EPHRAIM was looking every corner of their palace. Tinitignan niya kung may mga kawal na nagbabantay. Napabuntong-hininga na lang siya ng makitang marami ang mga kawal na nagbabantay sa pasilyo ng palasyo. Bumalik siya sa kaniyang silid at lumabas sa balkonahe ng kwarto niya. Tumingin siya sa ibaba at nakitang marami ang mga kawal na nagroronda. Paano ba siya makakalabas para pumunta siya sa pamilihan?
"Ephraim, kahit anong gawin mo hindi ka makaalis kung titignan mo lang ang mga kawal?"
Mabilis na napalingon si Ephraim sa nagsalita. "Ara?"
"Sino pa ba?" Umupo ang kaibigan sa gilid ng kama niya.
Ngumiti si Ephraim at naglakas papasok sa loob ng kwarto, "anong ginagawa mo dito?"
Napailing si Ara. "Sinusundo ka. Ano pa ba? Nag-usap tayong pupunta tayo sa pamilihan hindi ba? Halika ka na." Hinawakan niya ang kamay ni Ephraim.
"Ngunit..."
Ara sighed. "Ephraim, wala ng ibang salita. Halika ka na. Para saan pa ang kakayahan nating mga diwata kung hindi natin gagamitin." Aniya.
Ngumisi si Ephraim, "kung ganun halika ka na."
"Sandali."
"Oh, bakit?" Tanong ni Ephraim.
"Paano pala kung malaman ito ng ama mo?"
"Ako ng bahala do'n." Ani Ephraim. Hinawakan niya ang balikat ng kaibigan at naglaho sila sa kwarto niya.
Lumitaw sila sa gitna ng pamilihan. Kahit gabi na ay marami pa rin ang mga nilalang na nasa pamilihan. Nag-uusap ang ilan, nagkukuwentuhan at nagtatawan. Napangiti si Ephraim.
"Ephraim, masyadong maliwanag ang paligid. Baka may makilala sa'yo." Sabi ni Ara.
Nakita naman ni Ephraim ang nagtitinda ng maskara kaya hinila niya si Ara palapit doon.
"Maskara—" napatigil sa pagsasalita ang nagtitinda ng makilala si Ephraim, "kamahalan..."
"Sshhh..." Sinenyasan ni Ephraim na huwag itong maingay. Kumuha siya ng isang maskara at isinuot. Binigyan niya ng gintong dahon ang nagtitinda.
"Kamahalan, wala akong..."
"Sa 'yo na ang sukli." Ngumiti si Ephraim saka hinila si Ara. "Halika ka na."
Napailing si Ara sa nakikitang galak sa mukha ng kaibigan. She can't blame her if Ephraim look like a kid who's first time in the market. Paminsan-minsan lang ito nakakalabas ng palasyo. Bilang isang prinsesa ng mga diwata, kailangan nitong manatili sa palasyo at sumunod sa mga patakaran ng palasyo. Hindi alam ni Ara kung maiingit ba siya sa buhay nito bilang isang prinsesa o di kaya ay maaawa siya.
"Ara, ayos ka lang ba?" Tanong ni Ephraim sa kaibigan nang makita niyang parang may malalim itong iniisip.
Tumango si Ara. "May iniisip lang ako." Tumingin siya sa paligid. "Doon tayo." Sabay turo niya sa kumpulan ng mga tao.
Nagtungo sila roon at pinanood ang palabas. Ephraim was hopping like a kid. Napapailing na lang si Ara at natatawa kay Ephraim.
"Ara, sa tingin mo ganito rin kaya sa mundo ng mga tao?" Biglang tanong ni Ephraim.
Ngumiti si Ara, "magulo sa mundo ng mga tao, Ephraim, ngunit maganda rin doon."
Nanlaki ang mata ni Ephraim, "nakapunta ka na doon?"
Tumango si Ara, "oo. Noong bata pa ako."
"Parang gusto kong pumunta sa mundo ng mga tao." Sabi ni Ephraim.
"Huwag ka ng mangarap na magtungo doon, Ephraim. Alam mo naman ang parusa kapag lumabag ka sa batas nating mga diwata." Ani Ara.
Napanguso si Ephraim, "alam ko."
"Kaya kalimutan mo na ang tungkol sa mundo ng mga tao dahil kailanman ay hindi ka makakarating doon." Sabi ni Ara.
Napabuntong-hininga na lang si Ephraim. She wanted to go in the mortal world. Gusto niyang makita kung ano ba ang mundo ng mga tao. Kaya lang mahigpit na ipinagbabawal na magtungo ang isang diwata sa mundo ng mga tao. Ang sinumang lalabag sa batas na 'yon ay mapaparusahan, she/he will be defected from the nymph world forever, at hinding-hindi na siya makakabalik.
Buong gabi na naglibot si Ephraim at Ara sa pamilihan at nang malapit ng mag-umaga, bumalik na sila sa palasyo. Umuwi naman si Ara pagkahatid niya kay Ephraim sa palasyo.
Katulad ng nakagawian ni Ephraim tuwing wala siyang ginagawa. Naglilibot siya sa kagubatan. Marami siyang mga nakikitang diwata na abala sa kanilang mga gawain. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa gitna ng kagubatan at nang makarating siya sa gitna ng kagubatan. Napahawak siya bigla sa kaniyang ulo nang makarinig siya ng ingay. Nawala rin naman ang ingay pagkaraan.
Tumingin si Ephraim sa paligid. Nagtaka siya nang makitang kakaiba ang kulay at kintab ng dahon ng mga halaman. Kumikinang ang mga ito na parang mga ginto. Pati ang mga bulaklak ay kasalukuyang namumukadkad.
"Ephraim..."
Napatingin si Ephraim sa nagsalita. Tinakpan niya ang mata nang makakita siya ng liwanag at nasilaw siya rito.
"Ephraim..."
Nang mawala ang liwanag, tinignan ni Ephraim kung saan nanggaling ang malamyos na boses na tumawag sa pangalan niya. Ephraim saw a beautiful woman that her beauty can't compare to anyone. Napakaganda nito na parang isang diyosa.
"Sino ka?" Tanong ni Ephraim.
Ngumiti ang babae, "sino ako? Ako ang dyosa ng mga diwata. Ako si Archellis at ako ang nagmamay-ari ng kagubatan na ito at walang pang nakakapasok rito na diwata maliban sa'yo."
"Dyosa? Dyosa ng mga diwata? Ikaw?"
Ang dyosa ng mga diwata. Ang maalamat na diyosa ng mga diwata. Wala pang nakakakita rito na kahit sinong diwata maliban sa kaniya?
"Ako nga, mahal na Prinsesa Ephraim ng mga diwata. Ako ang dyosa ng mga diwata. Sagrado ang gubat na ito kaya mapalad ka at nakapasok ka rito ng walang hirap." Ani ng diyosa.
Yumuko si Ephraim, "ipagpaumanhin po ninyo kung nagambala ko kayo, mahal na dyosa. Aalis na po ako."
"Ayon sa mga naririnig ko tungkol sa 'yo kapag lumalabas ako rito sa sagradong gubat, mahilig kang gumawa lumabag sa mga batas ng palasyo. Palagi kang lumalabas ng gabi kasama ang iyong kaibigan at pumupunta sa pamilihan upang mamasyal." Nakangiting sabi ng diyosa at umupo ito sa malapad na bato.
Napayuko si Ephraim at napangiwi. Paano nalaman ng mahal na dyosa ang tungkol doon?
"Isa akong dyosa, Ephraim, kaya walang nakakaligtas sa akin. At narinig ko rin na gusto mong magtungo sa mundo ng mga tao."
Nanlaki ang mata ni Ephraim at napatingin sa diyosa, "mahal na diyosa."
"Sa totoo lang noong kabataan ko kagaya mo. Gustong-gusto kong lumabas ng sagradong gubat at magtungo sa mundo ng mga tao." Napangiti ang diyosa.
Umupo si Ephraim sa malagong damuhan at nakinig sa kuwento ng diyosa.
"Bilang isang dyosa at sa murang edad, hindi ko pa alam kung ano ba ang makakabuti sa lahat ng nilalang. Katulad mo rin ako noon na palaging lumalabag ng batas naming mga dyosa hanggang sa may makilala ako sa mundo ng mga tao na isang nilalang. Naramdaman ko ang sinasabi nilang pag-ibig ngunit ang isang ipinagbabawal na pag-ibig. Nagalit ang aking mga magulang at mula noon isinabatas na kahit sinumang nilalang ng mundong 'to ay hindi na magtungo sa mundo ng mga tao." Malungkot na ngumiti ang diyosa at tumingin kay Ephraim. "Ngunit sumumpa ako na isang maharlikang diwata ang lalabag sa batas na 'yon at tatalikuran ang kaniyang pinagmulan para sa lalaking kaniyang minamahal." Dagdag ng dyosa habang nakatingin kay Ephraim.
Napakurap si Ephraim, "hindi ko akalain na darating ang araw na 'to, mahal na diyosa. Unang pagkikita pa lang natin ngunit pakiramdam ko matagal na po tayong magkakilala."
"Tama ka, Ephraim. Magkakilala na tayo dati pa."
Biglang nakaramdam ng antok si Ephraim. Hanggang sa dahan-dahan siyang napahiga sa malagong damuhan.
Naglakad naman palapit si Goddess Archellis kay Ephraim. Lumuhod siya sa tabi nito at itinutok ang dalawang daliri sa tapat ng nuo nito. "Ephraim, anak, masaya ako na nakilala na kita. Hindi ka man galing sa sinapupunan ko ngunit ikaw pa rin ang nag-iisa kong anak. Ephraim, ikaw mismo ang gagawa ng kapalaran mo at sana masaya ka sa anumang pipiliin mo sa hinaharap."
NAGMULAT ng mata si Ephraim. Napabalikwas siya ng bangon at tumingin sa kaniyang silid. Anong nangyari sa akin? Paano ako nakarating rito sa silid ko? Ang naalala ko ay nasa kagubatan ako at kausap ko ang diyosa ng mga diwata. Panaginip lang ba 'yon?
Pakiramdam ni Ephraim, may kakaiba siyang nararamdaman sa katawan niya. Parang may kakaibang enerhiya na gumagapang sa mga ugat niya. Ephraim closed her eyes and feel the energy in her body. Umupo siya sa gitna ng kama at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng kaniyang nakatiklop na tuhod.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganung posisyon. Nagmulat lang siya ng mata nang marinig na may kumatok sa pinto ng kaniyang kwarto. Hinintay niyang bumukas ang kwarto at pumasok ang kaniyang ina.
Ngumiti ito at may dalang pagkain.
"Anak, kumain ka muna para mabawi mo ang lakas mo." Sabi ng kaniyang ina na ipinagtaka niya.
"Lakas?"
Tumango ang kaniyang ina, "oo. Nakita ka ni Ara na walang malay sa labas ng kagubatan. Ilang araw ka ring walang malay."
Nagtaka si Ephraim sa sinabi ng ina.
Labas ng kagubatan?
Napahawak si Ephraim sa kaniyang nuo. Kung ganun hindi panaginip na nakilala niya ang dyosa ng mga diwata. Tumingin siya sa kaniyang ina. "Ina.."
"Hmm?" Umupo ito sa gilid ng kama niya at hinaplos ang pisngi niya. "Bakit? May bumabagabag ba sa'yo?"
Umiling si Ephraim, "wala po."
"Sige na. Kumain ka na."
Tumango si Ephraim. Nang makalabas ang kaniyang ina. Tinignan ni Ephraim ang pagkain na dinala nito. Pakiramdam niya sa sarili, malakas naman siya. Huminga siya ng malalim at bumaba sa kama. Kailangan niyang bumalik sa kagubatan na 'yon. Kailangan niyang makausap ang diyosa.
Lumipas ang dalawang araw at bumalik si Ephraim sa sagradong gubat upang muling makausap si Goddess Archellis. Hindi niya alam ngunit maagaan ang loob niya sa diyosa. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Ngunit hindi niya ito nakita sa tirahan nito kaya naman naglakad-lakad siya hanggang sa makita niya ang isang kakaibang puno.
Tumingin si Ephraim sa kaniyang paligid. Ito lang ang puno na kakaiba. Matibay at malaki ang katawan nito ngunit ang mga sanga nito ay parang mga baging na nakalaylay sa lupa.
Nilapitan ni Ephraim ang puno at hinawakan ang katawan nito. Nagulat siya ng lumusot ang kamay niya. Kaagad niyang tinanggal ang kamay sa puno at tinignan ito.
Ephraim was curious. Kaya naman inilagay niya ulit ang kamay sa puno, katulad ng nangyari kanina, lumusot na naman ang kamay niya. Sinubukan niyang ihakbang ang paa niya, lumusot rin ito.
Huminga ng malalim si Ephraim saka inihakbang muli ang paa hanggang sa kalahati na ng katawan niya ay lumusot na sa puno. Huminga siya ulit ng malalim saka inihakbang muli ang paa. Nilamon siya ng kadiliman hanggang sa lumiwanag ang paligid niya.
Tumingin si Emphraim sa kaniyang paligid. Kakaiba na ang paligid niya. Hindi na ito kagaya ng mundo nilang mga diwata. Tumingin siya sa kaniyang harapan at kumunot ang nuo niya nang makitang may mga naglalaban.
"Anong nangyayari?" Nagtataka niyang tanong sa sarili.
Nakita niyang kakaiba ang mga ito. May pangil ang mga ito at pula ang kanilang mga mata. Hindi pa nakakakita si Ephraim ng mga bampira pero may nabasa na siya tungkol sa mga ito.
Sharp fangs.
Red eyes.
Pale skin.
Sharp claws.
Strength.
Speed.
They are vampires.
Napadako ang tingin niya sa isang babae na pinagtutulungan ito ng limang lalaki.
Ephraim used her power to help the woman. Tumilapon ang kalaban ng babae. Napatingin sa kaniya ang babae. Nginitian niya ang babae.
Napasinghap si Ephraim nang makitang may aatake sa babae mula sa likuran nito. Mabilis na lumitaw sa kamay niya ang pana, at sa likuran naman niya ang palaso. Humugot siya ng palaso mula sa kaniyang likuran. She aimed the arrow and shoot the vampire who wanted to hit the woman.
Dumaan ang pana sa gilid ng ulo ni Azleia. Mabilis niyang nilingon ang bumagsak sa kaniyang likuran. Nakita niya ang isang black vampire na bumagsak. Tinignan niya ang babae na tumulong sa kaniya.
"Who's she?" She asked herself.
Nararamdaman niyang hindi ito tao ngunit hindi rin ito bampira. She can feel the power of the woman. The woman has strong power. Pero ang nakakuha ng atensiyon niya ay kakaiba nitong kasuotan. Nakuha rin ng atensiyon niya ang kulay ng mata nito. It's green, just like the forest.
Azleia used her vision to look at the woman's identity.
She shocked and surprised at the same time.
A Forest Nymph.
She thought Forest Nymph had already extinct because they were hunted one hundred years ago. Iilan lang sa kanila ang natira. Akala niya wala na ang mga ito ngunit hindi niya akalain na may natitira pa sa mga ito.
Napangiti si Azleia.