Maaga akong ginising ni yaya ng umagang iyon. Wala namang pasok, bakit ako ginising?Siguradong puyat naman lahat ng mga estudyante ngayon. May live band pa kasi na tumugtog kagabi at inuman nung umalis kami ni LuHan. Kasama kasi iyon sa celebration ng university dahil 3rd year anniversary nito kahapon. Ano't ginising ako ng yaya ko ng ganitong oras. Alas diyes palang at kulang pa ang tulog ko Sabi niya kasi may naghihintay sa akin sa baba. Sino kaya iyon at hindi man lang tinanong ng yaya ko ang pangalan. Kung wala lang nag-aantay na bisita sa baba ay matutulog nalang ulit ako. Pupungas-pungas akong bumangon saka nagtungo sa banyo para maligo. Nakakahiya naman kasing humarap sa bisita ko kung mabaho ako at masagwa ang mukha. Si L kasi eh, alas dos na kami ng madaling araw na nakauwi