang binigyan ng energy drinks ang mga player nila, hindi kasama si Ice dahil dumiretso ito sa pwesto ng kakambal niya na yumakap sa lalaki at humalik sa pisngi nito. Umiwas naman agad siya ng tingin sa nasaksihan at tinuon na lamang ang pansin sa ginagawa. NANG uuwi na sila ay bigla na lamang bumuhos ang ulan at sa kasamaang palad wala siyang dalang payong at malayo pa sa kinatatayuan niya ang sisilungan kaya’t ayon para siyang basang sisiw habang ang kakambal niya at si Ice ay tila ba couple sa may k-drama ang peg, magkasama sa payong habang nakahawak kamay. Nabasa na nga siya, broken hearted pa siya, ang saklap naman ng buhay niya. Nang dumaan ang dalawa sa gilid niya ay binigay sa kanya ni Amara ang payong na dala nito, hindi niya sana kukunin pero nahihiya naman siyang tumangi. Dahil magkatabi sila ni Ice at sa kabilang gilid nito si Amara, nahangip ng mga mata niya ang nunal ng lalaki sa labi nito. NAPABALIK si Mashyana sa katawang lupa niya ng umungol si Ice sa tabi niya at inalis nito ang braso sa bewang niya kaagad naman siyang bumangon at tumitig sa gawi ng lalaki kung saan ngayon ay nakatagilid na ito ng higa nakatalikod sa kanya. Napabuntonghininga siya at nagdesisyon na tumayo na at maligo pero bago pa man siya makatayo nararamdaman niya ang kamay ni Ice na humawak sa may kamay niya kaya’t napatingin siya sa lalaki. Parang gustong tumalon ng puso niya nang minulat ni Ice ang mga mata at tumitig sa kanya. “Goodmorning,” bati nito sa kanya at binitiwan ang kamay niya at dahan-dahang humiga habang siya ay hindi niya na malayang hindi na pala siya huminga sa ginawa ng lalaki. “Yana, ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?” Napakurap-kurap siya “A-ayos lang ako,” sagot niya sabay talikod at lihim na hinulot ang kanyang dibdib. Para kasing lalabas ito sa loob ng dibdib niya sa bilis ng kabog nun. Tumikhim siya at lumakad patungo sa banyo para maghilamos na. “Maliligo ka na?” Napatigil siya sa paghakbang at lumingon sa gawi ng lalaki na ngayon ay nakaupo na sa kama at seryosong nakatitig sa kanya. Iyong titig na dahilan kung bakit na hulog siya rito, para kasing nang-aakit lagi ang lalaki kung tumingin ito. “Yana?” Napakurap-kurap siya nang tinawag ng lalaki ang kanyang pangalan. “Hmmm?” Ngumiti si Ice. “Kanina ka pa tulala ‘a, ano iniisip mo?” Napa-iwas siya ng tingin. “Wala, mauuna na akong maligo.” Matagal muna siyang tinitingan tapos tumango ito. “Sige at ako naman ay tatawag muna kay Amara.” Hindi niya alam pero parang may kung anong sumampal sa kanya, nang marinig niya ang pangalan ng kakambal niya. Parang iba kasi ang pagbanggit ng lalaki sa pangalan ng kakambal niya at pakiramdam niya kahit siya ang kasama ng lalaki ang kakambal pa rin niya ang nasa isipan nito. Palihim siyang napabuntonghininga at tumalikod na at dumeritso sa banyo at doon hinayaan bumuhos ang mga luha sa mga mata niya. *** NAPATINGIN si Mashyana sa katabi nasa loob sila ngayon ng bamboat. Oo nasa gitna na sila ngayon ng laot. Tinatahak na nila ngayon ang daan papunta sa private resort ni Ice na sabi nito ay nasa Gigantes Island. “K-kailan ka pa nakabili ng resort roon?” basag niya ng katahimikan. Hindi na kasi niya kaya tiisin ang pananahimik nila mas lalo lang siya naiilang. Tumingin ito sa kanya, may suot itong sunglasses kaya nagmumukha itong artista. Lalo mas nakaka-akit ito tignan lalo pa’t nakasuot ito ng pang beach na out fit. “A year ago, mahilig kasi ako sa dagat kaya’t naisipan kong bumili ng resort para kapag gusto ko mag-relax, i can go there,” paliwanang nito. Napatango siya. “Pwede ko ba malaman ano dahilan mo kung bakit ginawa mo iyong private? At ngayon ay i-open mo para sa iba, para sa kasal ni Amara?” Inalis nito ang sun glasses at tumayo kaya napatingala siya rito. Mukhang alam na niya ang sagot, dahil hanggang ngayon ay mahalaga pa rin sa lalaki ang kakambal niya, mahal pa rin ni Ice si Amara kahit pa magpapakasal na ito sa iba kaya nito pinayagan si Amara gamitin ang resort nito dahil marahil ayaw nitong mahirapan ang kakambal niya. “Ang swerte mo naman, Mara, mahal ka ng lalaking mahal ko at may isa ka pang lalaking nagmamahal sa iyo na siyang handang pakasalan ka habang ako narito hindi pa rin pinili,” malungkot na hinanakit ng puso niya. “Hindi naman sa resort ko ikakasal si Amara kundi sa bantigue island, sa may sandbar. Sa resort ko lang gaganapin ang reception,” mamaya ay sabi ng lalaki. Natigilan siya, hindi niya kasi inaasahang sasagot pa ito. Sandbar, nakita na niya dati iyon sa mga video sa social media. Maganda nga naman gawing venue iyon dahil napakaganda ng lugar na iyon. Ang Bantigue Sandbar Island is a long stretch of glittery, white sands bordered by the luminous blue-green waters. Tanaw na tanaw mo ang karagatan na kay gandang pagmasdan ganun rin ang kalangitan kung nakatayo ka sa sandbar lalo na sa pinakadulo kaya’t hindi niya masisi ang kakambal niya kung iyon man ang pinili nitong venue, pricey but worth it. “Na tahimik ka, may masakit ba sa iyo?” Napakurap-kurap siya at tumingin sa lalaki. “Wala, naisip ko lang na ang ganda ng venue ng kasal ng kakambal ko, saksi ang langit, lupa at katubigan sa pag-iisang dibdib nila ng kanyang nobyo hindi ba’t kay mangha-mangha–” Napabitin sa eri ang kanyang iba pang sasabihin nang bigla na lamang tumalikod at lalaki at iniwan siya sa kinakaroon niya. Napabuka siya ng hangin. Mukhang tama nga ang hinala niya labag sa loob ni Ice ang pagpapakasal ng kakambal niya hindi nga lang niya mawari kung bakit hindi ito gumagawa ng paraan para huwag iyon matuloy at kung bakit mas pinili nitong masaktan sa isang tabi. ILANG saglit pa ay nakarating na sila sa may resort ng lalaki, madali lang ang paglakad nila dahil may sumalubong sa kanilang mga taong hula niya’y katiwala ni Ice dahil binigay ni Ice ang gamit na dala nila sa mga ito. Medyo malayo ang lalakarin bago sila nakarating sa gate ng private resort ni Ice habang naglalakad sila papasok kanina na pansin niyang may kalaparan nga ang resort ng binata at pwedeng-pwedeng pagkakitaan, may dalawang malaking pool siyang nakita, hula niya’y ang sa kabila ay pambata dahil sa hugis nito at may maliit na slide at may mga anime characters sa mga gilid nun at animals. Sa kabilang banda naman ay malapad at mahaba na pool na halatang pang matanda. “Ice, pwede ba magtanong?” aniya nang tumigil sila sa isang may kalakihang bahay na malaki ngunit tila bahay kubo ang disenyo. “Pasensya na if kailangan muna natin magsama rito sa rest house na ito, under maintenance pa kasi ibang mga rest house na pinatayo ko,” giit nito sa kanya at lumingon sa kinakaroonan niya. Nilibot niya ang tingin sa paligid, halatang alaga ang mga halaman sa gilid ng bahay at halata ring hindi pinapabayaan ang rest house na iyon dahil malinis na malinis ang sahig. “Mashyana?” Napakurap-kurap siya. “Yes?” “I said, is it okay with you if mag-share muna tayo nagkatuluyan dahil under maintenance pa ang ibang rest house na pinagawa ko–” “Hindi ka pa ba aalis?” takang tanong niya. Nakita niyang natigilan ang lalaki dahil napatitig ito sa kanya habang siya’y napaiwas na lamang ng tingin dahil napagtanto niyang mali ang kanyang nasabi. “Pinapaalis mo ba ako, Yana?” amused na tanong nito. “H-hindi naman sa ganun, a-akala ko kasi ihahatid mo lang ako tapos aalis ka na,” katwiran niya. Napatango-tango ang lalaki. “I see, iyon nga sana ang plano ko pero mukhang hindi matutuloy.” Kumunot ang noo niya. “B-bakit naman?” Nagkibit-balikat ito. “Nag-text sa akin ang kakambal mo, samahan raw kitang asikasuhin ang mga kakailanganin sa reception and venue dahil may mahalaga raw muna itong aasikasuhin.” Nanlaki ang mga mata niya at bumuka-sara ang kanyang labi pero walang lumalabas na salita mula roon. Narinig niyang bumuntonghininga si Ice kaya’t napakurap-kurap siya. Ano na naman kaya ang aasikasuhin ng kakambal niya at hindi ito nagsabi sa kanya na wala na pala ito sa resort ni Ice, ang usapan kasi nila magkikita sila rito at tutulungan niya ito pero bakit tila siya pa ata ang gagawa sa responsibilidad nito bilang bride. “Huwag ka nang malungkot diyan, narito naman ako tutulungan kita, hanggang kailan ba balak mo matili rito?” Bumuka siya ng hangin, isa pa sa problema niya makakasama niya ng matagal ang lalaki ito. Hanggang kailan naman kaya niya makakayanang itago ang tunay na damdamin niya rito gayong magsasama sila sa iisang bubong. “Ano ba iniisip mo, Amara at bakit mo ako pinapahirapan ng ganito!” himutok ng kalooban niya. “Yana, cheer up. Don’t worry hindi ma-b-bore rito dahil magkakalapit lang naman ang mga isla pwede tayo mamasyal kapag natapos na ang dapat gawin. Magpapatulong rin ako sa mga tauhan ko para madali ang trabaho, so, smile,” pag-aalo ni Ice sa kanya. Napatitig siya sa lalaki. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nilalambing siya nito o maiinis siya dahil alam niyang ginagawa lang iyon ng lalaki para sa kakambal niya. “Hay bahala na,” aniya at sumunod kay Ice na ngayon ay paakyat na sa taas marahil ay ituturo nito kung saan ang kwartong uukupahan niya. Malaking “GOOD LUCK” talaga sa kanya. Binibining Mary

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD