TINIPON lahat ng Hari ng mga Diwata ang lahat ng mga mandirigma ng kaharian upang kasama ng grupo ni Zacheuss na makipagdigma sa mga itim na mangkukulam. Jeremy set a barrier. Hindi makakapasok ang mga itim na bampira sa mundo ng mga diwata. Kapag sinubukan man ng mga ito na pumasok sa barrier na inilagay niya, siguradong masusunog kaagad ang mga ito at mamamatay. Ngayon ang araw na nakatakda upang magharap ang dalawang panig. Susubukan ng mga diwata na makiusap sa mga itim na mangkukulam. Napabuntong hininga si Zacheuss habang nakatingin kay Ephraim na mukhang malalim ang iniisip. Naglakad siya palapit rito. "Ephraim." Mukhang hindi naramdaman ng dalaga ang paglapit niya rito kaya naman hinawakan niya ang balikat nito. Napaigtad naman si Ephraim nang maramdaman niyang may humawak sa