CHAPTER 19 NADATNAN ni Dozier sa loob ng study room ang namumutla niyang panauhin na si Beatrice. Nang lumabas na ang kanyang Ina sa study room ay hudyat na tapos na nitong makausap si Beatrice o gisahin sa madaling sabi. “What did she tell you?” Walang ekspresyon ang mukha niya nang umupo siya sa harap ng dalaga. “Nothing. Binantaan lang naman niya ako at ang negosyo ng pamilya ko.” Malumanay ngunit balot ng pagkabahala ang anyo ni Beatrice. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. Sapat na iyong dahilan na apektado ito sa naging takbo ng pag-uusap nila ng Ina ni Dozier. “What? Mom's so impossible sometimes. What did she exactly tell you?” He angrily rubbed his chin and focused his eyes on the floor. “I have my own antique shop if you still didn't know it at kapag hindi ako lum