CHAPTER 28

2075 Words

NAPATINGIN si Ephraim sa kalangitan nang makita ang biglaan nitong pagdidilim na para bang nagbabadya ng masamang panahon. Kumunot ang nuo niya nang makita ang mga kidlat na namumuo sa mga maiitim na ulap. "Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Ara. "Anak, anong nangyayari? Bakit ganito ang nangyayari sa panahon?" Nagtatakang sabi ng hari ng mga diwata. "Averyll..." Sambit ni Ephraim. "Isang makapangyarihang nilalang lamang ang maaaring makagawa nito. Nakabase ang emosyon niya sa panahon." Sabi ng ama ni Ephraim. Tumingin si Ephraim sa palasyo. Hindi 'to kagagawan ni Averyll. Kalmado siya kanina ng iniwan ko siya sa palasyo at sinabihan ko siyang huwag siyang lalabas ng aking silid. Muling tumingin si Ephraim sa kalangitan. "Kagagawan ito ng mga itim na mangkukulam." Sabi ni Jere

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD