CHAPTER 2
TILA kapos sa sustansiya ang katawan ni Dorothea kinaumagahan nang pumasok siya sa trabaho. Tinatamad siya. Hindi niya matanggap na pagkatapos niyang iligtas ang buhay ng Boss niya kagabi ay magagawa pa rin siya nitong i-reject.
The fѷck?
Akala pa man din niya na tatanggapin na nito ang pakiusap niya pagkatapos ng nangyari kagabi ngunit tapik sa ulo at walang buhay na thank you lang ang natanggap niya mula sa Boss niya kagabi.
Ngunit hindi pa rin siya susuko. Gagamitin niya ang nalalabing mga araw niya sa PQS company upang hikayatin pa lalo ang suplado niyang Boss na maging contract girlfriend nito nang sa ganoon ay mabigyang-daan ang pangarap niyang makapasok sa modelling world.
"Lyka, bring this contract to Chairman Villarte. He needs these now for the contract signing with Ms. Glenna Jackson this afternoon." Awtomatikong napaangat ang mukha ni Dorothea nang marinig ang utos ng kanilang executive director sa isang empleyado.
Akmang tatanggapin na ni Lyka ang mga papeles nang mabilis siyang umibis at inunahan niya ito.
"Director Dee, ako na pong maghahatid nito kay Chairman." She insisted.
Tinaasan siya ng kilay ng Executive director. "So diligent person huh!" Komento ng baklang director na nananatiling nakaarko ang kanang kilay.
Nginitian niya lang ito saka nag-jog patungo sa elevator.
Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, lumitaw naman mula sa kung saan ang isang Fil-Am commercial model na may bitbit na frappe at box ng doughnut.
Napaismid si Dorothea nang lumapit ito sa kaniya. "Ace..."
"Baby, for you." Nakangiting usal nito sabay abot ng dala nito kay Dorothea.
"You should not be here, Ace. My goodness!" She snapped then glanced around, making sure that her Boss wasn't around.
Imposible naman ang iniisip niya sapagkat once in a blue moon lang kung magawi sa ibang palapag ang Boss niya. Ayaw na ayaw kasi nito na umakyat sa hindi niya malamang kadahilanan.
Teka! Bakit nga ba nababahala siya kung makit man sila ng kaniyang Boss? Ano ngayon? E ni-reject nga siya nito?
"Baby, why? I just wanted to see you. What's wrong with that?"
Ace is her current boyfriend. Sinagot niya ito noong nakaraang linggo sa kadahilanang tutulungan daw siya nitong matanggap sa audition bilang endorser ng upcoming product ng PQS. Ngunit wala naman siyang napala sa binata dahil hindi nga siya natanggap. Kupal ito. Wala naman itong ginawa upang siya ang mapili sa audition tulad ng ipinangako nito sa kanya.
Dorothea rolled her eyes. "I'm breaking up with you now, Ace. You're a great liar. Useless. Moron. You didn't find ways for me to be accepted in the audition yesterday like what you have promised me. Sinungaling ka!"
Ace's face softened and then turned into apologetic. "No, don't say that, baby. Believe me, I tried to recommend you to the producers but..."
"I don't care anymore. Umalis ka na, Ace! We're done." She said with finality.
Then she stepped inside the empty elevator. Akmang sasara na ito nang hablutin niya ay pasalubong sa kanya ni Ace na frappe.
"Akin na 'to! Goodbye to you." Irap niya.
"Baby, wait..." Pigil ni Ace pero sumara na ang elevator.
Baby..
Baby..
Baby..
Fѷck!
Kung dati ay walang ano mang epekto ang overused na term of endearment na iyon sa kaniya ngunit ngayon ay tila mayroon na.
Napapikit siya dahil nahihimigan na naman niya ang walang buhay ngunit nakakakilig na boses ng Boss niya kagabi nang tawagin siya nitong baby.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo saka iminulat ang mga mata. Pinagana na naman niya ang wickedest part ng kaniyang utak sa kung ano na namang strategy ang gagawin niya mamaya upang hikayatin ang Boss niya.
Haranahin niya kaya ito tutal may ibubuga rin naman siya sa kantahan.
E kung mag-dirty dance kaya siya sa harapan nito katulad sa mga napapanood niyang p**n video. Habang sumasayaw ay uunahin niyang hubarin ang suot niyang silk thong at pagkatapos ay kakandong siya sa masungit niyang Boss. Gigiling siya sa kandungan nito at tutuksuhin ang batuta nito.
"OMG! I would like to try it." Impit ang tili niya sa loob ng elevator. Fortunately she's alone inside.
Aktibo na naman ang berde niyang utak. Kasalanan naman kasi ito ng sister-in-law niya na dating dancer sa isang night club bago napangasawa ang kapatid niya.
Bigla tuloy siyang nauhaw sa mga kapilyahang naiisip. Habang tinutungga niya ang walang drinking straw na inumin, bumukas naman ang elevator hudyat na nasa ground floor na siya. Ngunit ganoon na lamang ang pagmulagat ng kaniyang mga mata nang bumungad sa kaniya ang napakaguwapong mukha ng kaniyang Boss. As usual, stoic face na naman ang suot nito.
Napalunok siya at aligagang ibinaba ang inumin. Natataranta siya dahil sa presensiya ng Boss niya na noon naman ay hindi ganoon ang epekto sa kaniya.
Why now, self?
"The contract?" Mukhang hinihintay nga nito ang ihahatid niyang papeles.
His midnight eyes are so impressive yet impatient while glaring at her. Yes, he was fѷcking glaring at her and it almost made her shiver. Almost.
"H–here, Sir.. I mean, Boss." She tried to collect her composure and smiled lightly.
Aksidente namang nalaglag ang mga dala niyang papeles bago ito makuha ng guwapo ngunit suplado niyang Amo. Sa katarantahan ay natapon pa roon ang dala niyang inumin.
"Fѷck that!" Her Boss hissed, grabbing her out of the lift by her wrist. Papasara na kasi iyon kung hindi ba naman siya lutang.
"What stupidity have you done, woman? Dang it!" He now looks so pissed.
Napakurap si Dorothea dahil sa pagsigaw nito. Kapagkuwan ay napayuko siya dahil pinagtinginan na siya ng ibang empleyado na naroon. Ayaw pa man din niya ang napapahiya at sa ilang taon na niya sa pagtatrabaho ay ngayon lang siya pumalpak ng ganoon. Nakakahiya.
"B—boss, pasensiya na po. Ipapa-reprint ko na—"
"You are fired! Leave!"
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa anunsyo ng Boss niya. Her Boss is known for having no sense of humor, serious as Hitler and dangerous as Lucifer.
Now she is so dead.
"You can't do that." Stunned, she murmured.
Napatiim-bagang naman ang guwapong nilalang sa harapan niya. "And why not? I am the Boss, owner of this building where your feet are stepping on now. What made you think that I can't do that?" Pinukol siya nito ng nanunuligsang tingin.
"Alam ko. It's just that I already filed a resignation letter, so you don't have to bother yourself to fire me. Alam mo, hindi ka lang pala suplado at grumpy, mayabang ka rin. Okay, I'll leave! Hell is all yours now. Yabang!"
Walang bahid ng gulat ang hitsura ng kaniyang Boss pagkatapos niya itong singhalan. Sa takot na baka masapak siya nito ay nagkukumahog siyang pumasok sa paakyat na elevator. Kukunin niya ang mga gamit niya sa kaniyang department at nang tuluyan na siyang mag-sayonara sa imperyo ng masungit niyang Boss.
Pero naiiyak siya. Saan naman kaya siya mag-uumpisa ngayon?
PAKIRAMDAM ni Dozier ay nagsiakyatan lahat ng dugo niya papunta sa kaniyang utak nang makabalik siya sa loob ng kaniyang opisina.
Hell with that stupid woman?
It was the very first time that his employee shown rudeness to him. f**k! Ibig niyang sundan sa twentieth floor ang dalaga at pilipitin ang makinis nitong leeg or better yet plant some sinful hickeys in her skin.
Damn, dude! How could you even think of rewarding that woman with hickeys after she freaking snarled at you? His inner self uttered.
And to his dismay, after Evalina ay ngayon lang muli nabuhay ang halimaw niyang pagnanasa at ang letseng empleyado lang naman niya ang may gawa no'n sa kaniya.
She surprisingly ruined his mind since last night that she barged inside his office, wearing her skimpy attire that showed a lot of reason for making the bastard part of anatomy in the center portion of his upper thighs extremely agitated.
The woman perfectly exposing how blessed she is physically. She's gorgeous as f**k and hot as hell. Masisisi ba ni Dozier ang sarili kung makaramdam siya ng ganoong pagnanasa sa dalaga? Hell no!
He's a very sexually needy man. Kung hindi nga lang siya abala sa mala-bundok na paperworks niya kagabi ay baka pinatulan na niya ang alok ng dalaga.
Remind him again why he got a stupid proposal from his employee named Dorothea Shaheen. Dahil sa may kailangan lang naman ito sa kaniya at sapat na dahilan na iyon upang burahin niya ito sa landas niya.
"What?!" Paanas niyang bungad sa tumawag sa business line niya. Talent manager iyon ng bago nilang modelo na si Glenna.
Nasaang impyerno na naman kaya ang sekretarya niya at bakit dumirekta sa kaniya ang business call na iyon?
"Boss D, this is Rapunzel.." Anang boses mula sa kabilang linya na pilit ginagawang binabae.
"So?" He snapped.
"Boss D, inform ko lang sana kayo na hindi na magagawa ng alaga ko ang project under PQS this month. Naaksidente po kasi siya kaninang umaga. Nadulas siya sa at malala ang sprain niya sa kaliwang paa."
"f**k that!" He hissed. Napasentido siya pagkatapos pinutol ang linya.
He's going nuts.
Kailangan na nilang i-launch ang upcoming product nila bago pa man sila maunahan ng kanilang mahigpit na kakompetensiya sa industriya.
He needs to search for another endorser at napatayo siya kaagad nang maalala na may abot-kamay palang babae na willing pasukin ang nabakanteng trabaho.
He's silently praying na sana hindi pa ito nakakaalis.
Labag na labag sa kalooban niya ang sumakay sa elevator. He hasn't gotten a phobia about elevator basta ayaw na ayaw lang niya na sayangin ang oras niya sa pagsakay ng elevator kung puwede namang manatili siya sa ground floor.
Or maybe he still cannot forget about what happened to his sister inside an elevator that was why he is still afraid riding a lift?
Ganoon na lamang ang gulat sa mukha ng mga empleyado sa twentieth floor nang makita siya ng mg ito roon.
He can't blame them. After six months ay ngayon lang din siya naligaw sa palapag na iyon.
"Where's Ms. Shaheen?" Agaran niyang tanong kay Director Dee.
Shit! Her surname felt so great in his tongue. WTF?
"S—si Dorothea?" Bakas ang gulat sa mukha ng baklang director na tila hindi ito makapaniwala na hinahanap niya ang babaeng sinisanti niya kani-kanina lang.
"Why? Is there another employee here who has the same surname?" His voice is made of a piercing sarcasm.
"None, Boss D. My bad for asking. By the way, Ms. Shaheen is..." Nag-igting ang panga niya nang mabakas niya na mukhang naglaho na nga ang babaeng kaniyang hinahanap.
"I think she's in the rooftop, Boss D. Inutusan ko lang naman iyon na ihatid saiyo ang kontrata pero umiiyak na noong bumalik.."
Damn! Bakit pakiramdam niya guilty siya sa pagtangis nito?
Tinalikuran na niya si Director Dee. He kept on cussing while taking another trip via elevator up to the rooftop.
Bakit ba kasi nandoon ang babaeng iyon?
Parang binundol ng konsensiya ang sikmura ni Dozier nang madatnan niya si Ms. Shaheen na nakaupo at yakap-yakap ang sarili habang umiiyak.
HABANG nasa loob ng elevator, sakto namang tumunog ang telepono ni Dorothea.
Her brother is calling.
"Diosdado, wala akong pera ngayon." She said straightforwardly.
Parati namang pera ang pakay ng kapatid niya sa tuwing naalala siya nitong tawagan.
"Ate, ano ba? Dinala namin ngayon ang bunso ko sa ospital dahil baka may dengue siya. Ate, ngayon ka pa ba magiging sakim kung kailan kailangang kailangan namin ng pera. Anong klase kang kapatid?"
"Punyeta naman, Dado oh! Kung sana ay naghahanap ka ng matinong trabaho at umiwas sa barkada't bisyo hindi ka sana naghihirap ng ganiyan."
"Pera ang higit na kailangan ko ngayon at hindi sermon. Kung ayaw mong magbigay, bahala ka. Isisisi ko saiyo lahat kung may mangyaring masama sa anak ko. Tandaan mo iyan!"
Kasabay ng pagkaputol ng linya ang masaganang pagbagsak ng mga luha ni Dorothea.
Imbes na bumalik sa departamento niya ay napagdesisyunan ni Dorothea na dumiretso sa rooftop para doon mag-emote.
Single nga siya pero napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya. Daig pa niya ang single mother na may isang dosenang anak. Ewan ba niya sa gago niyang kapatid kung bakit parang ATM machine ang tingin nito sa kaniya? Nakakaletse ang buhay. Hindi naman niya matiis ang kapatid at mga pamangkin niya dahil mahal na mahal niya ang mga ito.
"Quit being a dramatic queen.."
Mula sa pagkakasubsob sa nakabaluktot niyang mga tuhod, umangat ang tingin niya sa taong nagmamay-ari ng boses.
Nabuhay na naman ang inis niya nang makita ang makasalanang kakisigan ng Boss niya.
"Fine. I'm leaving." She enunciated with a weak voice and stood up.
Tila may nagkagulo na kung ano sa loob ng dibdib niya nang pigilan siya ng kaniyang Boss sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
Napasinghap siya. "Ready your goddamn pen. You're going to sign a contract under my empire."
Shock and heart stopping happiness jogged inside her.
"As your contract girlfriend?"
"As an endorser for our upcoming product."
Bakit tila yata na-disappoint siya roon?
©MaribelleVerzosa