NIXIE'S POV Nandito na ko sa school. Wag niyo nang tanungin kung nakita ko si Caerus ngayong umaga dahil ang sagot ko ay hindi. Kumain lang ako ng madami kanina sa breakfast para hindi ako gutumin agad. Dahil to be honest, 40 pesos lang talaga ang laman ng wallet ko ngayon at wala ng iba, dahil sumakay ako sa jeep papasok kaya nabawasan yung 50 ko kagabi. Grrrrr. Kuripot talaga yung bakla na yun. Aish!!! Naalala ko na naman kaya nasisira na naman ang araw ko. Nag lalakad na ko papunta sa room kung saan may meeting ulit ngayon. Pag dating ko ay medyo kalahati na yung nandun, may ilan na ngumingiti sakin ng makita ako, may ilan na bumati ng good morning at may ilan na parang wala lang. Nilabas ko na lang yung cell phone at headset ko at nakinig ng music. Ang ganda ganda nung kanta