A/N: Medyo boring po ito. POV po kasi ni Drew...hehehe! Hindi ko pa po ito na-edit. Sensya po sa mga typho's and wrong grammar... hihihi ["Dude...sama ka?"] sabi ni Gelo sa kabilang linya. Aga-aga mag-aya lumabas, ang init-init kaya sa labas. "Saan?" bored na sabi ko. Tamad na humilig ako sa headboard ng kama habang nakaipit ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko. Saan na naman kaya ako yayayain ng mokong na to? Alam naman nitong hindi ako palalabas ng bahay. Madalas ay nagmumukmok lang ako sa bahay dahil ayokong makisalamuha sa mga tao. Mas gusto kong nag-iisa. Eskwela at bahay lang ang routine ko sa araw-araw. Lalabas lang ako ng bahay kapag pinilit ako ni kuya or ni ate. Mahirap kasing tumanggi at sumuway sa mga iyon. Nakakatakot kasi silang magalit. Simul