MAAGANG gumising si Ephraim kinabukasan. May job interview siya ngayon sa Hauxxon's Company. Yes, she's a Forest Nymph but Queen Azleia and King Zachary send her to one of the prestige school in Romania then he transfered to the Philippines para bantayan si Zacheuss Hauxxon. Now she will get the chance to get close to him.
Queen Azleia told her that Zacheuss is very special. Zacheuss is very special to Queen Azleia and King Zachary. Of course, he's special because he is their son. The first prince of vampires.
Thanks to her bestfriend, Logan. Alam kasi nito ang ginagagawa niyang pagbabantay kay Zacheuss Hauxxon. Logan became her bestfriend when Queen Azleia introduced him to her.
Mabait naman si Logan kaya naging kaibigan niya ito. Logan is a werewolf. And as for her, having a wolf bestfriend is cool.
Naligo muna siya at nagbihis bago lumabas ng kwarto. Tumaas ang kilay ni Ephraim nang makita si Asher, ang pangalawang anak ni Queen Azleia at King Zachary, prente itong nakaupo sa sofa niya.
"What are you doing here?" Tanong niya at inilapag niya ang bag sa sofa.
"I heard from Kuya Logan that you are going to the Hauxxon's Company for job interview today?" Ani Asher.
Tumango si Ephraim. "Yes. Why?" Tanong niya.
Asher pouted. "Buti ka pa."
Tumango si Ephraim kapagkuwan kumunot ang nuo. "At teka nga paano ka na naman nakapasok rito sa condo ko?" Sabi niya at naglakad patungo sa kusina. "Umagang-umaga, sisirain mo na naman ang umaga ko."
Yep, the second prince of vampires and her are can't really get along. Hindi sila magkasundo. Magkasundo naman pero minsan lang. Mas marami ang mga beses na hindi sila magkasundo.
"Ihahatid kita." Sabi ni Asher na sumunod sa kaniya sa kusina.
Ngumiti si Ephraim ng matamis. "No need. May maghahatid sa akin."
Kumunot ang nuo ni Asher. "Si Kuya Logan?"
Tumango si Ephraim. "Yep. Kaya umalis ka na rito sa condo ko bago ko pa gamitin sa 'yo ang silencing charm ko. Trust me, you can't speak when I used that."
Asher tsked. "Makikikain ako."
Ephraim can't help but to sighed and shook her head. "Asher, you are the second prince of vampires. Hindi ako naniniwala na wala kang pera diyan. Go and eat outside. Huwag mo akong guluhin."
Ngumuso si Asher. "Basta makikikain ako." At umupo na ito.
Napabuga ng hangin si Ephraim. Napailing siya saka napatingin sa cellphone ng tumunog ito.
Tumingin siya kay Asher. "I'm not eating breakfast. Only sandwich. Help yourself." Aniya at inilapag sa harapan nito ang loaf bread at palaman.
Sinagot niya ang tawag ni Queen Azleia.
"Queen Azleia?"
Napansin ni Ephraim na natigilan si Asher nang mabanggit ang pangalan ng ina nito.
"Hi, my dear. How are you?" Tanong sa kaniya ng reyna.
Ngumiti si Ephraim. "I'm fine, Queen Azleia. It's just that Asher came and I'm not fine anymore."
Ipinakita ni Asher ang pangil nito. Ginamit naman ni Ephraim ang kapangyarihan niya, pumalibot sa katawan ni Asher ang baging kaya hindi ito nakagalaw.
Ephraim stuck out her tongue to Asher.
"Let me go!" Asher said.
Ngumiti lang si Ephraim.
Habang si Queen Azleia naman na nasa kabilang linya ay napatingin sa kabiyak na nasa kaniyang tabi. Umiling siya. "Wala na talagang pag-asang magkasundo pa ang dalawang 'to."
Natawa naman si King Zachary saka napailing.
"Asher is naughty. Himala lang na napagpapasensiyahan ni Ephraim ang kakulitan niya. At isa pa lagi niyang inaasar si Ephraim." Ani King Zachary.
Queen Azleia sighed. Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap kay Ephraim.
"Ephraim, pagpasensiyahan mo na si Asher. Ganiyan lang 'yan dahil inaatake na naman ng kabaliwan."
Natawa si Ephraim sa sinabi ni Queen Azleia.
"Mom!" Malakas na sabi ni Asher. "Hindi ako baliw!" Tumingin siya kay Ephraim "Let me go."
"I won't."
"You... Mom! Ephraim tied me on chair using this vines!" Aniya sa ina.
Nagkatinginan ang mga magulang ni Asher na nasa kabilang saka pareho silang napailing.
"Ephraim, ikaw na ang bahala kay Asher." Sabi ni Queen Azleia.
"Yes, My Queen. Ako na ang bahala sa kaniya." Tugon ni Ephraim kay Queen Azleia.
"Tatawagan na lang kita mamaya."
"Yes, My Queen."
Nang matapos ang tawag, kumuha si Ephraim ng sandwich at nilagyan ng palaman saka niya kinawayan si Asher. "Bye-bye."
"Ephraim, let me go!"
Parang walang narinig si Ephraim, naglakad siya palabas ng kusina at kinuha ang bag saka siya lumabas ng condo niya. Nang makapasok siya sa loob ng elevator at umandar na ito pababa, she flicked her fingers.
Nakahinga ng maluwang si Asher nang mawala ang baging na nakapalibot sa kaniya. Napailing siya. Perks of being a Forest Nymph. Napakamot ng batok si Asher. Noong una nagtataka siya kung bakit si Ephraim ang palihim na nagbabantay sa kapatid niya. Ngayon alam na niya. Ephraim is hard to deal with. May mga kakayahan ito na wala sa kanilang mga bampira.
Muling napailing si Asher at lumabas ng condo ni Ephraim. Uuwi na lang siya sa bahay ng Papa Vladimir niya. Ayaw pa niyang bumalik sa Romania. Ano naman ang gagawin niya do'n?
He sighed and used his unhuman speed to leave that place.
When Ephraim came out from the condominium, nakita niya si Logan na nasa labas at nakasandal sa kotse nito.
"Hi, beautiful." Bati nito sa kaniya.
Nginitian ni Ephraim ang kaibigan. "Let's go?"
Tumango si Logan. "Hinihintay ka niya."
Napangiwi si Ephraim. "Bakit parang ayaw ko ng tumuloy?"
Napailing si Logan. "You can't go back, Ephraim. He's expecting you."
Ephraim pouted. Tinapos niya ang kinakain na tinapay saka pumasok sa loob ng kotse ni Logan.
"Asher is naughty. While Zacheuss is cold and serious." Sabi ni Ephraim. Napabuntong hininga siya saka napailing.
Logan started the engine and drive the car. "Bakit hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo magkasundo?"
Umiling si Ephraim. "Wala ng pag-asa na magkasundo pa kami."
"Pero sana lang maging magkasundo kayo ni Zacheuss." Logan said. "Goodluck to you."
Ephraim sighed.
Nang makarating sila sa Hauxxon's Company, kaagad na bumaba ng kotse si Ephraim at tumingin sa itaas ng building.
"Ang sabi ni Zacheuss, dumeretso ka na lang sa opisina niya. Siya mismo ang mag-i-interview sa 'yo." Sabi ni Logan na hindi na bumaba sa kotse.
Tumango si Ephraim. "Thank you."
Kumaway lang si Logan at umalis na ito.
Inayos niya ang bangs para matakpan ang mukha niya. Palagi kasi siyang nakakakuha ng atensiyon mula sa ibang tao kapag nakikita ng mga ito ang mukha niya lalo na ang mata niya. Kaya kadalasan rin, nakayuko siyang naglalakad sa karamihan ng mga tao.
Huminga ng malalim si Ephraim at naglakad papasok sa loob ng building. Napansin niyang napatingin sa kaniya ang ibang tao na naroon sa loob ng kumpanya. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at dumeretso sa loob ng elevator. Pumunta siya sa last floor kung nasaan ang opisina ni Averyll Zacheuss Hauxxon.
Nang makarating siya sa labas ng opisina nito, kaaagd siyang kumatok sa pinto. Hindi alam ni Ephraim pero nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.
"Come in."
Huminga ng malalim si Ephraim bago itinulak ang pinto at pumasok sa loob ng opisina ni Zacheuss Hauxxon. Pagpasok niya sa loob, nakita niya si Zacheuss na titig na titig sa kaniya. Nakaguhit rin ang gulat nito sa mukha.
"Mate..."
ZACHARY stopped reading the reports. Inilapag niya ang hawak na folder saka kinausap ang wolf niya.
Shadow, what the hell is happening to you? Why are you so agitated? Tanong niya rito.
Zacheuss, can't you feel it?
Feel what?
May kumatok sa pinto. Napaayos ng upo si Zacheuss. We'll talk later. I have important things to do. Aniya.
Tumikhim siya. "Come in."
Bumukas ang pinto. Zacheuss stilled when he smelled an alluring scent that invaded his nostril. Gulat niyang tinignan ang babae. Hindi siya makapaniwala. As his silver eyes met her green eyes, he and Shawdow muttered the same word, "mate."
Naramdaman kaagad ni Zacheuss ang saya ng wolf niya.
Mabilis naman na tumingin si Ephraim sa kaniyang likuran. Tinignan niya kung may iba pang tao sa likuran niya pero wala namang tao.
"Sir." Bahagyang yumukod si Ephraim kay Zacheuss.
Kumuyom ang kamay ni Zacheuss, huminga siya ng malalim habang nakatingin sa mate niya na nasa harapan niya. Nararamdaman niyang masaya siya at kakaiba ang pagtibok ng puso niya. Mabilis ito at ngayon niya lang ito naramdaman.
Zacheuss, restrain yourself. Wika ni Shadow.
Iminuwestra ni Zacheuss ang kamay sa visitor's chair. "Have a seat."
"Thank you, Sir."
Ibinaba ni Zacheuss ang kamay sa ilalim ng mesa. Sumandal siya sa kinauupuan. He was trying to control himself not to attack his mate. His mate is a human.
Human?
Kumunot ang nuo ni Zacheuss. He smelled that there is something on his mate's blood. She's not human. But what is she? Hindi niya maalis ang tingin sa mate niya.
Hindi naman komportable si Ephraim sa ibinibigay ni Zacheuss na tingin nito sa kaniya.
"Sir?"
Napakurap si Zacheuss. Tumikhim siya. "Are you Ephraim Miller?"
Tumango si Ephraim. "Yes, Sir. Here is..."
"You can start your work tomorrow." Sabi ni Zacheuss. "You can leave now. Leave your resume."
Nagulat si Ephraim sa mabilis na pagkatanggap niya sa trabaho. "Sir?"
"You can leave now." Sabi ni Zacheuss.
Tumayo si Ephraim at bahagyang yumukod bago siya naglakad palabas ng opisina ni Zacheuss. At nang makalabas siya, nasapo niya ang tapat ng kaniyang puso dahil mabilis ang t***k nito.
"Anong nangyayari sa akin?" Nagtatakang tanong ni Ephraim sa sarili.
Nang makalabas si Ephraim, doon lang hinayaan ni Zacheuss na mawalan siya ng kontrol sa sarili niya. His silver eyes turned to red and his fangs came out. His hair also turned white. His can feel his blood that is running in his vein is agitated. Pakiramdam niya ay sobrang bilis ng daloy ng dugo niya.
Ilang beses huminga ng malalim si Zacheuss bago siya kumalma.
His mate is Ephraim Miller.
Hindi siya makapaniwala na nakita na niya ang mate niya.
Napangiti si Zacheuss. He has found his soulmate.
Soulmates will instantly recognize each other even if they have never met. A soulmate couple are regarded as being perfect for each other in every way. Usually, the soulmates provide each other with understanding, healing and strength. Soulmates are connected by a phenomena called the soulmate bond, which remains unbroken until death. But except when they reject or one of them will reject the bond.
Huminga ng malalim si Zacheuss. Now that he found his soulmate. All he need to do is to get close to her. Mukha kasing hindi nito alam kung ano ang koneksiyon nilang dalawa.
Ephraim is his. No one could take her away from him. He will protect her for the rest of his life.
Saka lang naalala ni Zacheuss. Logan. Kilala ng mate niya si Logan. Logan recommended her. Kumuyom ang kamay niya. Kailangan niyang malaman kung gaano kalalim ang relasyon ng dalawa.
"DID YOU mean... 'You can start your work tomorrow' and that's it." Hindi makapaniwalang saad ni Logan habang magkaharap silang kumakain ni Ephraim.
He invited her to have lunch.
Tumango si Ephraim. "Nagtaka nga ako. I mean wala ng interview at tanggap na kaagad ako." Kumunot ang nuo niya. "Did you say something to him?"
Kaagad naman na umiling si Logan. "I just recommended you to him. I dind't tell him anything."
Nagapatuloy sa pagkain si Ephraim at nagkibit ng balikat.
Napaisip naman si Logan. Zacheuss accepted Ephraim easily. Kumunot ang nuo niya. Could it be... Tumingin siya kay Ephraim.
"May iba ba pa siyang sinabi na iba maliban sa tanggap ka na niya sa trabaho?" Tanong niya. Kilala niya si Zacheuss. Hindi 'yon basta-basta tatanggap ng sekretarya nang walang dahilan. Ang ibig niyang sabihin ay hindi tatanggap si Zacheuss ng magiging sekretarya nito ng hindi nito naiinterbyu ang aplikante pero si Ephraim, tinanggap nito ng ganun kadali.
I smell something fishy. Aniya.
"Napansin kong natigilan siya nang makita ako at titig na titig siya sa akin. Mukha rin siyang nagulat then muttered the word mate."
Biglang naibuga ni Logan ang iniinom na tubig. "What did you say?"
"I said he said the word mate." Ulit ni Ephraim.
Gulat pa rin si Logan. "Really?"
At last, Zacheuss has found his soulmate.
Nang makatanggap siya ng message mula kay Zacheuss.
'Let's talk.'
This is not good. Naiiling na sabi ni Logan.
Only two words pero mukhang alam na niya ang gustong pag-usapan nila ni Zacheuss.
Moon Goddess, please let me live long. I don't want to die.