CHAPTER 17 “ALRIGHT then. Why don't we insert a funny game while I am giving you all the answers to your questions?” Napakunot ang noo ni Dorothea sa mungkahi ni Dozier. Actually kanina pa siya naiirita sa binata kaya nama’y wala na siyang naramdamang takot at basta na lamang niya itong sinugod doon— sa dream house niya. Si Dozier ang kaisa-isang taong kakilala niya na mangmang pagdating sa biruan kaya hindi niya maiwasang kabahan sa suhestiyon nitong funny game kuno. Parang may kaakibat na gera ang kalakip ng mala-demonyo nitong ngisi. “Wala akong panahong makipaglaro saiyo, Mister Dozier Villarte. Just answer me why my family are here? Bakit ni isa sa kanila ay hindi ko makausap ng matino? Ano?” Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na niya itong itinanong kay Dozier. But a