Shayna Rainne's POV
Iginala ko ang aking paningin sa loob ng bago kong unibersidad. Isa akong transfer student at galing ako ng Saint Claire University. Isa sa pinakamagandang eskwelahan sa bansa at ngayon nakatayo sa aking harapan ang bago kong eskwelahan. Napakalawak pala talaga ng Hanzford University at sobrang ganda rin.
Modern university ito, sunod sa uso at ang daming matataas na building. May basketball court ito, badminton, soccer field, swimming pool at marami pang iba ayon sa hawak kong booklet nila.
May kilalang coffee shop din ito at mga sosyal na kainan na talagang ginawa para sa mga mayayamang estudyante. Sa laki ba naman ng tuition fee kailangan talagang masulit ng mga estudyante ang binabayad nila dito. Dapat nilang ma-enjoy bawat pribilehiyo na ibibigay ng unibersidad.
Tsaka, hindi lang ito ang maganda sa HU. Mahuhusay din ang mga professor dito na nag-aral pa sa ibang bansa at pumasa sa board exam. Marami ang board passers at bar passers nila. Kaya okey na din na choice ang university na ito kung dito ka mag-aaral. Pero kahit maganda ang university na ito hindi ko ito ilalagay sa list ko.
I sighed, bakit ba ako nag-transfer dito, bakit hindi na lang kasi sa ibang bansa. Ayokong dito mag-aral dahil may ayaw akong makita rito. Pero anong magagawa ko? Ang desisyon ng mga magulang ko ang dapat masunod at hindi ito pwedeng baliin.
Napansin kong konti na lang ang mga estudyanteng nagkalat dahil malamang nasa loob na ang ilan sa mga classrooms at nagkaklase. Samantalang ako ay papunta sa office ng dean para makuha ang schedule ko dahil one week na akong late sa pagpasok at sa mga aralin. Wala naman akong problema kung late na ko sa mga aralin dahil mas advance ang pinanggalingan kong eskwelahan. Kinailangan ko lang mag-transfer dito dahil sa isang lalaking sobrang obsses sa akin sa dati kong school.
Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ang mga kalalakihan ay sumisipol at nagbubulungan naman ang mga kababaihan na nadadaanan ko. Ang lakas ko talagang makaagaw ng atensyon. Dinedma ko na lang sila saka dumiretso sa office ng dean.
Medyo hinihingal pa nga ako nang makarating sa pakay ko. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa gilid ng patilya ko, natawa ako kasi doon talaga ako pinagpapawisan.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaking sobrang tangkad. Hula ko ay nasa 6'2" ang height niya dahil 5'8" naman ako. Oo, matangkad ako sa height ko na ito pero sobrang tangkad ng lalaking ito. Ang tangkad at napakalaki ng katawan. Hula ko nagdyi-gym ito.
Agad akong gumilid para makadaan siya, ni hindi ko siya tinapunan ng tingin at papasok na sana nang bigla itong pumihit pabalik na naging dahilan para mabangga niya ako at mauntog ang ulo ko sa pintuan.
Hindi ko kinaya ang sakit dahil ang lakas ng impact nang pagkakauntog ng ulo ko dahilan para matumba ako. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil alam kong babagsak ako sa marmol na sahig at siguradong masakit 'yon.
"Fxcking s**t!!!" narinig kong sigaw ng lalaki.
Naramdaman ko na lang na mabilis na pumulupot ang kanyang mga braso sa baywang ko. Nakaramdam ako ng relief sa ginawa niya pero ang sakit ng ulo ko at dumidilim na ang paningin ko. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang napamura ulit and everything went blank.
Di ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil pakiramdam ko namamaga na ang mga eyeballs ko. Iminulat ko ang aking mga mata at muli ring ipinikit nang masilaw ako sa liwanag ng ilaw sa kisame.
"Ahhhh.... Sige pahhh...."
"Ohh, Lei. Ahhh... Ahhh..."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang ungol na iyon. Ano 'yon? May gumagawa ba ng milagro o nanaginip lang ako? Mga kabataan talaga oo. Wala ng pinipiling lugar mailabas lang ang init ng katawan. Nakakahiya tuloy kay Rizal. Dati ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit ngayon ang kabataan na ang sisira ng bayan.
"Ohhhhhhhh..."
Muli kong binuksan ang aking mga mata nang makarinig muli ng ungol at nagpasyang maupo sa kama. Hinanap ko kung saan ang umuungol. Oh my goodness! May gumagawa 'ata talaga ng milagro rito sa clinic, kinilabutan ako sa naisip pero naisip ko nag-iisa lang naman ako rito sa loob ng clinic.
'Di kaya multo 'yon at nagkamali lang ako ng dinig? Mas lalo akong kinilabutan, takot pa naman ako sa multo.
"Malapit na ko Leiiii.....ahhhh faster...."
Shit na malagkit! Muli ko na namang narinig! May naglalampungan nga! Kasabay ng ungol na iyon ay isang tunog na 'di pamilyar sa akin malagkit ang tunog at parang plok! plok! ang sound. Takte bakit kailangang marinig ng birhen kong tenga ang lahat ng ito.
Nagpasya akong tumayo kahit nahihilo pa ako dahil 'di na matake ng isip ko ang naglalaro sa utak ko na imahe na ginagawa ng dalawang taong iyon na nasa gitna nang masarap na...
Natutop ko ang aking bibig. Bakit ko nasabing masarap iyon? Hindi ko pa iyon naranasan at wala sa isip ko na gagawin ko iyon in the near future. Kailangan ko ng makaalis dito as soon as possible. Hindi ko na nagugustuhan iyong mga senaryo na ini-imagine ng utak ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang bag ko na nasa side table ng kama at maingat na naglakad papunta sa pintuan. Mabini kong pinihit ang seradura ngunit nagulantang ako sa nakita!
"Ahhhhhhhhh!" tili ko nang malakas ng makita ang 'di ko dapat makita. Ano ba 'tong kabal-balang ginagawa ng mga ito!
"s**t!" sabay na bulalas ng dalawang nilalang na natigil sa masarap na kantu---oopsss! Censored! Hindi sila magkandatuto sa pagbaba ng mga damit at pagtakip sa maselang bahagi.
Natulala ako at muntik pang matumba ngunit agad din akong nakabawi sa pagkabigla at walang lingon-likod akong nagtatakbo palayo.
Mala-kabayo ang ginawa kong pagtakbo na tila hinahabol nang sampong demonyo. Gusto kong makaalis sa lugar na 'yon at h'wag ng babalik kahit kailan.
Flirt na nurse 'yon! Sa estudyante pa talaga pumatol! Sabagay gwapo 'yong lalaki, kahit sino naman papatol sa ganoon kagwapo, well, except me. Walang appeal sa akin ang mga lalaking hangal sa kamunduhan. Ang gusto kong lalaki iyong maginoo, simple, mabait at medyo gwapo para walang kaagaw.
Hindi ang isang iyon ang magugustuhan ko. Hindi na nahiya, talagang sa clinic pa nila nagawa ang ganoong kabalbalan. Jusmiyo barbaridad de caridad. Huwag sanang ma-invade ang malinis kong utak!