Mag tatanghali na pero hindi pa rin bumababa si Caerus sa kwarto niya kaya naman naisipan kong magluto ng tanghalian para sa aming dalawa. Para naman kahit papano ay hindi na siya magalit pa sa'kin. Hindi naman ako guilty sa nangyari kasi alam ko naman na wala akong kasalanan, unang una kasi nag pa-practice lang naman talaga kami ni Slheighter, pangalawa sinunod ko naman ang gusto niya na dalawang ruler ang layo namin sa isat isa, at higit sa lahat-- takot naman talaga ako sa aso kaya hindi ko maiwasang ma patalon kay Slheighter at mapayakap, ganon naman talaga ako ehhh. Tsaka ganon din naman ang nangyari saming dalawa nung unang punta ko sa bahay nila, nung hinabol din ako ng aso niya. Hindi ba at napayakap din ako sa kanya dahilan para mapahiga kami sa sahig at mapa patong ako sa