CHAPTER TEN JAZZLENE "SA sobrang inis ko, hindi ako nagluto ng hapunan namin kahit pa binilinan ako ni Mommy na maghanda ng makakain namin," I finished dramatically before I took a sip of my coffee. Narito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang coffee shop sa labas ng university dahil breaktime. Inis kong ikinuwento sa kanila ang ginawa ni Adam sa bahay nina Janina. For the record, hindi naman ako basta nagsaya kasama ang friends ko. Bonding namin 'yon na napagkasunduan ng buong block dahil malapit na kaming mag-OJT at hindi kami magkakasama. Kaya naman hanggang ngayon ay inis na inis ako sa ginawa ni Adam. Ang totoo nga ay hindi ko pa siya kinakausap simula pa kagabi matapos niya akong iuwi sa bahay namin. Gumawa ako ng paraan para hindi ko siya makasabay sa pagpasok. I couldn't bel