Tahimik ako habang ginagamot ang mga pasa at sugat ni halimaw. Ayokong makipag-usap sa kanya kaya mas pinili kong tumahimik nalang. Iniiwasan ko ring magtama paningin namin dahil iba ang nararamdaman ko pag nagtatama ang mga tingin namin. Ewan ko ba, sa twing magtatama ang paningin namin bumibilis ang t***k ng puso ko. Wala naman akong sakit sa puso pero parang nagiging abnormal pagtibok nito. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinipigilan ko. Ayokong mahalata niya na natatakot at kinakabahan ako sa presensiya. Kinakabahan kasi ako dahil dalawa lang kami dito sa office ni Hanz. Alam niyo naman kung bakit natatakot akong maiwan dahil sa mga kapangahasan niya sa akin noon. I know he's staring at me. I can feel the intensity of his eyes at natatakot akong makita niya kung gaano ako na